Marina Zale POV
"Magka-away ba kayo ni Skye, Mariz?" tanong ni Shen matapos niyang mapansin ang lungkot sa boses ko pagkatapos naming mag-usap ni Skye sa tawag.
Hindi agad ako nakasagot. Para bang biglang bumigat ang dibdib ko sa tanong niya. Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi naman kami nag-aaway ni Skye, pero hindi na rin kami tulad ng dati. May kung anong puwang na sa pagitan namin pagkatapos ng graduation namin. Isang bagay na hindi ko maintindihan, isang distansyang hindi lang dahil sa layo namin sa isa't-isa.
"Hindi naman, ayos naman kami," sagot ko, pilit na pinapatahan ang sarili kong mga alinlangan.
Pero hindi ako nakalusot kay Shen. Seryoso ang tingin niya sa akin, para bang binabasa niya ang hindi ko sinasabi. "Parang may mali kay Skye, Mariz. Kutob ko lang naman," aniya. "Hindi naman kase siya ganiyan dati eh."
Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang bagay na hindi ko rin maintindihan. Totoo bang may mali? O iniisip ko lang dahil namimiss ko siya?
Buong gabi akong hindi mapakali. Paulit-ulit kong binuksan ang chat namin ni Skye, binasa ang mga huling mensahe niya.
From: Beb
Good night, beb. Always remember that I love you so much, okay?"Mariz, tawag ka ni Direk. Magpunta ka raw sa office niya."
Nag-angat ako ng tingin kay Coach pagkatapos naming matapos ang final rehearsal para sa mall show namin mamayang hapon. Hingal pa ako, ramdam ang pagod sa katawan, pero higit pa roon ay ang kaba sa dibdib ko.
Bakit kaya ako pinapatawag ni Direk?
Dala ang kaba, naglakad ako papunta sa opisina niya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko nang kinalabit ko na ang pinto ng opisina niya.
"Direk?" mahina kong tawag nang pumasok ako sa opisina niya.
Seryoso ang tingin niya sa akin habang itinulak niya sa harapan ko ang cellphone niya. "Upo ka, Mariz."
Dahan-dahan akong naupo sa upuan sa harap niya at tumingin sa screen ng phone niya. Naka-play doon ang isang video—isang pamilyar na eksena. Ako. Si Skye. Ang graduation namin. Ang pag-abot ko ng bulaklak sakaniya. Ang tili ng mga taong nakapalibot sa amin. Ang yakap niya sa akin.
Nagpantig ang tenga ko nang makita ang comment section. Nakita ko roon ang sandamakmak na masasama at masasakit na comments tungkol sa akin at lalong-lalo na kay Skye mula sa mga taong nakapanood.
"Alam na! Kayo na pala, eh!"
"Dapat tanggalin na 'yan sa grupo. Hindi naman idol material, CHEATER!"
"Si Skye? Ew, baduy. Walang Taste."
"Disgusting. Si Shen na 'yan nagawa pang ipagpalit."
"Wala kang respeto sa fans mo, Marina."
"Paano na si Shen? Ano ka two-timer?"
Napasinghap ako. Hindi ko alam kung ano ba ang mas masakit—ang mga masasakit na salita na ibinabato nila sa akin o ang pandadamay nila kay Skye sa issue na 'to.
"D-direk..." Nanginig ang boses ko.
"Ilang araw ng trending ang video na 'to, Mariz. Mabilis itong kumalat sa lahat ng social media platforms," diretsong sabi niya.
Napalunok ako. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, guilt ba dahil hindi ko napagbigyan ang mga fans sa gusto nilang makita sa amin ni Shen sa araw ng graduation namin, takot ba na madamay si Skye sa problema na kahaharapin ko, o galit dahil bakit pati ang buhay ko sa likod ng camera ay dapat nilang pakielaman?

YOU ARE READING
Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)
RomanceMarina dreams of being a P-pop star. She works hard, attending auditions and chasing her goals. But there's a catch-her best friend, Skye, is always by her side. Skye is Marina's biggest supporter, but Marina has deeper feelings for her. As Marina's...