Kabanata 2

6 1 0
                                    

Lumakad pa ako ng konti sa may madilim na bahagi ng tulay sa may gilid nito. Inusisa ang madilim na bahagi.Kahit papaano hindi ako mahahagip ng CCTV camera pagtumalon na ako sa ilog. Dumungaw ulit ako at tiningnan ang tubig sa bandang may ilaw.

Nang ilang segundo may narining akong may- suminghot at humihikbi mukhang may umiiyak. Kinabahan ako baka may multo ata, nang lumapit ako ng konti meron talagang umiiyak boses ng babae na humahagulhul lumapit ako ng konti at may naaninag ako isang babae ang anino nito.

" miss okay ka lang?" sabi ko sa kanya pero hindi ito sumagot. Nang papalapit ako ng ilang hakbang sa kanya.

" dyan ka lang!" sigaw niyang pahagulhol na taranta naman ako bigla.

" ah...miss, magpapa kamatay ka rin ba? ako rin eh tatalon din ako" pabirong sabi.

Nang malingat ako ng konti bigla siyang tumalon sa tubig. " diyos ko po! talagang desidido talaga itong baliw na tumalon" tumalon siyang bigla na walang man lang sabisabi.Sa mga sandaling iyon,nagpanic na kaagad ako hindi ko maka isip ang gagawin biglaan ang pagtalon nito, pero dinig ko ang lagaslas ng tubig sa ibang bahagi ng ilog at nagdadalawang isip pa ng mga sandaling iyon.

Walang ka abog-abog na tumalon siya at plano kong sumunod din kanya.

Para iligtas?! Oo..

Narinig ko na may lumagapak n sa tubig hudyat na tumama ang katawan niya sa tubig. Sumunod naman akong tumalon inuna ko ang mga paa ko sabay hawak sa ilong at nang makatalon agad naman nag-palutang hinanap ko agad ang babae.

Naku naman ako pa itong mag -liligtas.

Hindi ako sumisid dahil sa may bandang madilim na parte ng ilog kami at hindi ko siya makikita pagnataon.

Ilang saglit pa nang hindi ko matiis, sinubukan kong sumisid para hanapin siya mga anino lang ang na-aaninag ng mga mata ko. Bumalik ako sa itaas para humigop ng hangin tapus sisid ulit at balik sa itaas para humigop ng hangin.

"miss! miss!" sigaw ko na nagpapanik na talaga. Pero isa lang ang nasa isip ko yun ay ang hanapin siya.

Hindi pa mamatay yon ilang minuto palang. Wala akong magawa nagpaanod ako sa tubig na may na aninag akong lumolutang sa bandang gilid ng ilog akala ko ay siya na.

Dali akong lumangoy patungo doon akala ko siya na iyon hindi mali pala isang puno lang pala naanod at sumabit sa gilid malakas kasi buhos ng ulan kaya malakas ang daloy ng tubig sa ilog. Lumangoy pa ako ng lumangoy hangang sa may ilaw dakong parte ng ilog.

Sumisid uli ako nang manakita ko siya wala ng malay sumabit ang damit niya pala. Lumangoy ako paitaas at humigop uli ng hangin saka bumalik sa pag sisid.

Nakita ko itong bumitaw na and damit nito sa pagkakasabit at nahiwalay, dali-dali akong lumangoy at hinila ang mukha niya paitaas, baka maanod at malunod pa talaga kaming dalawa ng tuloyan at ayaw ko mangyari iyon.

Walang malay na talaga.naku patay na ata to.

Siniguro kong inangat ang mukha niya at hinubad ang damit ko naka bra at pantie na lang ako. Malulunod talaga kami pag hindi ko binawasan ang bigat namin sa tubig na humihila sa amin papalubog. Buti nalang at madali kong natanggal yung damit ko inuna ko ang slacks na pantalon at saka yung damit ko pang itaas na may mga butones at madali lang itong hablutin,inangat ko lang ang mukha niya tapos lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa makarating kami sa bandang gilid dinala ko siya sa gilid ng ilog.

Nang maka-apak ng lupa "omg...! " ang ginaw naman. napabulong sabay nginig, feeling ko tumayo lahat ng balahibo ko agad ko syang nilatag sa may damohan.

" miss! miss gising!" lumingon- lingon ako. May narinig akong ambulansyang paparating sa kinaroroonan namin.

" omg! wag mag-panic Abby" sabi ko sa sarili na nanginig talaga sa lamig tinatapiktapik ko pa ang mukha nito."

Agad ko naman check ang pulso niya muklang wala na pero humihinga pa.

Mukhang nawalan to ng malay, hindi ko marandaman ang pulso nito o sadyang nanginig lang talaga ako.

Hindi ko mapag-tanto sa lamig. Kinuyum ko na lang ang dalawang kamay ko saka inilapat sa dibdib niya para mag-sagawa ng CPR.

" 1...2...3.... come on miss gising...wag ka muna sumunod sa ilaw. kargo pa kita multohin mo pa ako"

habang nagpapump pabulong kong sinabi.

Tapos inangat ko ulit ang ulo niya ng bahagya saka pinisil ang kanyang ilong at bwelo ng hangin sa bibig nya.

" nako naman! Mukhang mali ata ang ginagawa ko hindi ko na alam " saka kinuyum ulit ang kamay ko saka magsagawa ng CPR nag-pump ulit ako

" 1...2...3... suko nako miss! gumising ka naman ohh.... dito ang tamang daan.."

Lumingon ako na may mga paramedics na paparating sa likuran at polisya. May narinig akong may mahinang umubo nang tiningnan ko siya.

" miss! okay ka lang?!" ala-alang ala ako pero tiningnan niya ako, tapos nag tungo ang mga mata niya sa gawing ibaba kong naka luhod sa harap niya naka pante at bra. At ako naman napa takim ng bahagya hinarang ko ang mga braso sa harapan.

" ikaw okay ka lang?" sagot niyang pataray ng tiningnan ako sa gayong ayos, tapos umupo na ito sa damuhan, hahawakan ko sana pero nag dadalawang isip ako.

" pasensya na, nawala yung damit ko." ngumiti lang ako saka lumingon at nakaramdam ako blush na medyo nahihiya naka bra at pantie lang ako at may dumating pa.

Ilang saglit lumapit na ang paramedics at mga pulis nakita ko agad ang aking makulit na secretarya tawag ng tawag mula pa ng umalis ako sa office.

"ma'am! teka ho, anong nangyari?" sabi nya. Humihingal nalumapit ay nagtatanong sa akin.

" wala, nag-swimming lang kami.." pilosopong sagot sa secretary ko, na ubod ng kulit agad namang hinubad niya ang blazer sa harapan ko at inilagay sa balikat nanginig na talaga ako sa ginaw.

" wag mo nga akong hawakan!" sabi ng babaeng sa mga paramedics at lumingon ako sa kanya.

" kasi naman eh! bakit pa niligtas mo ako!" naka tingin at pasigaw na pagkakasabi sa akin nang inaalalayan ito ng mga paramedics at inilagay na sa stretcher.

Habang ang secretary ko inalalayan din ako, tinalukbong nya ang kumot na ibinigay sa akin ng mga medics.

" thank you miss! i will take that as a compliment" pa birong sabi ko sa kanya habang akayakay siya ng medics at mataray pa rin ang mukha nito.

Paglingon ko sa secretary kong si Elaine sabay nakadama ako ng pag-ikot ng paningin at hindi makahinga at biglang nawalan ng ulirat sa mundong ibabaw...

A/N : ( pasensya sa CPR part hindi ako talaga ako marunong. Try ko lang mag illustrate yung pang-yayari not fully detail. peace- out!

Salamat sa time reading po ;)

(theWritingStudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon