Kabanata 8

1 1 0
                                    


****

Dumating at umabot kami sa eksatong oras at sa nasabing address, huminto na kami at pinuwesto ang kotse sa parking area nang papalabas na kami.

" ano yun na amoy ko pagkain ba yun?" sabay nagtinginan kami ni Elaine sa likod ng sasakyan saka nagkatinginan at nagtwanan ako at ang secretarya ko.gising na pala ang prinsesa

"Alam niyo po bang ang nasa likod mo ay walang iba kundi ang kaisaisang lang naman na taga pagmana sa isa sa mga malaking companya dito sa atin?" sabi ni Elaine habang inilagay sa tamang gear and sasakyan isang latest volkswagen bettle sa kasaluluyang taon habang hila hila ko ang seat belt ko napatingin lang ako.

" ahh... spoiled brat pala ito" sabi kong sinilip ang head mirror at may kinuha sa isa sa mga kumparment ng sasakyan.Saka inayos ang mga gamit. Nang ilang segundo lang nagtagal biglang may humampas sa pisngi ko.

" ang sakit naman nun.. ano yun!? dami falling stars dito ah? aray naman Audrey...ano problema mo.?" sabi kong himas himas pa ang pisngi, saka nakatitig sa kanya nakataas pa ang isang kilay nito.

" ano?!" sabay baba nito ng sasakyan nang matapos ma- ipark ng maayos.

" ano suntukan nalang tayo dito wala naman tao sa labas eh? ano ha?!" paghahamon ko pa sa kanya.

" ma'am, Abby wag ka mag hamon dito, ang yaman niyan patay tayo diyan small time business lang tayo wala tayong labang diyan yari tayo diyan" sabay awat ng secretarya kong si Elaine pero itinulak ko pa si Audrey para hamoning mag suntokan.

" alam mo etong secretarya kong ubod ng kulit kung ikukumpara sayo hinigitan mo pa hanggang sampu!" sabi ko sa kanya habang awat awat ako ni Elaine. " talaga ma'am ang kulit ko po ba?" takang sabi ni Elaine sa akin.

" sige suntokan tayo dito ngayon din!" tugon ni Audrey naghahamon din sabay pa hila hila niya ang manggas ng damit sa braso niya. Nang may sumipol nagka tinginan kami tinunton kung saan. Nakita namin isang guarda sa lugar na paparating sa kinaroroonan namin

" miss may problema ba diyan?" habang papalapit ang guard sa amin.

" ah... e.. kuya wala po ganito lang po kami nag- aasaran lang ho kami dito." Sabi ni Elaine habang unti- unting lumalapit si kuya sa amin.

" sino dito ang anak ni Merideth Monteclaro?" Habang nag- uusisa ito sa amin.

" ako ho" sabay presenta sa sarili ko inayos ayos ang damit kong gusot na gusot.

" ah ma'am paki pirmihan po dito tumawag po si Miss Monteclaro sa akin, inform niya ako na may titira na daw dito anak niya paki pirma lang po dito record lang po sa guard house at policies na rin dito trabaho lang po at paki dagdag na rin ang mga kasamahan niyo po dito." hawak ko ang ballpen saka pumirma ako at ibinigay uli sa kanya.

" Salamat po ma'am, pag may kailangan po kayo sa guard house lang po kayo tumawag sige po magandang hapon sa inyo" sabay alis ng guard na hindi ito nagtagal.

" ah ma' am bago ko po malimutan may papirmahan po ako sa inyo." simingit si Elaine

" Sa cafe ho ito, teka kunin ko sandali yung papers sa kotse." tumingin ako kay Audrey naka kabit balikat lang ito saka naka taas na naman ang kilay sa akin.

" bakit ba ang sama ng tingin mo?" lalapitan ko na siya sana nang bigla hinablot ang braso ko ni Elaine.

" ma'am pirma na po kayo dito " inabot at hawak uli ako ang ball pen para pumirma saka tumingin ako sa kanya.

Naku sarap itarak sa iyo ito kung hindi lang ako nag titimpi sayo at kung hindi ka lang maganda cute at class ang dating sakin naku patay ka talaga.!

(theWritingStudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon