Kabanata 25

0 0 0
                                    


****

>

Dinampot ko ang mga gamit ko sa damuhan. Tiningnan ko lang silang dalawa " Abby.. Please naman o...ilang ulit ko bang sinabi wag- kang matulog sa tubig" tiningnan ko lang Merideth na nagrereklamo " una sa bath- tub at lasing pa at ngayon dito sa pool, noong naka raang linggo lang sinubukan mo pang lumundag sa tulay" kita ko sa mata ni Merideth ang pagaalala kesa sa mom ko na naka tayo lang sa pool.

Tiningnan nila ako pareho na naka bra at panties lang saplot habang pinupulot ko mga gamit ko sa may damohan na tumutolo pa ang tubig sa aking mukha. " hindi na ako menor de edad para pag- sermonan ninyo,at mawalang galang na po mommy patawad pero umuwi na kayo baka mag- away pa kayo ni daddy. Baka ano pa magawa sa inyo. Salamat sa pag- bisita, heto..humihinga pa naman ako. At saka wag kayong mag- alala ako na mismo ang lalayo sa inyong dalawa. Ayokong, ako pa ang dahilan na masira ang pag-titinginan ninyo sa isat- isa. At siya nga po pala wala pong nangyari sa aming dalawa ni Auntie Merideth. iyong iyo pa rin ho siya buong- buo kahit andyan si daddy andyan si Merideth palagi sa inyo."

Sabay akong tumalikod nag-lakad papalayo sa kanila habang sila naka- titig lang sa akin na walang magawa. Hindi ko namalayang tumutulo na pala yung mga luya ko. Habang sinu- suot ko ang pantalon ko at jacket at shirt ko. Nang papa alis na ako ng bahay, nag-lakad ako papalabas ng villa.

Hindi nila ako pinigilan na wag umalis dahil alam nila hindi rin ako papayag na mamalagi doon. Lalo lang gugulo ang sitwasyon namin.Hindi ko alam kong saan ako pupunta maliban sa munting cafe ko.

Lumapit si Laura sa may damuhan kung saan nilapag ko ang mga gamit ko. " Merideth ano ito?" sabay tingin sa hawak- hawak nitong isang maliit na pakiteng ipinag-babawal na gamot. " Oo, gumagamit na si Abby. Hindi ko alam kong kelan siya nag-simula pero. Nakita ko halos ulamin na niya ito." napabuntong hininga si Merideth sa harapan ni Laura "Merideth parang bumagsak ang mundo ko, hanggang sa mga sandali ito. Na humantong sa ganito at sa dami ko nang kasalanan sa batang iyan si Abby...Merideth siya ang first baby ko kaya ko mahal na mahal ko ang bata." sabing ni Laura sa kanya na may pagsisi at wala na silang magawa.

"ni hindi ko alam kung ano at paano ko makaka- bawi sa pagkukulang ko, lalo na sa panahong kailangan niya ako." dagdag pa ni Laura na napahagul-hol lang sa mga sandaling iyon " hayaan mo na ma-aayos din ang lahat" sabi ni Merideth na yakap- yakap niya ito.

" hindi ko dapat pinabayaan siya, anak ko pa rin siya kahit hindi ko mahal ang daddy niya. Sa akin pa rin siya nanggaling at una ko pang anak alam mo yan. Merideth ni hindi ko man lang magawang isipin yung asawa ko habang ginagawa yung mga bagay na ginagawa, bilang mag-asawa hanggang sa ipinag- buntis ko siya at mahal ko mahal ko si Abby kahit hindi ko gusto ang daddy niya ." humahagol-hul na lang si Laura kay Merideth ng magsiwalat at halong pagsisi nito sa totoong naramdaman niya.

A/N: hello dear readers, Thanks po sa time i appreciated so much it means a lot.

( theWritingStudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon