Kabanata 49

0 0 0
                                    


***

Ilang saglit pa okay na ang sugat ko. Mukhang mabibinat na ako neto. " Abby.. Tumawag ang lawyer ko. Pwede na akong magsampa ng kaso sa dad mo.." hindi lang ako umimik. Nag iba ng timpla ang mood ko ng marinig ko iyon galing kay merideth.

" sorry.. Naiintindihan ko... Abby. Hindi ko na-" tumingin lang ako sa teddy bear na hawak ko. " ituloy mo Merideth hindi ako mag dadalawang isip. Parang hindi ako anak ng dad ko. Basta na lang niya ako barilin ng walang kalaban laban. Minsan naiisip ko na mali na ang pagdadalng tao ng mom ko sa akin. Nakita niya ako Merideth pero hindi niya ako pinansin!" galit at tiimbagang pagkakasabi at tono ko kay Merideth.

" Huminahon ka baka mabinat ka na naman niyan" alam kong nag alala si Merideth pero hindi ko mapigilan sarili ko. Dahil sa nangyari tiningnan ko lang siya ng mga sandaling iyon.

Maganda at maayos na ito. Hindi na katulad ng dati namu mugtong mga mata sa kakaiyak. " Abby salamat naman at hindi mo ko iniwan." tiningnan ko siyang maiigi. " Abby ilang segundo huminto ang paghinga mo at tibok ng puso mo flat talaga ang makina naka kabit sayo akala ko mawawala kana sa akin ng mga sandaling iyon. Nakita ko muntik nang sumuko na ang doktor. Pangalawang beses iyon mula pa sa ambulansya nang dalhin ka dito san hospital. " mukhang na-iiyak na naman si Merideth.

" anong baril na ginamit ng dad ko?" binaling ko tingin sa teddy bear na hawak hawak ko. ".45 Abby...himalang nabuhay ka..at laking pasalamat ko iyon sa itaas.." tumulo ng tuloyan ang mga luha at nito nag uunahan sa pisngi nito lumingon ito papalayo binaling nito ang tingin sa mga bulaklak na andoon.l

Tiningnan ko siya saka pinahid ang mga luha niya. Namumulang dulo ng bahaging ilong niya. Mainam na ring sinalo ko ang bala na para talaga sa kanya.

Pero kong tutuusin. Si daddy na lang sana ang umintindi. Kahit anong pilit ni mommy sa sarili niya hindi ito magawang mahalin siya. Sana nagpaka lalaki na lang siya sana ni respeto ng kahit konti ang mommy ko bilang tao na lang.

Mga magulang naman talaga Oo!

Kahit kailan hindi pag aari ang mga anak at hindi dapat ipinang babayad sa mga utang ng mga magulang. Ganon ang kapalaran napala ni mommy sa piling ni daddy

(theWritingStudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon