Kabanata 33

0 0 0
                                    


****

Kinabukasan araw ng sabado maaga akong nagising. Nag- punta ako agad sa likod ng building, kung saan naka park ang aking sasakyan medyo tago ang lugar. Mainam na ring hindi ito makikita nga mga taong pinag- tataguan ko.

Sinipat sipat ko ang bettle ko, medyo marumi na. Agad kong naisip na linisan ito kesa pupunta pa ako sa car wash. Hanggat maari pilit ko maging busy at hindi ako nag rerelax dahil kong ano- ano na ang sumasagi sa isipan ko.

Madami na akong problema kaya minabuti ko wag nang alahanin pa ang lahat. Kung may bagay na dapat mangyari- mangyayari talaga kahit ano pang pilit gawin kahit tumambling ka pa.

Agad ko binuksan ang gripo at sumalok ng tubig gamit ang timba. Hindi porke may kaya ang pamilya ko marunong ako kahit konti sa buhay. Napa ngiti na lang ako hindi ako masaydong mang-mang sa gawaing bahay. Habang sinira ko lahat ng bintana ng kotse ko. Meron akong nakita isa sa mga pakiteng ginagamit ko nuon, binuksan ko ito. At hinalo sa timba para ito matunaw saka nilagyan ng sabon para sa kotse. Napangiti na lang ako sa ginagawa ko para lang akong sira ulo hinalo ko pa na panglinis ng sasakyan.

Agad akong naghubad ng shirt ko at nag- palit ng manipis na blouse at maiksing shorts sa loob ng sasakyan. At saka sinaksak ko sa tenga ko ang earphone ko para magsimula mag-linis. Sinabi ko sa lahat ng tauhan ko wala ako rito at hindi nila ako nakita. Ayoko ng storbo at abala sa mga taong ini iwasan ko.

Tumagal din ng ilang minuto ang paglilinis ko. Habang sa kalagitnaan ng paglilinis ko, meron akong narinig na boses na tumatawag sa pangalan ko. Agad akong napa yuko upang mag tago, at tiningnan ko asan nanggaling ang boses na tumatawag sa akin.nang mapa lingon ako si Merideth na pala na nasa likod ko. Ngumiti ito ng makita ako alam niya marami akong sabon sa katawan at mukha ko.

Tinanggal ko ang earphones ko saka tumungin sa kanya. Iniwas niya ang tingin nito papalayo sa akin at mukha itong natatawa pa. Habang puma- padyak pa ang isang paa nito nito sa may simento." bakit andito ka?" sabay titig ko sa mukha niya ng malalim at seryuso. Yun pagkaka taong iyon bihira ko lang napansin ang aura nitong masaya at maaliwalas na mukha ng mga sandaling iyon. Doon ko lang napansin may katamtamang tangos pala ng ilong nito at sa mapupungay nito mga mata. Above average ang kagandahan niya kung susumahin. Ahh kaya pala Walang duda si mommy lol napa ngiti nalang ako bigla.

" cute ka pa la kung ganyan ang ayos mo. Tapos naka tali pa ang buhok mo. Ang cute mong tingnan" sabi sa akin natatawa na talaga pero pini pigilan lang niya ito. " Auntie bumalik kana sa mommy ko at Wag mo kong gambalain pa" sabi ko at agad akong tumalikod sa kanya sabay sabon sa windshield ng kotse.

" wala na kami ng mom mo" sabi niyang ganon agad lang akong tuningin sa kanya na naging seryoso na ang mukha nito at tinuon ko ang attensyon ko pabalik na pagsasabon sa bintana ng kotse ko. " narito ka ba para sa balitang iyan?" sabi kong ganon na hindi man lang ako tumitingin sa kanya weird kapag titingin ako sa kanya parang may humahatak sa pagkatao ko patungo sa kanya.

" alam kong narinig mo ang usapan namin ni Audrey kagabi nung hinarang ko siya sa labas ng cafe mo. Nung mga nakalipas na gabi pala." sabay lumakad papuntang kabila ng kotse at humarap tapat sa akin.

Agad akong umikot sa kotse para hindi kami magkaka lapit. " oo, totoo ang mga sinabi ko. Nakita ko na may pinindot si Audrey sa likuran niya bago paman kami nag usap" humakbang siya pa kaliwa at ako namay pakanan panay sabon ko sa kotse at para rin lang naman hindi niya mahahalata umi iwas ako.

" hindi ako interesado Auntie" mariin kong sinabi sa kanya. " bakit mo ko ini iwasan kong hindi ka interesado. Ginusto mong habulin kita tama?" napa hinto na lang ako sa ginagawa ko. " tama? Sabihin mo tama ako." sabi niyang sa mahinang boses. Nag uudyok at nag hahamon ito. Alam niya kung sino ako at ang pag uugali ako. Alam niya buong pagkatao ko dahil madalas ko siyang maka sama kesa sa daddy ko habang lumalaki ako. Kaya ganoon na lang ito ka agresibong hamonin ako.

(theWritingStudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon