Kabanata 18

0 0 0
                                    


***

Mag-aalas otso na ng pumasok kami sa loob ng bahay nagtambay lang ako sa may counter ng kusina.

Ini-isa isa ang mga emails sa inbox ko at ang mga registered calls and text messages wala ni isa galing sa dad ko, sa kapatid ko or sa mom ko puwera na lang sa secretary ko ubod ng kulit minsan napapangiti nalang ako sa kanya.

Hay Lungkot ng buhay...

Tiningnan ko uli ang schedule ko by monday ang dami pa pa lang aasikasuhin. Pero okay lang balik trabaho at balik sa normal ang buhay maliban na nalang sa hindi ko na kasama parents ko.

Dumaan si Audrey sa harapan ko. Naka bihis na ito bagong damit ewan saan kinuha. Baka naghalungkat sa mga closets. Tiningnan lang niya ako habang bunuksan ang frigde ng mga wine agad naman itong kumuha ng isa. Pinagmamasdan ko lang siya habang kinakalikot nito ang phone, saka nagpatugtog ng mahinang instrumental na violin.

Parang may patay na ang buong bahay ang tunog.

Lakas talaga maka - trip nitong babae na to... Naku naman lakas ng tupak.

Lumapit agad ako sa kanya saka nagsalin ng wine sa baso. Tumingin lang siya sa akin sabay lumingon titig sa malayo. Hindi ko malaman ang iniisip niya habang umi-inom ng alak. Tumabi ako sa kanya sabay kami tingin sa malayo.

Ilang minuto kaming ganoon ang set- up. Hanggang sa kumuha na ako ng isa pang bote ng wine. Lumipas na isang oras mahigit. Nagsisimula na nang umikot ang paningin ko. Pero si Audrey wala lang naka sukbit pa nga ang isang kamay kabilang braso nito habang ang isa kamay nakahawak sa wine glass at saka umiinom ng pauntiunti. Na pagkalalim-lalim ng iniisip nito.

Agad akong umayos nang pagkakaupo habang pinag mamasdan ko siya.

" kung lasing kana matulog ka na diyan samahan mo lang ako dito. promise hindi kita gagalawin" sabi pa nitong pabiro.

Naka smile lang ako sa kanya medyo iba na sa pandinig ko ang boses niya.

Ilang saglit pa may sinindihan siya, tumingin lang ako sa kanya at ginaya ko siya sa paglanghap nito.

Hanggang sa hindi ko na alam ang pinag- gagawa ko.

Mukhang nasipa na talaga ng alak ang utak ko at may hinalo pa kami.. yung sisindihan tapos may magic na usok...puff! lol

(theWritingstudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon