Kabanata 12

2 1 0
                                    


***

" halika pasok tayo sa loob doon tayo sa sofa ituloy natin ang kwetohan mukhang nilalamig kana " sabi ni Auntie na ina-alalayan niya ko sa likod at hagodhagod pa niya ako.

" okay sige po wala pong problema medyo malalim na po ang gabi at lumalamig pa lalo" ngumiti lang ako sa may pinto-an.

" tawagin mo nalang akong Merideth, at sabihin mo sa new friend mo ang totoo kay Audrey. Mahirap mabuhay sa kasinungalingan." napangiti lang ako sa narinig niya.

At nang maka pasok at maupo sinindihan ka agad niya ang mga malalaking scented candles na nasa harapan namin nakapatong sa glass na mesa. Dinako ko ng tingin ang isang malaking flat screen sa harap namin halos sinehan na and dating at nang maupo kami tinitigan niya ako mg husto.

Nagtaka ako baka may dumi sa mukha or yung buhok ko concious tuloy ako." alam mo Abby na-alala ko sayo ang mommy mo kamukhang-kamukha ka niya noon nung medyo bata bata pa siya o bata pa kami ng konti.

Pero merong may nadagdag ng medyo konti lang " sabi niya napakagat labi halatang bino-bola ako

" ano po yun.." at sinakyan ko pa napatawa lang ako ng bahagya sa kanya habang inupoan ko ang isang binti, sabay hablot ng unan kaharap sa kanya.

" Gusto malaman kung ano ang mga ito? ang mga nadagdag ay, mas mapupungay at magandang mga mata. Mas mahaba ng konti ang mga piluka, tapos luma-lalim ang dimples sa kanan pag-tumawa." sabi niyang parang nakakita ng anghel.

parang lang sinabi nadagdag na special features ko sa mom ko.

"Nako po patay ho tayo diyan!" sabi ko at sabay tawa kami ng auntie merideth ko " meron sana akong itatanong wag kayong ma-oofend. " sabi kong nahiya-hiya pa sa harapan niya.

" Ilang taon na po ba kayo if you dont mind?" saglit kong tingin sa mga malalaking candila sa harap.

" kung ikukumpara ko sa iyo mas matanda lang ng mga, walo hanggang anim na taon siguro sa iyo " napangiti lang ako ng bahagya sa sinabi niya.

"pero mas bahagyang bata pa ako sa mommy mo na apat na pu't dalawa or tatlo taon kung hindi ako nagkaka-mali mga forty-two or forty three sa pagkaka alam ko edad ng mommy mo " tugon niya sabay titig sa akin.

Sinusuklay -suklay pa niya ang buhok ko ng dahan dahan.

" tawagin mo nalang pangalan ko Merideth at bawas bawasan mo tawagin at bawal ng ho, opo " tumitig lang ako sa kanya at ngumiti lang ang tugon ko sabay tango

" so ibig sabihin tatlong-put- walo na kayo tama?" tiningnan ko siya maiigi.

" mga apat o limang taon ang tanda ng mommy ko kesa sayo tama? madaling sabi mas bata ka pala ng ilang taon kumpara sa mommy ko akala ko kasi same lang ang edad ninyo." kulit kong sabi sabi kay Merideth.

" teka bakit mo naitanong ?" sabi niyang nagtataka.

" ahh alam ko na, inuugnay mo sa edad mo ano?" sabi niyang ganon sabay tawa ng malakas

" wala lang na alala ko lang ang parents ko, kasi ako yung panganay curious lang ako anong edad ng mom ko pinag-bubuntis ako medyo hindi nalalayo ang taon at agwat sa estimate ko." tumitig uli ako mga scented candles na sumasayaw sayaw sa hangin nasa harapin namin pa iwas na rin sa mga titig nitong parang may kahulogan at titig na nagtatanong .

" bakit ano ba nasa isip mo?" tanong agad sa akin.

" wala naman Merideth " lumingon ako sa kanya.

" sige na, halika nga try me, ano problema" sabay haplos sa mukha ko tumitig lang ako sa kanya.

" nai-isip ko na- baka sinasaktan ng dad ko ang mommy ko? Pano kung pwersahang lang ang pagkaka buntis niya sa akin tama ba?" lalong lumungkot yung pakiramdam ko.

" alam mo Abby galit ang dad mo sa mga katulad natin na hindi ordinaryo ibig sabihin ko hindi tayo normal gaya ng ibang babae na gusto ang mga lalaki or magkaka gusto sa isa sa kanila. Homophobic yong dad mo sa tingin ko sa kanya. At medyo nakahalata na ang dad mo, na mas close ako ng mom mo kesa sa kanya. Bago pa siguro sila ikinasal at siguro nalaman siguro ng dad mo ano ako at sino ako sa buhay ng mommy mo dahil sa akin at sa negosyo pinalala lang ang sitwasyon lalo naging mesirable ang buhay nila at ng mommy mo."

(theWritingStudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon