Kabanata 21

0 0 0
                                    


****

" Abby... meron sana akong paki- usap sayo, maari ba? At maari ba akong tumabi sayo diyan sa duyan ilang saglit lang hindi ako magtatagal sandali lang ako at aalis na ako. " sabi niya sa akin na naka tingin lang sa duyan, nagaantay ng sagot iilang segundo segundo nakalipas.

" Oo, pwede Merideth.. " tugon ko sa kanya saka naman ito tumayo at lumapit si Merideth, umupo tumabi sa akin sa duyan.

" ano ba ang pakiusap mo, sabihin mo na" habang tumungga ulit ako ng alak sa bote sabay simangot sa mukha ng nang nalasahan ang alak.

" wag mo sanang sirain ang buhay mo sa ganitong paraan Abby...please naman o.." nagka titigan lang kami sa isat-isa.

" titingnan natin Merideth sa kung anong paraan ko sisirain ang buhay ko " pilosopong tugon sabay tungga ulit at tumingin sa malayo. Nabigla ako nang dahan dahan niya akong niyakap sa may tagiliran, at yumapos ng bahagya sa akin, hindi lang ako umiimik sa ginagawa niya pinipigilan ko lang sarili ko.

Pinabayaan ko siya ng ilang minuto yakapin ako. Siya lang ang ka isa isang tao niyakap ako sa mga sandaling iyon.Simula ng pinaalis ako sa bahay ng mismong parents ko. Doon ko lang na realize kailangan ko pala ng karamay at handang dumamay sa akin.Hindi ko tiyak anong naghihintay kong kapalaran ngayong ni kapatid wala ako.

Hindi ko alam kong iiyak ba ako sa harap niya, kita ng dalawang mata ko concern talaga si Merideth at naawawa sa kinahinatnan ko, pero ng mga sandaling iyon may nararamdaman akong kakaiba sa mga kilos at ang mga yakap niya. Ewan ko nagugulahan nako ng husto malakas pa kasi ng tama sa utak ko. Abay ewan...

" andito lang ako kung may kailangan ka Abby, wag kang mag atubiling lumapit sa akin at kausapin ako, handa akong makinig sayo kahit ano pa man iyan" sabi ni Merideth sa akin habang yakap niya ako habang hagod hagod pa ang likod ko.

" hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina pa Merideth para saan yung mga halik na iyon?" sabay tingin ko sa mga magagandang mata niya. Alam kong may pagkamistisa siya siguro sa lahi niya. Kahit sino magkakagusto sa kanya. Hindi na ako nagtatakang minahal ng husto ng mom ko si Merideth, hindi lang maganda mabait pa ito, matalino mahinahon mag salita soft spoken sabi nga nila.

May karisma at maabilidad sa larangan ng negosyo. Kaya napapaamo nito ang mga kasosyo sa gusto niya dagdag pa mga katangian nito dahilan na ito ay magtagumpay sa buhay at siguro nasa lahi rin niya ang nasa negosyo talaga.

Matanda ng siyam na taon kesa sa akin si Merideth. Maganda life style ika-nga. Ewan ko sa sarili ko wala akong makitang mali sa paningin ko. Sa kanya isang sopistikadang babae isa sa mga katangian katangiang gusto ko...

At sa pananaw ko lang hindi na talaga ako nagtataka madaming nagkaka gusto rito. Nadidinig ko lang kay mommy dati. Pag kinikwento niya sa akin si Merideth at ngayon hindi ko sukat na akalain na minahal siya ng mom ko. Umiling at napangiti na lang ako ng bahagya ni minsan hindi ito nag kwento tungkol sa kanila dalawa ni Meredith na kung anong relasyon meron sila sa isat-isa.

Uminom at tinungga ko uli ang bote at inubos ko ang laman nito. Tiningnan niya ako sa mga mata ko. At ako naman nag aantay sagot sa tanong kong ; bakit niya ako hinalikan pero hindi ito nagsalita.

Hinaplos niya ang pisngi ko na parati niyang gina gawa sa akin humawak siya sa leeg ko ng kanang kamay niya. Sa sobrang lapit ng mukha namin halos na dumampi na ang mga labi nito sa aking mga labi.

Dahan dahan dinako niya ang tenga ko ramdam ko ang init ng mga labi nito at ang mahinanhong hininga nito, kakaibang sensual ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon. " ingatan mo sarili mo Abby para sa akin..." ang mga katagang binulong sa akin sabay dampi ng mga labi niya sa tenga ko at yakap ng bahagya sa akin.

Agad akong napapikit at pinipigilan ko lang sarili ko. Hanggang sa hinalikan uli niya ang tenga ko ramdam ko nagpipigil lang ito sa sobrang lapit ng katawan namin sa isat-isa alam kong nararamdamin niya ako.

Nang huminto si Merideth at tumitingin sa aking mga mata. Ewan ko talaga hindi ko naiintindihan kung ano ang nangyayari sa buhay ko. Ang mommy ko minahal niya itong babaeng ito na ngayon ay andito sa harapan ko.

Karma ba ito sapagka't akoy suwail na anak? hindi ko naman talaga maitago kung sino talaga ako...

Hinaplos niya mukha ko pagkatapos at agad ring tumayo, nilisan ang kubo habang ako napatitig na lang sa kanya habang papalayo.

Binaling ko sarili sa kung ano ang nangyari.

(theWritingStudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon