Kabanata 11

1 1 0
                                    

****

Nang matapos akong maligo agad kong hinanap ang Auntie nagtungo ako sa may veranda.Sa pagkakataong ito, marami pa akong dapat malaman sa kanya. Hindi pwedeng ganito lang ilang saglit narating ko ang may veranda bumungad sakin ang Auntie ko nakaupo lang ito sa may sofa ng veranda na naka dungaw sa may bandang burol at sa tabi may dalawang tasang cha-a naka latag sa ibabaw ng mesa medyo maiinit pa ito makikita sa sumasayaw usok sa ibabaw.

" Auntie" sambit ko sa kanya "Abby halika, samahan mo kong mag cha-a" sabi sa akin habang abot niya sakin ng dalawang kamay niya para yakapin at halikan sa magkabilang pisngi agad naman akong tumugon ako sa kanya, niyakap ko din siya sabay upo sa tapat ng maliit ng mesa.

" Hinatid ko si Audrey sa napiling kwarto nito" lumigon pako sa likod ko baka andun lang yun bigla bigla sumulpot.

" nakatulog na ata yun" tugon ko sa kanya

" nilasing mo kasi.. Mukhang dalawang wine bottle nawala doon sa fridge " sabay tawa sa akin ng bahagya.

" ina-asar ko lang po siya. Spoiled sobra kasi" reklamong ko kay Merideth.

" tingnan mo ang kalangitan maliwag ang buwan, pagkatapos ng malakas na unos kanina" sabay buntong hininga ng malalim nito.

" Oo nga po..." tiningnan ko lang si Auntie nagsasalin ng cha-a sa munting tasa at inabot ito sa akin.

" heto uminom ka pangpakalma at mahimasmasan ka. Mukhang lasing ka ata naktulog ka pa sa bath tub. Delikado ginagawa mo yan." nakatitig lang ako a kanya habang nagsesermon sa akin.

" hindi napo iyon ma-uulit" sabay humigop ng konti sa cha-a " alam niyo po mas bubutihin ko pang makinig sa sermon niyo kaysa sa mga totoong mga magulang ko" napa ngiti siya ng sabihin ko iyon napa ngiti na rin ako.

" alam mo kasi merong talagang mga bagay na dapat sabihin sa magandang tono. Hindi lahat puro sermon, pag sabihan pwede naman siguro. Hindi ka naman teenager kasi, mga paalala na lang dahil wasto kana sa edad hindi na bagay ang sermon. Matalino at maganda ka alam kong madali kang nakaka intindi at umunawa ng mga bagay-bagay." tiningnan niya ako at namangha sa kalmadong boses nito.

" maari ko bang malaman kung pano nag-simula yung-- " napa hinto ako bigla nang

"-- yung affair ng mommy mo at ako..?" siya ang nagtuloy sa sasabihin ko sana at napatango nalang ako sa sinabi ng Auntie ko

" ganito kasi iyon... nung hindi pa ikinasal ang parents mo. Nagmamahalan na kami dati pa ng mommy mo college palang kami sa isang Unibersidad doon sa ibang bansa. The City of Angels kung tawagin nila.

" Ahh... Los Angeles " tugon ko na parang bata ng mga sandaling iyon bahagya ngumiti sakin ang Auntie ko.

" Auntie parang spanish word lang sinabi ko" takang sabi ko pa sa kanya na ngumiti ng todong naaliw saken.

" Noong panahon na yun, Hindi pa kilala ng mommy mo and dad mo. Hanggang sa nagtapos kami ng pag-aaral doon sa ibang bansa at sa nasabing lugar saka kami bumalik kami dito sa bansa." tiningnan ko lang siya ng maiigi habang itinaas niya ang tasa niya.

" tapos ano na kasunod Auntie?" tiningnan ko siya ng maiigi nang maging seryuso bigla ang mukha nito.

" isang mahabang kwento hija" sabi nitong uminom sa cha-a at napailing.

" Abby na lang po" Sabay titig ako sa kanya.

" o..sige Abby, nang bumalik kami dito sa bansa ilang araw nakalipas namatay yung lolo mo father ng mommy mo. Alam mo naman mga tao kapag may negosyo meron talagang mga kasunduan kaya nagpasiya silang, ipakasal ang mga parents mo at para naring kabayaran na din doon sa mga pinuhunan ng lolo mo. Gumuho ang mundo ko ng mga sandaling iyon Abby hindi ako maka paniwala sa lahat na biglang ganon ang mangyayari at ganonganon na lang ka simple ang lahat, hindi ko lubos maisip na ganon pala ang sasapitin namin sa pagbalik namin ng mommy dito sa bansa" sabi ni Meredeth na papalingon at napapailing habang nag kukwento ito.

Saka ako nagpasya lumapit ng bahagya sa kanya. Iteresado ko malaman ang buong kwento.

" Merideth bakit hindi niyo po pinakasalan ang mommy ko sa ibang bansa gayong legal naman ang same-sex marriage doon." takang sabi at curious na din kung bakit.

" meron na kaming plano talaga noon ng mommy mo kaya nagpasya kaming bumalik at humingi ng basbas sa parents niya dito sa bansa pero iba ang nangyari.pero iba pa lang kapalaran ang naghihintay sa amin nung umuwi kami. Minsan sa buhay Abby akala mo kontrolado mo na ang lahat pero hindi pa pala." sabi ni Meredeth na puno ng panghihimayang ang maaninag sa mga mata at expression ng mukha nito.

" so ano pala ang ginawa ninyo?" sabay umusog ako ng konti sa kinauupoan ko, intresado ako habang nagkukwento ito isa siyang klaseng tao pag nagsasalita hihilain ang atensyon talaga kalmado at mahinahon ang aura nito.

"ang ginawa ko Abby, umatend ako ng kasal nila, sabi ko sa sarili ko. Ako dapat ang nag- a - i do sa harap niya " sabi ng Auntie kong napa-ngiti na lang ito

" wow...ha?! diba turtore na yon sa mismong sarili ninyo!? " bulalas kong pagkakasabi napabilib na lang ako sa kanya kasabay nito ang paghawak at hagod sa mga braso ko at nahalata niya na nilalamig na sa mga sandaling iyon.

(theWritingStudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon