Kabanata 14

2 1 0
                                    


***

"Na uuhaw lang ako Merideth kaya ako kumuha ng maiinom at saka pasensya ka na hindi ko sina sadya makita ka sa ganoong ayos. At napatid ko pa ang pinto, pasensya ka na at sorry talaga hindi ko dapat ginawa yon.Hindi ko lang napigil sarili ko." umiling lang ako at ini iwasan ang mga malalagkit na titig niya. Na parang higupin niya papalapit sa kanya.

Lumapit siya ng bahagya at hinaplos niya ang mukha ko. Habang kame pareho naka tayo sa may pasilyo ng mga silid. Sa mga sandaling iyon ang mga titig nito sa akin ay napakalambing na para bang nagsusumamo, inilihis ko ng aking tingin dahil baka ano na naman ang isipin niya at nasagi sa isipan siguro ang mommy ko nakikita niya sa katauhan ko at muli lang ito nagbabalik sa kanya ang alaala ang mga nakaraan nilang dalawa sa katauhan ko ngayon.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala kasing matured ang mommy ko kay Merideth. Medyo mag kapareho lang kami kung tingnan ng konti kung tutuusin, pero mas matanda siya sa akin kung susumahin ang edad. Hindi ko alam na unti-unti na pala nahuhulog ang loob ko sa kanya nung simula pa lang na mapansin ko siya dati pa, pero binabaliwala ko lang ito. Kaya pala parati lumilihis ang mga titig ko sa kanya. Lalo na ngayon nakita ko ang hindi dapat makita.

Doon ko lang napagtanto sa sarili sa mga sandaling iyon. Napaisip sa nakita ang makikinis nitong balat, maganda ang pigura nito at ang hindi ko kinaya ang mga malulusog na dibdib nito. Hindi maikakaila nabibighani na ako lalo na maganda magdala nang damit. Kung ito ay nagtratrabaho at kung paano magbihis ito at sa pananamit maganda at maaayos gaya ng paglalarawan ko parati sa kanya na isang sopistikadang babae at pormal na babae ika-nga. Empowered women sabi nila

Naisip ko tuloy ang mommy ko mas matanda ng apat o limang taon sa kanya,kaya siguro ganyan na lang ang aura nito at sa dami ng problema ng mommy sa dad ko ganun nalang kabilis mag matured ang isang tao sa dami ba naman ng problema.

" siyanga pala Abby, matanong ko lang. Bakit nga ba andon ka sa tulay sa mga panahong iyon ano ginagawa mo doon?" tinitigan niya ako at mahina at malumanay na na boses nito halos pabulong na.

Umatras ako ng konti habang humakbang naman si Meredeth papalapit sa akin at ako naman ay panay napapaatras at napasandal na lang sa pintoan ng silid ko.

" hulaan ko, wag mo sabihing tatalon ka, gaya ni Audrey ganun ba?" titig na titig and mga malalagkit na titig sa akin.

Umiling na naman ako para umiwas sa mga titig niya, saka agad namang hinawakan niya ang mukha ko saka hinaplos niya ang kaliwang pisngi.Na pagtanto ko ay parang may napansin siya medyo pula ito na may bumakat sa balat.

"ahhh..eee.. " gatol kong sagot

" ahh...ganito yun kasi Merideth, sinampal kasi ako ng dad ko.. " tumigil muna ako at nakiramdam sa reaksyon nito saka uminom agad ako ng konti ng tubig sa harap niya para hindi mababasa ang kilos ko na para bang maiiyak na ako sa sinapit ko.Pinipilit ko itago ang luha ko, kasabay ng pag iwas lagi sa mga titig sa kanya.

" ano teka, paki-ulit nga?" hinawakan uli niya ang mukha ko at balikat at ako namay medyo nabigla. Dinako ko ang mga tingin sa kanya medyo nagulat ito sa sinabi kong iyon.

" Oo, tama ang narinig ninyo sinampal ako ng dad ko dumugo pa ilong ko sa harap niya. Walang magawa ang kapatid at mom ko noong mga panahon iyon. Pinag- mamasdan lang ako takot baka pati sila madamay."

Tiningnan ko si Merideth na nag iba ang timpla sa rumehistro sa maamo nitong mukha na may panggigil at nagtitiimbagang halatang galit ito at halata ko pinipigilan niya lang ito ang sarili kahit na hindi ito nagsasalita na galit ito. Ilang sigundo kaming ganoon nagkatitigan wala siya sinabi, ilang minuto pa ay bigla bumalik sa malumanay ang mukha nito.

Parang lang mga statwa sa kami sa labas ng silid.

" sige Abby matulog ka na, pagkagising mo papuntahin ko dito ang katulong ko tatawag ako sa bahay. Papuntahin ko dito si manang Bella, dito muna siya mag-aasikaso sayo. Hanggang sa okay na sa iyo ang lahat kahit papaano yun lang ang kaya ko maibigay na tulong sayo pansamantala."

" ahh... teka Merideth sobra-sobra na ang tulong mo sa akin pa paano ba kita pasasalamatan " sabi ko sa kanya.

" Wala iyon, Abby at simula sa araw na ito tawagin mo lang ako sa natural na pangalan ko Merideth okay ba sa iyo yun deal..?" sabay haplos niya sa mukha ko patungong balikat .

" okay Marideth, deal" sabay shake hands kami ng bahagya sa nasabing kasunduan.

Hindi ko maiwasang tumingin sa mga kamay niya na sobrang lambot nito napangiti na lang ang tugon niya sa akin.

Nang papasok nako sa kwarto nang biglang natabig ko ang balikat niya at natapon ang tubig na nasa baso sa kanyang night gown. Kitang-kita ko tumutulo ang tubig sa night gown niya.

Nagka-titigan lang kami langhap ko at naramdaman ang mainit niyang hininga sa aking mukha. Nang madikit siya sa akin, biglang uminit buong katawan ko lalo na sa mukha,naramdam ko kasi ang dibdib niya nakadiin ito sa akin sa isa kong pang braso. Nang nakaraang lang minuto nakita ko ito at ang hubog ng katawan hanggang sa dibdib niya habang nag aayos nito ng tali ng night gown.

Habang ako nasa labas ako ng pinto nakamasid hindi ko naman sinadya pero dunako ang atensyon ko sa kanya na kitang kita ng dalawang mata ko.

Unti-unti inilapit niya ang mukha sa akin. Ilang sigundo lang naramdaman kong mainit na labi niya sa labi ko. Ramdam ko na isang weird na feeling na parang gusto kong tugonan ang halik niyang iyon. Pero pinili ko hindi at para lang ako kandila nakatayo sa kawalan.

Nang mahimas masan ako, ilang sandali pa dali ako kumawala sa kanya papalayo.

Nagkatinginan lang kami ilang segundo pa sinabi ko sa kanya matutulog na ako.

Sinabi ko sa sarili gising abby panaginip lang to...!

Agad akong pumasok sa kwarto at lumundag sa kama nagtakip ng unan sa ulo. Hindi ako makapaniwala ginawa niya yon.

(theWritingStudio*)

Ang Mapagbirong Tadhana |Book 1| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon