CHAPTER 1

1.5K 59 3
                                    

Si Mekael Jay Lim o mas kilala sa tawag na Kael ng karamihan ay isang kilalang attorney sa Pilipinas na may malawak na kasanayan sa iba't ibang larangan ng batas. Mula sa mga civil at criminal cases hanggang sa mga isyu sa family law, si Mekael ay kilala sa kanyang malalim na kaalaman at kahusayan sa paghawak ng mga kumplikadong kaso. Nagkaroon siya ng maraming tagumpay sa kanyang karera, at ang kanyang reputasyon ay nakaugat sa kanyang dedikasyon, katalinuhan, at integridad. Sa kabila ng kanyang expertise sa iba't ibang aspeto ng batas, nananatili siyang isang maaasahang tagapayo at tagapagtanggol para sa kanyang mga kliyente.
Ang kanyang pagkakakilanlan bilang intersex ay isang mahalagang bahagi ng kanyang personal na buhay at propesyonal na pagkatao. Bilang isang intersex, si Mekael ay nakakaranas ng mundo mula sa isang natatanging pananaw na nagbibigay sa kanya ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyu ng pagkakakilanlan at pagkakapantay-pantay. Ang kanyang karanasan ay hindi lamang nagpapalawak ng kanyang empatiya sa mga kliyente at kasamahan sa trabaho, kundi nagbibigay din ng inspirasyon sa iba na yakapin ang kanilang tunay na sarili sa kabila ng mga hamon na dala ng lipunan.

Sa opisina ni Kael tahimik lamang ang kapaligiran ngunit abala ito sa pag iisip sa mga susunod na hahakbangin niya, nag dadalawang isip ang Atty kung papayag ba sya sa gusto ng dati nyang kasintahan.

Si Kael ay nakaupo sa kanyang mesa, surrounded ng mga legal na libro at dokumento. Ang kanyang pag-iisip ay naglalakbay sa mga posibilidad at limitasyon ng batas.

Nagbubuklat ng mga libro at nag-aaral ng batas na may kaugnayan sa divorce ang Atty ngayon sa kanyang opisina "Hindi ito legal sa Pilipinas, ngunit baka may mga aspeto ng batas na maaari kong magamit. Kailangan kong malaman ang lahat para makatulong ako kay Aisha." Bulong nya sa sarili.

Habang patuloy ang kanyang pagsusuri, naisip ni Lim ang mga alaala niya kay Aisha-ang kanilang masayang pagsasama at ang mga dahilan kung bakit nagkahiwalay sila. Ang kanyang pag-aaral ng batas ay tila isang misyon na ngayon ay naging personal na pagsubok. Hindi maitatanggi ng Atty na hanggang ngayon ay may nararamdaman parin sya sa dating kasintahan.

_____

Sa bahay ng Atty ay abala ito sa pag babasa ng mga dokumento na nakalapag sa kanyang lamesa. Sya ay nakapag disesyon na kailangan nyang harapin si Aisha, kahit na nag dadalawang isip ito ay na pag tanto nya rin na kailangan nyang bigyang sulosyon ang problema ng dating kasintahan. Nag diklara ng araw ang Atty sa para sa pag kikita pag-uusap nila ni Aisha.

Habang abala ang Atty sa kanyang trabaho ay nakita nya naman ang isang batang babaeng nakatayo at nakatingin lamang sa kanya.

"Oh bakit hindi ka pa natutulog diba may pasok ka pa bukas? matulog kana anong oras na" Usap nya sa bata habang naka ngiti

"I can't sleep papa" Sagot naman ng batang babae habang nakaangkla sa kanyang balikat.

"Why? You're having nightmares again? Hmm?" Lambing na tugon ng Atty habang pinaupo ang bata sa kanyang tuhod at hinakilan sa noo.

"Hmm" maiksing tugon ng bata habang ang ulo nito ay naka sandal sa dibdib ng Atty.

"You want papa to read you bed time stories?" Lambing na usap ng Atty.

"Yes papa" pabalik na tugon ng bata.

"But promise me muna na matutulog ka na talaga ha?" Ngiting sabi ng Atty habang nakatingin ito sa batang nasa dibdib nya na halatang antok na antok.

ATTORNEY LIMWhere stories live. Discover now