CHAPTER 8

1.2K 36 0
                                    

Nasa loob ng isang makulay at masiglang bar sina Colton at Glen, nag-uusap habang pumapaligid sa kanila ang masayang tawanan at mga maliwanag na ilaw na sumasabay sa musika. May mga taong sumasayaw sa dance floor, habang ang iba naman ay nagtatawanan at nag-iinom. Umuusok ang malamig na beer sa kanilang mga baso, at halatang relaxed na relaxed sila sa kanilang mga upuan.

"Hayss, itong si Kael talaga, ang dami nang utang sa atin," sabi ni Colton, habang marahang iniikot ang hawak niyang baso ng beer. May kalmadong ngiti sa kanyang labi, pero halata ang inis sa tono.

Tumawa si Glen bago sagutin, "Naku, palagi namang busy 'yun. Hindi ka pa ba nasanay? Paniguradong hanggang ngayon, nakatunganga pa rin 'yun sa desk niya, abala sa mga papeles." Pailing-iling si Glen habang iniinom ang hawak niyang bote ng beer.

"Ang hirap nga naman ng buhay attorney, oh. Puro trabaho, walang pahinga," dagdag ni Colton, iniabot ang isang bote ng beer kay Glen habang sila'y nagpapalitan ng tingin.

"Sinabi mo pa," sagot ni Glen, kasunod ng isang malalim na buntong-hininga.

Tahimik silang nag-inuman ng ilang segundo, pero agad ding bumasag ng katahimikan si Colton. "Alam mo, isa pa 'tong si JC, 30 minutes na tayong nandito wala pa rin " sabi niya, sabay irap.

Napahagikgik si Glen. "Sus, isa pa 'yun! Wala pa nga sila ng nililigawan niya. Masyado nang under sa babaeng 'yun," sagot niya habang umiiling. "Hindi pa nga nakakalapit eh, pero mukhang hawak na siya sa leeg."

"Ang malas naman," natatawang sagot ni Colton. "Pero alam mo ba, may narinig akong chismis tungkol sa nililigawan niya."

Nagsalubong ang kilay ni Glen, curious. "Talaga? Ano na naman 'yan?"

Nagpakunwaring seryoso si Colton. "Sabi nila, nagtatrabaho raw 'yung babae sa club. Dito mismo sa bar na 'to."

"Talaga? Sino nagsabi niyan?" tanong ni Glen, agad na tinutok ang atensyon kay Colton, halos mapalapit pa ang ulo sa kanya para marinig ang detalye.

"Sabi-sabi lang, pero ayon sa mga kwento, sumasayaw daw 'yung babae rito gabi-gabi. Tapos, tinatable agad ng mga customer. Alam mo na ang kasunod kapag ganun." Humugot ng mahinang tawa si Colton, sabay inom ng beer.

"Ganun?" tanong ni Glen, hindi makapaniwala. "Tapos, tumigil na raw siya sa trabaho rito sa bar simula nang may manligaw sa kanya. Hindi ko lang sure kung sino 'yung manliligaw. Pero pusta ko, si JC 'yun."

Napanganga si Glen. "Ows, seryoso? Kung ganun, astig pala si JC. Sige nga, sabihin mo sakin, kilala mo ba kung sino 'yung babae?"

Tumango si Colton, may halong kasabikan sa mukha. "Sabi nila, maganda daw, kikay. Tsaka, isa lang naman 'yung kilala nating ganun, diba? Si Aubri. Pero parang malabo namang dito siya nagtatrabaho, hindi ba?"

"Malabo nga," sabi ni Glen, napaisip. "Si Aubri? Hindi naman sila ganun ka-close ni JC. Tsaka hindi ko maisip na makikita natin siya rito."

Napailing si Colton, halatang nalilito rin. "Ewan ko. Pero alam mo naman 'yang si JC, masyadong tahimik pagdating sa love life niya. Ayaw pa kasi sabihin kung sino talaga."

Napailing si Glen, napatawa na lang. "Hay buhay. Puro sikreto. Kung makasalita pa 'yun, parang wala. Pero deep inside, mukhang malala na ang tama niya."

ATTORNEY LIMWhere stories live. Discover now