CHAPTER 6

685 19 4
                                    


Pagkatapos ng lahat ng ayos na si Aisha at Aubri para matulog. Nasa kama na silang dalawa habang si Kael at JC ay nasa sahig, pinapagitnaan ng mga kumot at unan. Halatang hindi komportable ang dalawa, pero sinikap nilang mag-adjust.

"Ano ba ‘to, bro," bulong ni Kael kay JC habang iniayos ang kumot. "Parang nasa camping tayo, pero walang bonfire."

Sumimangot si JC at sumagot, "Eh, okay na ‘to. Mas okay na ‘to kesa sa labas tayo matulog. Pero kung pwede lang, sana may Netflix man lang."

Tumawa nang mahina si Kael, sabay bawi ng kanyang unan na inaagaw ni JC. "Bro, bakit parang gusto mong kunin lahat ng unan? Ano, may balak ka ba?"

"Syempre!" biro ni JC, nagkunwaring seryoso. "Kailangan kong makakuha ng tamang posisyon para sa beauty sleep ko."

"Pshh, beauty sleep daw!" balik ni Kael, hindi mapigilang tumawa. Napahiga siya ulit, pero ramdam pa rin ang lamig ng sahig. "Sana pala, sumiksik na lang ako sa kama nina Aisha at Aubri."

"Hoy, bawal ‘yun!" sabat ni JC, sabay tawa. "Nako, bro, kung ako sa'yo, wag mong subukan! Baka mapatalsik ka pa palabas."

Ngunit hindi nila mapigil ang kanilang mga sarili—ang bawat biro at komento ay nagiging mas nakakatawa habang lumalalim ang gabi. Pinipilit nilang mag-ingay ng dahan-dahan, ngunit sa bawat subok na pigilan ang tawa, lalo lamang silang natatawa.

"Ano ba yan?" bulalas ni Aubri, biglang bumangon mula sa kama. Tumitig siya sa kanilang dalawa na parang nanay na galit na galit sa mga batang hindi pa natutulog. "Matutulog ba kayo o maglalaro ng taguan?"

Nagkatinginan si Kael at JC, tila mga batang nahuling naglalaro nang disoras ng gabi. "Tulog na, promise!" mabilis na sagot ni JC, kunwaring seryoso, sabay taklob ng kumot sa mukha. Ngunit ilang segundo lang ang nakalipas, sumilip ulit siya kay Kael, sabay bulong, "Kita mo yun? Parang principal na galit, bro."

Hindi na napigilan ni Kael ang kanyang tawa, humagikhik siya nang mahina. "Oo nga, parang yung teacher na naghuhuli ng mga latecomer!"

Nang marinig ito, bumalik sa pagkakahiga si Aubri, sabay bulong ng, "Pag hindi kayo tumigil, lagot talaga kayo."

Hindi pa rin natigil ang dalawa. Maya-maya pa, gumawa si JC ng ingay na parang malakas na paghilik, sabay sabing, "Kael, tumigil ka naman sa paghilik! Baka akalain ni Aubri, ako ‘yun!"

Hindi na nakapagpigil si Kael at napatawa ulit, sumakit ang kanyang tiyan dahil sa kakatawa. "Ikaw pala ‘yun eh!" balik niya kay JC.

Nang marinig ulit ni Aubri ang boses nila, napabuntong-hininga ito at bumalikwas sa kama. "Hoy! Gusto niyo bang patayin ko na ang ilaw para hindi na kayo magtawanan diyan?"

Sumagot si JC nang may pilyong ngiti, "Naku, wag! Baka matakot kami ni Kael sa dilim!"

"Tama na nga ‘yan!" sigaw ni Aubri, sabay talikod muli sa kama. Napailing na lang si Aisha, nagpipigil ng tawa habang bumabalik sa kanyang pagkakahiga.

Sa wakas, tahimik na rin ang silid. Ngunit bago tuluyang makatulog si Kael, may narinig siyang mahinang boses mula kay JC. "Bro, kung sakali, pwede ka bang humingi kay Aubri ng isa pang unan? Medyo malamig dito."

"Hindi pwede, magtiis ka na lang," sagot ni Kael, sabay tumalikod para hindi na makita ang masamang tingin ni Aubri mula sa kama.

ATTORNEY LIMWhere stories live. Discover now