CHAPTER 11

889 24 5
                                    

Magkasama ngayon sina Aisha at Seina, namamasyal sa labas. Kanina pa naiinitan at naiinip si Seina sa bahay, kaya naisipan niyang yayain si Aisha na lumabas. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin at maglibang kahit sandali.

"Sobrang nakaka-bored sa bahay, buti na lang sinamahan mo ako," sabi ni Seina, habang naglalakad-lakad sila sa tabi ng mga puno.

Ngumiti si Aisha. "Oo nga, iba pa rin ‘yung makalabas ka minsan."

Habang nag-uusap sila, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Aisha. Agad niya itong kinuha mula sa bulsa at tiningnan ang mensahe. Nabasa niya.

Message from Poging Attorney

"Good day. I’m happy to inform you that the court has officially granted your petition for annulment. This means that your marriage is now legally annulled, and you are no longer bound by the marriage."

Mensahe iyon mula kay Kael. Napahinto si Aisha sa paglalakad. Nanibago siya sa tono ng mensahe—hindi ganito si Kael mag-text. Karaniwan, malambing ito at may kasamang personal na pakiramdam. Pero ngayon, napaka-professional at pormal ng dating. Naalala niyang abogado nga pala si Kael, kaya naiintindihan niya na ginawa ito ni Kael sa ganitong paraan dahil sa trabaho.

Habang naglalakad sila, napansin ni Seina ang pagbabago sa ekspresyon ni Aisha. Hindi niya ito pinalagpas at agad siyang nagtanong.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Seina, may halong pag-aalala sa boses niya.

"Oo naman," sagot ni Aisha, pilit na ngumingiti. Pero hindi mapakali ang kanyang mga mata, tila may malalim siyang iniisip.

Alam ni Seina na hindi ganoon kasimple ang lahat. Matagal na niyang kilala si Aisha, at kabisado niya ang mga ekspresyon nito. Kaya hindi siya nawala sa isip na may mabigat na nararamdaman ang kaibigan niya.

"Teka lang," huminto si Seina sa paglalakad at hinarap si Aisha. "Sigurado ka ba? Kasi parang hindi ka okay. Ano ba ‘yang nabasa mo kanina?"

Napabuntong-hininga si Aisha, tila nilalabanan ang bigat ng kanyang nararamdaman. "It’s about the annulment... granted na ‘yung petition."

Napatango si Seina, inaasahan na niya ito, pero ramdam niyang may ibang bagay na bumabagabag kay Aisha. "So, ano, masaya ka ba?"

Dito, hindi agad nakasagot si Aisha. Saglit siyang tumingin sa malayo, tila nilalasap ang sariwang hangin na kanina lang ay tila nagpapagaan ng pakiramdam niya. "Masaya... Oo, masaya ako. Kasi, finally, tapos na. Wala na ‘yung bigat na matagal kong dala dahil sa kasal na hindi ko alam kung saan napunta."

Ngunit alam ni Seina na hindi lang iyon ang buong katotohanan. "Pero?"

"P-pero... kahit papaano, nalulungkot din ako," sagot ni Aisha, mababa ang boses, parang wala sa sariling mga salita. "Jerome wasn’t all bad, you know? Minahal ko rin naman siya, Seina. Hindi man naging maganda ang lahat, pero at some point, naging mahalaga siya sa buhay ko. Kaya parang... ang weird. Parang ang bilis ng lahat."

Naramdaman ni Seina ang bigat ng mga salita ni Aisha. "Natural lang siguro ‘yan. I mean, ilang taon din kayong nagsama, tapos ngayon, tapos na. Kahit hindi naging perpekto, he was still a big part of your life."

Tumingin si Aisha sa kaibigan niya, tila humahanap ng kasiguraduhan. "Tama ba na malungkot ako kahit ito naman talaga ang gusto ko? I mean, this is what I’ve been waiting for, diba?"

ATTORNEY LIMWhere stories live. Discover now