CHAPTER 4 ⚠️

2.9K 27 1
                                    


Pagpapatuloy......

Maya-maya pa'y tumakbo si Aishka palapit sa kanilang dalawa, bitbit ang isang panyo. Ibinigay niya ito kay Kael at sinabing ipatong ito sa kanyang likuran.

Ngumiti si Kael sa bata at maingat na inilagay ang panyo sa likod niya. Pagkatapos, mabilis namang tumakbo si Aishka pabalik sa kanyang mga kaibigan.

Masayang pinagmamasdan ni Aisha ang dalawa. Ngumiti siya sa kanyang dating kasintahan, napagtatanto na siya pa rin pala ang Kael na kilala niya noon-hindi nagbago ang kanyang ugali. Sobrang maalaga at mapagmahal pa rin ito, kaya naisip ni Aisha kung gaano kaswerte ang bata na magkaroon si Kael sa buhay nito.

Habang pinagmamasdan nila ang bata, naging mas malalim ang kanilang pag-uusap, lalo na tungkol kay Aishka. Sa kalagitnaan ng kanilang usapan, biglang naitanong ni Aisha, "Nasaan ang tunay nyang ama"?

Nawala saglit ang mga ngiti sa labi ni Kael nang marinig ang tanong mula kay Aisha. "Nasa ibang bansa ang ama niya," malamig niyang sagot. Nagulat si Aisha sa reaksyon ni Kael, ngunit nagpapatuloy siya sa pagtatanong, "Bakit? Ano bang nangyari?."

Huminga ng malalim si Kael, tumingin sa mga mata ni Aisha, at agad na nag kwento ng mga nangyari.

"Dating magkasintahan ang tiyahin ko at ang ama ni Aishka. Ayaw ng pamilya ng ama ni Aishka sa pamilya ng tiyahin ko dahil mahirap lang sila. Ngunit dahil sa sobrang pagmamahal ng tiyahin ko sa ama niya, nagbubulag-bulagan siya kahit alam niyang niloloko na siya nito," paliwanag ni Kael, seryosong nakatingin sa malayo. "Limang buwan bago malaman ng ama ni Aishka na buntis ang tiyahin ko, nalaman din ito ng kanyang pamilya."

"Nagdesisyon ang ama ni Aishka na ipalaglag ang bata, ngunit hindi pumayag ang tiyahin ko. Pinapili siya ng ama ni Aishka kung pipiliin ba niyang manatili sa kanya o ipalaglag ang bata. Alam ng tiyahin ko na masakit na mawalan ng nobyo, ngunit alam din niyang malaking kasalanan sa Diyos ang ipalaglag ang batang walang kasalanan. Kaya't mas pinili niyang buhayin si Aishka," dagdag pa niya.

"Ilang buwan ang lumipas, nalaman naming nasa ibang bansa na ang ama ni Aishka at may sarili na siyang pamilya. Masakit para sa tiyahin ko ang lahat ng nangyari, ngunit kahit ganon, mas pinili pa rin niyang gawin ang tama." Kwento nya.

"Hindi pala madali ang mga nangyari sa ina ni Aishka," sabi ni Aisha. "Kaming dalawa lang ng tiyahin ko noon; ako ang nag-alaga sa kanya habang buntis siya kay Aishka.

Nag-aaral pa ako noon, at mahirap din para sa akin dahil sabay kong pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho para sa amin. Ngunit hindi ko na iniisip ang pagod ko noon; ang iniisip ko lang ay si Aishka at ang tiyahin ko. Hanggang sa pinanganak niya si Aishka." Dagdag nya rito ng may ngiti sa labi.

"Paano kung isang araw kunin siya ng ama niya?" biglang tanong ni Aisha. Tumingin naman ng seryoso si Kael sa kanya. "Hindi ko hahayaang kukunin nila sa akin ang anak ko," matigas ang sagot ni Kael.

"Pero siya ang ama ng bata, mas may karapatan siya kay Aishka," sambit ni Aisha. Tumingin sa malayo si Kael at nagsalita, "Wala siyang karapatan na kunin ang bata. Tinakbuhan niya ang responsibilidad niya bilang ama ni Aishka. Hindi ako papayag na kunin niya si Aishka na parang tuta lang na ipinaalaga sa iba," seryosong sambit niya.

Natahimik si Aisha at nagpasya na lamang na huwag nang sagutin si Kael.




Time skip

ATTORNEY LIMWhere stories live. Discover now