KABANATA III
Y U A N
"Masanay ka na sa kaniya," sabi sa'kin ni Sir Bradley.
Tapos na kaming kumain at dinala ako ni Sir Bradley sa sala ng bahay. Namangha naman ako sa malaking telebisyon na nakasabit sa dingding. Nakikita ko ito sa mga mall eh. Umupo kami ni Sir Bradley sa puting sofa.
"We will have a contract signing right now. Ang kontratang ito ay para sa ating dalawa lamang. Nakalagay sa kontrata na ito na makukuha mo lamang ang pera pagkatapos ng 365 days," paliwanag niya. Ako naman ay patango-tango lamang habang nakikinig.
"Ang pagpirma mo rito ang magpapatunay na pumapayag ka talaga sa kagustuhan kong magpakasal ka sa anak ko," dagdag niya.
Humugot muna ako ng hangin mula sa kailaliman ng aking baga at saka binuga iyon. Kinuha ko na ang ballpen sa tabi ng kontrata at saka pinirmahan iyon.
Pagkatapos ko itong mapirmahan ay kinuha ito ng isa sa lalaking guard ni Sir Bradley. Nilagay iyon sa isang envelope.
"One more thing, no one must know that this is an arranged marriage. As much as possible I want the marriage to be as private as possible," ma-awtoridad na wika ni Sir Bradley.
"Opo, makakaasa po kayong hindi ito makakalabas basta-basta," pangako ko sa kaniya.
"Mainam," aniya.
"The marriage will be simple at sa America kayo magpapakasal. Pipirma lang kayo roon ng mga documents. Ako na rin ang bahala sa documents mo para makapunta ka roon." Tumango lang ako at ngumiti.
"That's all, simula din ngayon ay dito ka na titira para masanay ka na, sabihin mo lang sa akin ang mga kailangan mo at ibibigay ko kaagad. Hindi ka na rin magtratrabaho at dito ka lang magfo-focus. Nakausap ko na ang mga managers ng mga pinagtratrabahuan mo maliban doon sa grocery store. Everything must go according to plan," mahabang litanya niya.
"Any questions before we end this?"
"Pwede po bang magtrabaho pa rin ako doon sa grocery store? Malaki po kasi ang utang na loob ko doon sa may-ari. Kung maaari lang po," tanong ko.
Tumango ito, "okay then, basta pagkatapos mo roon ay dito ka na uuwi," bilin niya.
"May susundo sa'yo araw-araw kaya hindi mo na kailangang mag-commute."
Tango lang ako nang tango sa mga sinasabi ni Sir. Kailangan ko naman kasi talagang sumunod sa mga kondisyon niya. Lalo na't pera ang usapan dito. Buti nga pinayagan pa rin akong magtratrabaho kay Aling Linda. Kahit papaano ay masusuklian ko ang utang na loob ko sa kaniya.
Kalaunan ay natapos ang usapan namin ni Sir Bradley.
Nalaman ko na matagal na pala akong inoobserbahan ni Sir Bradley, kaya pala alam na alam niya ang mga bagay tungkol sa akin. Pati na rin ang sitwasyon namin ng pamilya ko. Gusto raw kasi niya na ang pipiliin niya ay 'yung matutulungan din niya.
Pina-imbestigahan din pala ako, kaya pala pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw ay may mga matang nagmamatyag sa akin.
Nakakatakot kung iisipin pero andito na eh, nagawa na rin. T'saka pumayag na ako, may kontrata pa. Kusa naman akong pumayag at hindi dinaan sa dahas kaya wala na akong karapatang umangal.
Habang inaayos ko ang kwartong matutulugan ko ay tumunog ang aking lumang telepono. Nakita ko ang pangalan ni Sean sa screen nito.
"Hello?"
"Nasa'n ka? Hindi ka papasok?" tanong niya. Sa tono niya ay parang hinihintay ako nitong pumasok.
"Hindi eh, hindi muna ako pinayagan ni Aling Linda," pagsisinungaling ko.
YOU ARE READING
The Marriage Contract
RomanceBL | Tagalog Their family is facing a huge crisis being indebted to one of the rich families in their village. Yuan didn't have any choice but to move out in the city and find a job. He worked everyday, day and night, nonstop, having three jobs just...