02

75 1 1
                                    

KABANATA II

Y U A N

Nagulat ako sa sinabi ng lalaki. Ano ba ang tunay nitong motibo? Siya ba ay isa sa mga nababanggit ni Jennie. Sugar daddy yata iyon. Mga matatandang naghahanap ng nobyo/nobya at hilig nilang gastusan ang mga ito. Kaso mukhang seryoso naman siya at mukhang hindi interesado sa'kin.

"Oh sorry, I think I was a little too straightforward. My name's Bradley and you have really caught my attention these past few days. I just genuinely think that you are the perfect person for my son," paliwanag niya ngunit hindi ako naliwanagan.

"Hindi ko po maintindihan," pag-amin ko at napakamot pa sa aking ulo. Naguguluhan talaga ako sa kaniyang mga sinasabi.

"Well, I have observed you recently and you fit the standard I am looking for my son to marry."

"Ano po?! Kasal? Bakit po ako eh lalaki ako? Bakit hindi sa babae niyo siya ipakasal," tuloy-tuloy na tanong ko sa kaniya.

Ngumiti naman ito at saka humigop ng kape mula sa basong babasagin. Kapeng kaniyang in-order kanina.

"Masyado nang madaming babae ang natikman ng anak ko, gusto ko lang malaman kung magtitino pa ito kung sa lalaki siya magpapakasal," sagot nito na siyang nagpakunot nang bahagya sa aking noo.

"As for you, I'd pay you ten million pesos if you marry my son for a year," dagdag nito na nagpabilog sa aking mata. Ako ikakasal? Sampung milyon? Totoo ba ito?

"Se-seryoso po ba kayo?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Medyo nanginginig ang kamay ko sa kaniyang mga sinabi.

"Is it a deal?"

"Teka lang po, parang masyado po kasing mabilis."

Inilapag niya ang baso sa lamesa.

"Sige, I'll give you three days to think about it. Babalik ako rito at sana ay may sagot ka na. I think that's enough time for you to think about an answer." Tumingin ito sa kaniyang relo at saka tumayo na at nagpaalam sa'kin.

Sa mga sumunod na oras ay nakatulala lang ako sa kawalan bunga ng usapan namin ni Sir Bradley. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako ang napili niya para ikasal sa anak niya. Hindi ko nga kilala 'yung anak niya eh. At mas hindi ko rin siya kilala ng lubusan kaya parang nakakapang-alinlangan.

Pero kung iisipin ko talaga ay napakalaki ng sampung milyon, mababayaran ko agad ang utang namin. May matitira pa rito at maitutulong ko pa ito sa pamilya ko.
Pag-iisipan ko pa ito ng mabuti.

Alam kong nagsasabi ng totoo si Sir Bradley dahil nalaman ko rin sa mga katrabaho ko sa coffee shop na siya raw ang may-ari ng Golden Barrel na kompanya. Isa itong kompanya na gumagawa ng mga alak at nangunguna raw ang kompanya nila sa industriyang kinabibilangan nito.

Halos mahimatay pa ako kanina dahil sa aking nalaman. Ako pa ang napili niyang ipakasal sa anak niya. Isang may-ari ng malaking kompanya ang kumausap sa'kin para lang tanungin kung nais kong pakasalan ang anak niya para sa sampung milyon.

Kaya ngayo'y natutuliro ako at halos balisa na ang utak. Hindi ko 'ata kakayanin.

Pero kakayanin mo naman, 'di ba, Yuan? Para sa pamilya mo?

Sana nga. Isang taon ng pagsasakripisyo para sa kapakanan ng aking pamilya.

Nagulat ako nang biglang may malambot na bagay na dumampi sa aking pisngi. Lumingon naman ako at nakita si Sean na malawak ang ngisi.
Namilog naman ang mga mata ko nang mapagtanto ang kaniyang ginawa.

Hinampas ko ito sa kaniyang dibdib at siya naman ay tumawa nang malakas. Nakakainis.

"Bakit ka ba kasi natutulala, nahalikan ka tuloy," aniya.

The Marriage Contract Where stories live. Discover now