KABANATA XIIII
Y U A N
Nagising ako sa mga mahihinang tapik sa aking pisngi. Iminulat ko ang aking mata at nakita si Haiden. May pag-aalala sa kaniyang mga mata.
"Wake up, honey it's time to eat, baka lumamig 'yung pagkain."
Bumangon ako at tumingin sa aking paligid. Marahil ay dinala niya ako sa isang hotel. Nakatulog yata ako noong nasa tabing-dagat pa kami.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang inaayos niya ang lamesa. Hindi ko mapigilang ngumiti at mapaluha. Hindi ko inaakalang may lalaking mag-aalaga sa'kin nang ganito.
Napalingon siya sa'kin at agad lumapit nang makitang nagpupunas ako ng luha. Lumuhod ito at hinawakan ang mga kamay ko.
"Everything's going to be alright, honey. Hindi ka na nila masasaktan ulit."
Napaiyak tuloy ako.
"Malaya na ako, Haiden. Malaya na kami ng inay."
Malaya na kami sa kamay ng impyernong pamilyang 'yon. Alam kong madaming magagalit pero hinding hindi ako lilingon sa pinanggalingan ko. Wala nang saysay ang aking paglingon, lalo na't sa bawat paglingon ko ay napupuwing ang aking mga mata.
Tumayo na ako at tumungo sa lamesa at umupo para kumain. Simula ngayon ay kakalimutan ko nang may tatay ako at mga kapatid. Si Mama lang ang ititira ko.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami at tumungo sa Manila. Sa araw na ito ay ang simula ng aking bagong buhay.
Pagdating namin sa Manila ay agad kong pinuntahan si Aling Linda.
"Yuan! Buti naman at nasa maayos kang kalagayan, pinag-alala mo kaming lahat. Ikaw talagang bata ka," bungad niya sa'kin. Humingi ako ng tawad t'saka sinabi sa kaniya ang lahat ng nangyari.
Nag-iyakan kami habang nagkukuwento ako. Para ko nang pangalawang ina si Aling Linda, kaya ang sarap sa pakiramdam na mayakap muli ng isang ina at madamayan sa aking pagluha.
"Grabe ang pag-aalaga ko sayo rito tapos gano'n lang pala ginagawa nila sa'yo, mga putang ina pala sila eh!"
Natawa ako. Ayan na naman siya at napapamura sa sobrang galit. Gusto pa nga niyang sugurin ang pamilya ko pero pinigilan ko.
"Gusto ko na po silang kalimutan, huwag na nating sayangin ang oras natin para sa mga katulad nila. Karma na ang bahala sa kanila."
"Ang bait mo talagang bata ka kahit kailan. Alam kong sobrang saya ng nanay mo ngayon na nakalaya ka na sa mga taong 'yon."
Tinawag ko si Haiden sa labas, sinabi ko kasing sa labas muna siya at ayaw kong makita niya ang kadramahan ko.
"Si Haiden po, boyfriend ko," pagpapakilala ko sa kaniya. Ayaw ko munang sabihin ang totoo kay Aling Linda, sabihin ko na lang pagtapos ng kontrata namin.
"Ang pogi nga, 'nak bagay na bagay kayong dalawa!" Kilig na kilig pa siya at nagtatalon sa tuwa. Natatawa na lang kami ni Haiden.
Buong araw kami sa bahay ni Aling Linda bago namin napagpasyahang umuwi. Sobrang saya ko kahit na nagsinungaling kami ni Haiden sa kaniya. Ang dami naming ginawang kwento.
Sorry na agad, Aling Linda sasabihin ko rin naman ang totoo.
"Bakit hindi natin totoohin ang mga kwento natin kanina?" suhestyon ni Haiden.
"Tulad ng?"
"When you said we go on dates a lot."
"Pwede rin," pagpayag ko.
YOU ARE READING
The Marriage Contract
RomanceBL | Tagalog Their family is facing a huge crisis being indebted to one of the rich families in their village. Yuan didn't have any choice but to move out in the city and find a job. He worked everyday, day and night, nonstop, having three jobs just...