"At dahil nakakaawa kayo, bibigyan ko kayo ng isa't kalahating taon para bayaran ang mga utang niyo. Kapag hindi niyo ito nabayaran ay humanda na lamang kayo sa mga mga maaari kong gawin sa inyo," mahabang lintana nito.
"Opo, señor. Makasisigurado kayo na mababayaran namin ito," tugon ng aking ama habang nakayuko na tila hindi kayang tignan ang mukha ng señor.
"Kung gayon ay aalis na ako. Huwag mo akong bibiguin, Tando," aniya at saka umalis.
Pagkalabas ng mayamang lalaki sa aming bahay ay bumuga ang mga hiningang galing sa kailaliman pa ng kanilang mga baga.
"Ano nang gagawin natin, tay? Saan tayo kukuha ng ipangbabayad? Lahat ng pera natin naubos para sa pang-ospital ni nanay," tuloy-tuloy na tanong ng aking nakakatandang kapatid at halata ang pagkabahala sa kaniyang mukha.
"Hindi ko na alam anak, hindi ko na alam," bumagsak na ang mga luha galing sa mga mata ng aking ama. Kasabay nito ang pagbagsak ng katawan niya sa sahig at napaluhod na lamang habang tumatangis. Alam kong pagod na ito. Hindi lang ang katawan ang pagod kundi pati ang puso't isip. Sobrang sakit para sa kaniya ang nangyari kay mama, idagdag mo pa na may mga anak pa siyang bubuhayin.
Napagod na siguro ang aking ama.
Habang minamasdan ko ito ay pinigilan ko ang luhang nais lumabas sa aking mga mata. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Ayaw na ayaw niyang nagpapakita ng kahinaan pero ngayon...ngayon kita ko na lahat. Ang mga hirap, sakit, at lungkot ay sumilay sa kaniyang mga luha na ngayon ay rumaragasa sa kaniyang pisngi.
"Ku-kuya! Si papa!"
YOU ARE READING
The Marriage Contract
RomanceBL | Tagalog Their family is facing a huge crisis being indebted to one of the rich families in their village. Yuan didn't have any choice but to move out in the city and find a job. He worked everyday, day and night, nonstop, having three jobs just...