KABABATA VII
Y U A N
Alam kong hindi ako kaguwapuhan at kagandahan pero alam kong may itsura ako. Syempre, ayaw ko namang ibaba ang tingin ko sa aking sarili. Pwede naman kahit paminsan-minsan ay magmaganda, 'di ba?
Narito ako at nakatitig sa salamin habang si Haiden naman ay natutulog sa kama. Ala-una na nga ng hapon pero tulog pa siya. Akala ko pagbalik ko galing kay Aling Linda ay gising na siya, akala ko lang pala. Tumingin ulit ako sa salamin at sinuri ang itsura ko.
Kung hindi siguro ako maputi ay hindi aangat ang itsura ko. May mga nagsasabing mukha raw akong babae minsan, na hindi ko naman masyadong pinapaniwalaan dahil hindi ko naman nakikita at napapansin sa tuwing titingin ako sa salamin.
Lumingon ako kay Haiden, siya talaga ang depinisyon ng kaguwapuhan. Kahit anong anggulo ay guwapo siya. Pati nga ang katawan niya ay napakaganda.
Ahy.
Napalunok ako nang maalalang wala pala siyang suot ngayon. Kaya pala gustong-gusto ng mga babaeng makipagtalik sa kaniya. Mapapaliyad ka siguro sa sarap kapag iyan ang katawang magpapaligaya sa'yo.
Marahas akong umiling at iniwaksi ang isiping 'yun. Bakit ko ba kasi naiisip ang mga bagay na ito? Bakit ba kasi narito si Haiden? Mamaya talaga paggising niya ay papalayasin ko siya agad sa kuwartong ito. Kahit na bahay niya pa 'to.
Lumabas ako ng kuwarto para bumaba at tignan ang mga bata. Nakita ko naman agad sila sa sala. Naglalaro ng lutu-lutuan si Lila, si Grey naman ay nasa gilid niya at nagbabasa ng libro.
Nang makita ako ni Lila ay agad niya akong tinawag para samahan daw siyang maglaro. Nilapitan ko ito saka umupo sa harap niya.
"How's Tito Xander?" tanong niya sa'kin.
"Okay lang naman siya, natutulog na siya ngayon," sabi ko.
"Are you really his wife? Kuya Grey told me that you're married to Tito Xander," tanong pa niya kaya nabigla ako. Tama nga si Haiden, alam na nila.
"O-oo," nahihiya kong tugon at hinaplos ang aking batok.
"Why did you lie?" malamig na tanong sa'kin ni Grey. Nakababa na ang kaniyang libro at nakatingin lang sa'kin. Walang ekspresyon sa kaniyang mukha habang hinihintay ang sagot ko.
"Hindi ko naman intensyong magsinungaling, baka lang kasi hindi niyo maintindihan ang sitwasyon namin kapag sinabi ko," pag-amin ko.
Wala na itong sinabi at nagpatuloy na sa kaniyang pagbabasa. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi na ulit siya nagtanong.
"Are you gay po?" nakangiting tanong sa'kin ni Lila.
Tumango-tango ako sa kaniya saka siya nginitian pabalik.
"I love gay people, they are colorful and fun and beautiful too!"
Umawang ang mga labi ko sa narinig at tila natuwa ang puso ko sa sinabi ni Lila. Lumapit naman ito at niyakap ako. Niyakap ko na rin siya pabalik.
"Always know that you are loved, Tito Yuan," bulong niya sa'kin kaya naman nangilid ang luha ko. Napahigpit tuloy ang yakap ko sa kaniya.
Hindi ko aakalaing may mga batang ganito na agad mag-isip. Bumitaw na siya at ipinagpatuloy na ang paglalaro.
Lumabas na muna ako at nag-ikot-ikot sa labas ng mansyon. Maaliwalas ang panahon, asul na asul ang kalangitan. Damang dama ang sinag ng araw. Malamig ang simoy ng hangin. Sakto ang init at ramdam mo rin ang lamig. Sumasabay ang ganda ng panahon sa gaan ng pakiramdam ko.
YOU ARE READING
The Marriage Contract
RomanceBL | Tagalog Their family is facing a huge crisis being indebted to one of the rich families in their village. Yuan didn't have any choice but to move out in the city and find a job. He worked everyday, day and night, nonstop, having three jobs just...