KABANATA IX
Y U A N
Isang linggong hindi kami masyadong nagpapansinan ni Haiden. Hindi pala. Ako lang ang umiiwas sa kaniya. Oh bakit?
Masyado akong nasaktan noong nakaraan. T'saka ayaw ko nang pinapagod ang sarili ko dahil lang sa kaniya. Ang natatanging kalayaan ko ngayon ay ang pagpili kung saan ko itutuon ang lakas at atensyon ko.
Kapag nandiyan si Haiden ay pupunta ako sa mga sulok na hindi niya ako natatanaw. Ako na ang mag-a-adjust.
Naikot ko na nga ang buong mansyon maiwasan lang siya.Sa tuwing kakausapin niya ako ay limitado lang ang sinasabi ko. Syempre pinapansin ko pa rin siya para hindi halatang umiiwas ako.
Mas natuwa nga yata siya at mas madalas na ang pagdala niya ng mga babae sa bahay niya. Nalalaman ko lang kina Manang Sally at Lisa dahil nga pumupunta ako kay Aling Linda para magtrabaho.
Wala naman akong pakialam. Hindi naman ako kawalan. Hindi rin ako ang magkakasakit.
Narito ako ngayon sa kusina at tumutulong sa pagluluto. Wala kasi akong magawa eh.
"Sir Yuan, may gustong kumausap sa inyo," tawag sa'kin ni Manang Sally at iniabot sa'kin ang kaniyang selpon.
Itinapat ko iyon sa aking tainga, "hello."
"Tito Yuan!" rinig kong hiyaw ni Lila.
Napahagikgik ako."Kuya and I missed you so much!" Ang ligalig ng kaniyang tono.
"Miss ko na rin kayo, kailan ba kayo bibisita ulit dito?"
"Mommy said we can go at Tito Xander's house on Saturday," sagot niya.
"Talaga? Ang tagal naman mag-sabado. Gusto ko na kayong makita." Nais ko na rin talaga silang makita.
Mahaba-haba ang usapan namin ng mga bata, ang daming nakwento ni Lila. Si Grey naman ay dumadaldal na rin. Nag-aya pa nga sila na pumunta raw kami sa mall. Ang saya kausap ng mga bata.
Sa pagsapit ng dilim ay dumating na si Haiden. May mga marka na naman ang kaniyang leeg at malinaw kung kanino galing ang mga 'yon.
"Good evening, wifey. I feel like I haven't seen you for days." Lasing na naman siya. Nilapitan ako nito at hinalikan sa pisngi. Naitulak ko naman agad.
"Why are you pushing your husband away? Hindi mo ba ako na-miss, asawa ko?"
Ako'y kinikilabutan sa kaniyang mga sinasambit. Nakangiwi ang aking mukha, siya naman ay nakangisi.
"Don't worry, maliligo ako para hindi bumaho ang higaan natin," wika niya kaya naman napatampal ako sa aking noo.
Nakakairita naman 'to pag lasing. Hindi ko na pinatulan at hindi siya pinapansin. Nilubayan niya ako saglit, pagbalik niya ay basa ang buhok at nakapagpalit na ng damit. Naligo nga talaga siya.
Pero ngayon ay humupa na ang alak, dahil na rin siguro sa pagligo niya.
"Buti naman at marunong ka nang maligo ngayon," sambit ko.
"Of course, I don't wanna upset my husband." Nginitian pa niya ako.
Lasing pa nga siya. Malambing siya kapag lasing eh, nawawala ang kasamaan ng ugali niya.
Kung hindi 'yan lasing ay sisigawan lang ako at tatawaging maarte. Hindi naman daw ako babae pero ang arte-arte ko.
Nakaupo ako sa sofa sa sala, tumabi siya at ipinulupot ang mga kamay sa akin.
"Iniiwasan mo ba ako?" mahinang bulong niya sa'kin.
Tatanggalin ko sana ang kamay niya sa pagkapulupot sa'kin kaso naantala ang balak ko dahil sa sinabi niya. Halata bang iniiwasan ko siya?
YOU ARE READING
The Marriage Contract
RomanceBL | Tagalog Their family is facing a huge crisis being indebted to one of the rich families in their village. Yuan didn't have any choice but to move out in the city and find a job. He worked everyday, day and night, nonstop, having three jobs just...