05

45 1 1
                                    

KABANATA V

Y U A N

"Do we really have to do this?" nayayamot na sambit ni Haiden habang nagmamaneho papuntang airport.

Kung hindi pa siya babantaan ni Sir Bradley ay hindi siya sasama.

Papunta na kami ngayon sa Amerika upang isagawa ang kasal. Kinakabahan ako ngunit nakakaya ko namang pakalmahin ang sarili ko. May parte sa akin na gustong umatras na lang sa kontrata kaso nakasaad mismo rito na hindi ito maaari.

Hindi ko maitatangging may pagsisisi sa aking mga desisyon. Pero ano pa nga bang magagawa ko kung nag-desisyon na ako. Siguro hindi ko lang talaga pinag-isipan nang maayos.

Bahala na.

Huminga ako nang malalim habang tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. Pinagmamasdan ang mga nagtataasang gusali.

"This is not fair." Masama pa rin ang loob ni Haiden sapagkat napilitan lang siya sa kagustuhan ng ama.

"You weren't fair to me, either. Inubos mo na ang pasensya ko, Haiden," sabi sa kaniya ni Sir Bradley.

Nakaupo siya kasama ni Manang Sally sa likuran namin ni Haiden.

Nang makarating kami sa airport ay diretso kaming pinasakay sa eroplano. Kapag mayaman ka nga naman ay magagawa mo ang nais mo dahil sa pera. Hindi na namin kinailangang maghintay at pumila.

Sa first-class daw kami uupo. Iyon ang rinig ko sa kanila. Ito naman kasi ang unang beses kong sumakay sa eroplano kaya wala akong kaalam-alam.

Magkatabi kami ni Haiden ng upuan. Ako ang umupo sa tabi ng bintana.
Himala nga at hindi na ito puro angal at reklamo. Tahimik lang na natulog sa tabi ko.

Tinignan ko ito habang natutulog. Maamo ang mukha nito, mukhang mabait at hindi ka kayang saktan. Hihilingin mo na lang na sana hindi na lang magising at matulog na lang habangbuhay.

Nagulat ako nang bigla itong dumilat at nahuli akong nakatitig sa kaniya.

"Like the view?"

Iniwas ko ang tingin at inilipat iyon sa labas ng bintana.

Hindi na siya muling nagsalita at narinig ko ulit ang mga munti nitong paghilik. Sa haba ng byahe ay nakatulog na rin ako.

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko.

"Hey, wake up, we're here."

Idinilat ko ang mata ko at nakita ko si Haiden na sobrang lapit ng mukha sa'kin. Agad naman akong napaatras.

"I didn't do anything, just stand up already. Bababa na tayo," saad niya.

Bumaba na kami sa eroplano at paglabas namin ay may sasakyang naghihintay sa amin. Gabi na nang makalapag ang eroplano. Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang panibagong lugar na aking kinaroroonan.

Ibang iba siya sa Pilipinas. Nakatingin lang ako sa mga hilaw na taong nalalagpasan namin. Pati ang mga tao ay ibang iba.

Nasa ibang bansa na nga ako.

Dinala kami ng driver sa isang hotel. Siguradong mamahalin ang hotel na pinasukan namin. Doon muna kami mananatili ngayon at sa mga susunod na mga araw.

Pati sa kwarto ay magkasama kami ni Haiden. Sila Manang Sally at Sir Bradley naman ang magkasama.

Akala ko ay magrereklamo na naman si Haiden kaso dumiretso lang siya sa loob ng kwarto at humiga sa malaking kama.

The Marriage Contract Where stories live. Discover now