KABANATA X
Y U A N
"Kamutin kita, gusto mo?"
Ayan na naman siya sa pang-aasar. Hindi na nawala sa bibig niya ang salitang 'yan. Lagi na siguro siyang nangangati dahil puro siya kamot.
"Tama na, Haiden. Ang corny mo na."
Tumawa naman siya at nagpatuloy na sa pagmamaneho papunta sa kompanya nila. Napag-isipan kasi niyang isama ako sa kompanya nila ngayon. Ewan ko ba sa lalaking 'to.
Hindi nga dapat ako papayag eh, kaso nangako siyang hindi na raw mangyayari 'yung nangyari no'ng nakaraan sa kaarawang dinaluhan namin. Dapat lang 'no, ayaw ko na talaga ng gulo.
Tumahimik naman kami bigla, nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang siya'y diretsong nakatingin sa kalsada, pero napapasulyap pa rin siya sa'kin.
"I've noticed you quite got close with Nyx," basag ni Haiden sa katahimikang namamagitan sa amin.
"Ah oo, masarap siyang kasama. Galing nga niya kumanta eh," pagbibida ko sa aking bagong kaibigan. Kaibigan na agad turing ko sa kaniya. May nadagdag na kina Sean at Jennie.
"You like him?" Diretsahang tanong ni Haiden.
Napalingon ako sa kaniya, gulat sa tanong nito.
"Oo..."
Nakita kong umasim naman ang mukha ni Haiden at hinigpitan lalo ang hawak sa manibela.
"Gusto ko siya bilang kaibigan," pagtuloy ko sa aking sasabihin.
Tahimik lang siya at hindi nag-react. Diretso lang ang tingin sa kalsada. Pero naroon pa rin ang seryosong ekspresyon sa kaniyang mukha.
"I can sing, too, you know."
"Nakikita mo 'yung malaking billboard na 'yon?" Itinuro ko ang malaking billboard na nakatayo sa 'di kalayuan.
"Ilagay mo do'n oh, para kahit walang nagtatanong ay alam nilang kumakanta ka," pambabara ko sa kaniya.
"Asshole," komento niya sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin. Sa inis niya ay mas binilisan niya ang pagmamaneho.
Sinubukang ko talagang pigilan ang tawa ko ngunit may mga munting hagikgik ang nakatakas.
"Funny, huh?"
"Edi kumanta ka kung gusto mo, siguradong madami kang maaakit na babae diyan."
"Pero kapag si Nyx ang kakanta ikaw ang maaakit?" tugon niya.
"Siguro..."
Bigla naman niyang inapakan ang preno. Labis ang gulat ko, buti na lang at hindi ako nauntog sa aking harapan.
"Nahibibang ka na ba?!" bulyaw ko sa kaniya.
"Really? Nyx? I won't sing then."
"Bahala ka," singhal ko at hindi na siya muling pinansin hanggang sa makarating kami sa kompanya. Paano kung may sasakyang sumusunod sa'min? Edi nagsanhi pa siya ng aksidente? Hindi ko kinakaya ang ugali ng isang 'to.
Nakarating kami sa kompanya nang hindi nagpapansinan. Bumaba lang ako, nilakbay ng aking mata ang labas ng kompanya. Mataas ang gusali, nakamamangha itong pagmasdan dahil na rin siguro sa disenyo nito. Nagmumukha talaga siyang bigatin na kompanya.
Sinundan ko lang si Haiden sa loob. Ang mga tao sa loob ay binabati siya at ganu'n din naman siya sa mga ito. Hindi naman pala siya suplado at bastos. Pansin ko ang ilang babae, pasimple silang kinikilig pagkatapos silang batiin ni Haiden.
YOU ARE READING
The Marriage Contract
RomanceBL | Tagalog Their family is facing a huge crisis being indebted to one of the rich families in their village. Yuan didn't have any choice but to move out in the city and find a job. He worked everyday, day and night, nonstop, having three jobs just...