KABANATA VIII
Y U A N
Hindi ako pinapansin ni Haiden pero natulog pa rin siya sa kwarto ko. Baliw ba 'to? Totoo nga 'ata na marami siyang personalidad at iba naman ang katabi ko ngayon.
Seryoso pala siyang dito na siya matutulog. Akala ko ay biro lang. Baka naman dito rin niya dadalhin ang mga babae niya ha, magsusumbong talaga ako sa tatay niya.
Hindi nga siya naglinis ng katawan eh. Magrereklamo sana ako kaso ang talas ng tingin niya sa'kin. Takot akong masuntok 'no. Bigyan niya pa ako ng pasa sa mukha. Hindi na nga masyadong kagandahan sisirain pa niya.
Nilingon ko siya sa aking tabi, nakakunot ang noo niya. Ako ba ang nasa panaginip at doon niya ako binubugbog? Huwag naman sana. Baka paggising niya ay akalain niyang panaginip pa rin tapos biglang dadapo ang kamao niya sa mukha ko.
Kaso parang ang eksaherada ko pala. Nakakatakot kasi siya. Lalo na kapag galit. Sino ba naman kasing hindi matatakot sa malaking tao na ito. Kayang kaya siguro akong buhatin at ihagis. Edi katawan ko naman ang nabali.
Pinigilan ko ang hininga ko nang gumalaw ito. Para akong naging bangkay at hindi gumagalaw. Bumaling ang katawan niya paharap sa'kin kaya naman nanlaki ang mga mata ko. Umangat pa ang mga kamay at inilakbay ito sa higaan na parang may hinahanap.
Tumigil ito nang mahawakan niya ang kamay ko. Hihilain ko na sana ang aking kamay kaso hinuli niya ito at saka ipinagdaop ang aming mga palad. Nabigla ako sa ginawa niya at napaawang ang aking mga labi.
Babae na siguro ang nasa panaginip mo ngayon.
Mabuti na 'yon. Para hindi ako ang binubugbog sa panaginip niya.
Gumising ako nang maaga para asikasuhin ang gamit ni Haiden para sa kaniyang trabaho. Ito kasi ang nakikita kong ginagawa ng mga kasambahay kaya gusto kong ako na lang ang gumawa ng bagay na 'yon.
Tutal 'mag-asawa' naman kami, bakit 'di ko siya pagsilbihan. Para rin may magawa ako habang nakatira rito sa mansyon niya.
Kumuha ako ng mga damit niyang susuotin. Pupunta siya ngayon sa kompanya nila kaya 'yung business suit na lagi kong nakikitang suot niya ang kinuha ko. Inilapag ko ang mga 'yun sa kama, sa tabi niya.
Ginising ko na siya para maligo at makapaghanda na rin.
"What is this?" Pakurap-kurap pa ang mga mata niya.
"Damit mo kaya maligo ka na at baka mahuli ka pa sa trabaho," sabi ko at hinila siya papunta sa banyo.
"Doing your wifey duties, huh?" Syempre malawak na naman ang ngisi niya. Tuwang tuwa na pinagsisilbihan siya.
"Oh siya, maligo ka na. Dami mong satsat," pagtulak ko sa kaniya.
"Okay, honey," aniya at mabilisan akong hinalikan sa pisngi. Napaiktad pa nga ako eh. Hahampasin ko na sana kaso naisara niya agad ang pintuan ng banyo. Kainis talaga.
Isang buwan na ang nakalipas at ganoon pa rin ang ginagawa ko para kay Haiden. Patuloy siyang pinagsisilbihan, sa kwarto ko na rin siya natutulog.
Wala rin masyadong nangyayari kundi ang mga away at bangayan naming dalawa. Ayaw ko naman talagang makipag-away, pero kasi naman eh. Siraulo masyado 'yang si Haiden. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang nahampas dahil sa inis.
Kahit hindi ko siya pinapansin ay hindi siya nawawalan ng lakas para inisin ako. Minsan nga naiyak ako dahil sobra akong nainsulto sa sinabi niya. Akala ko hihingi ng tawad pero ang gago umuwing lasing at puno ng marka ang mga leeg. Gumawa na naman ng kababalaghan.
YOU ARE READING
The Marriage Contract
RomanceBL | Tagalog Their family is facing a huge crisis being indebted to one of the rich families in their village. Yuan didn't have any choice but to move out in the city and find a job. He worked everyday, day and night, nonstop, having three jobs just...