06

46 1 0
                                    

KABANATA VI

Y U A N

Dinala ako ni Haiden sa New York. Gusto raw kasi niyang makita ko ang Statue of Liberty. Nabanggit ko kasi sa kaniya nu'ng nasa hotel pa kami.

Pumunta ako doon na naka-maong na pantalon t'saka naka-puting t-shirt. Si Haiden naman ay nag-suot din ng maong, kaso 'yung kaniya ay itim, 'yung maluwag tapos ang pang-itaas niya ay itim rin at iyong bakat naman sa katawan niya.

Ayaw kong aminin pero mas lalo siyang gumwapo sa suot niya. Idagdag mo pa ang buhok niyang naka-sleek back kaya ang angas niya tignan. Nagsuot din siya ng salamin na nagdagdag sa kaniyang kaguwapuhan.

Ang guwapo niya tignan tapos ako simpleng tao lang sa gilid niya.

"The Statue of Liberty was a gift by the French people as a commemoration of their alliance to  the USA," salaysay ni Haiden. 

Dati nakikita ko lang siya sa mga palabas tapos ngayon nasilayan ko na talaga siya. Manghang mangha ako sa nakikita ko.

"Akala ko sa palabas ko lang 'to makikita," ani ko habang nakatuon ang atensyon sa statwa.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatitig sa'kin sa Haiden. Pinapanood ang ekspresyon ko habang tumitingin sa statwa. 

"You look like a kid," natatawa niyang sambit.

Tumingin naman ako sa kaniya at pinaningkitan ng mata t'saka tumawa na rin. Masama bang matuwa sa mga bagay na bago lang sa paningin mo?
Napagtanto ko ngang kanina pa ako manghang mangha habang inililibot niya ako.

"The type of kid that would throw tantrums kapag hindi napagbigyan," dagdag niya.

"Hoy grabe ka, mabait kayo ako nu'ng bata pa ako," depensa ko.

"Ikaw nga yata 'tong iiyak kapag hindi nabilhan ng candy nu'ng bata eh," asar ko rin sa kaniya.

"I never liked candies."

"Ah kaya pala hindi ka sweet kasi kulang ka sa asukal," biro ko pabalik.

Napahalakhak naman siya kaya nahawa na rin ako. Ewan ko ba, ang corny ng biro ko pero tawang tawa itong isang 'to.

"I can be sweet, too. You can pour syrup on my body and lick it," nakangisi niyang saad. Ang kaninang matamis kong ngiti ay napalitan ng asim dahil sa sinabi niya.

"Oh ayan ka na naman eh!"

Kahit nakakainis siya minsan ay hindi ko maikakailang natuwa ako sa pagpasyal niya sa'kin. Para na nga kaming mag-asawa kung umasta siya. Naalala ko tuloy sa kaniya si Sean, sa tuwing gagala kasi kami nu'n ay hindi ako gumagastos. Wala nga akong ginagawa at puro lang ako tawa kapag kasama ko siya. Bigla ko tuloy siyang na-miss.

"Naalala ko kaibigan ko sa'yo," pag-amin ko sa kaniya habang inaayos niya ang plato sa harap ko. Dinala niya kasi ako sa isang kainan. Isa raw ito sa mga paborito niyang kainan dito sa Amerika.

Nakwento ng mga kasambahay na hindi raw ito gumagawa ng mga bagay para sa ibang tao, katulad ng ginagawa niya ngayon. Nagtaka nga rin ako eh, kaso baka hindi lang talaga siya kilala ng ibang tao.

Na mabait naman talaga siya at hindi siya 'yung Haiden na bastos at mainitin ang ulo. Ang mga pinapakita niya sa'kin ngayon ay taliwas sa mga kwento ng mga tao sa kaniya.

Ayaw ko namang isiping nahuhulog na ang loob nito sa'kin dahil masyado na akong delusyonal kung gano'n. Alam ko namang sa babae pa rin siya tutungo, at sa panahong tapos na ang kontrata ko ay lalaya na siya at diretso na ulit siya sa mga babae niya.

Kaya huwag na akong masyado mag-delusyon na ang taong katulad niya ay magkakaroon ng kahit katiting na pagkagusto sa'kin.

"Really? Tell me more about this friend," aniya at tila nakuryoso sa aking sinabi.

The Marriage Contract Where stories live. Discover now