38 - Red String?

408 25 3
                                    

12 years ago

May batang inaapi ng tatlong mga batang lalaki.

"Haha lampa!" Sabi nito sabay tulak kaya natumba ang batang lalaki. Iyak lang naman ang nagawa ng inaapi nila.

"Kaya nga, lampa na nga ang taba pa hahaha!" Gatong pa ng isang kalaro niya.

"Ba-bakit *sob* niyo ba ako inaaway?" Tanong ng batang umiiyak.

"Kasi... Ang taba mo hahaha!" Tawa lang ng tawa yung tatlo.

"Hoy! Anong ginagawa niyo?!" May isang batang babae na sumulpot.

"Okay kalang ba?" Tanong nito sa inaapi, at tinulungang tumayo.

"Kayong tatlo . . . Bakit niyo siya inaaway?!" Galit na tanong nito tumawa lang naman yung tatlo.

"Ano naman sayo? 'Di kami napatol sa babaeng paslit kaya pwede bang wag kang magpakahero haha." Tawa nanaman sila.

"Ako, paslit?!" Nagkuyom ang mga kamao niya, walang sabi sabi sinipa nito ang nagsabi ng paslit sakanya. Di lang basta sipa dahil sa private part niya to sinipa.

"Ahh!!! Ang sakit!!!" Hiyaw nito, nako basag na ata itlog niya dahil sa lakas ng impact.

"Kayo, kayong dalawa gusto niyong matulad sakanya?!" Turo niya sa kanyang sinipa.

"Hi-hindi, tara na guys." Tinulungan nila yung nasipa na tumayo at kumaripas na sila ng takbo.

"May sugat ka!" Turo nito sa tuhod nung batang lalaki, kinuha niya ang kanyang panyo sa bulsa at ibinalot sa sugat.

"S-salamat." Tulirong sabi nito.

"Ikaw naman kasi, anlaki laki mong tao dika makalaban. Yakang yaka mo yung tatlong iyon eh." Pag sermon nito.

"Hmm, di naman kasi ako nikikipag-away. Sabi kasi ng Tito Cenon ko na masama ang makipag-away." Naiiyak parin nitong pahayag.

"Oh, iiyak ka nanaman? Huwag ka ng umiyak. Mabuti pang ihatid nalang kita sainyo."

Hinatid niya ito sa kung saan nakatira ang batang lalaki.

"Tito Cenon!" Yakap nito tas iyak nanaman.

"Oh, pamangkin bakit ka umiiyak?" Pag-aalala nito.

"Wala po namiss lang po kita." Sabi parin nito sa pagkayakap.

"Sinungaling." Bulong na pagsungit ng batang babae. Bagamat narinig parin ito ng Tito ni Maruz.

"May kasama ka pala? Sino siya?" Pagturo ng kanyang tiyuhin.

"Kamusta po, ako po yung tumulong sa pamangkin niyo. Kaya po siya umiiyak kasi inaway siya ng tatlong lalaki. Nagkasugat pa nga po siya sa tuhod eh." Turo nito sa tuhod.

"Hala! Ate marcing, pakuha nga po ng first aidkit sa cabinet!"

"Okay lang po ako tito, wag niyo napong gamutin." Pag-mamakaawa nito dahil ayaw niyang lagyan ng alcohol ang sugat.

"Natatakot ka nanaman bang lagyan ng alcohol, haynako pamangkin anlaki laki mona. Parang kagat lang naman ng langgam iyan. Siya nga pala salamat nga pala sa pagtulong sa pamangkin ko ah."

"Wala lang po iyon, ah mauna napo ako baka hinahanap napo ako ng Mommy ko." Sabi nito at ngumiti pa.

"Ah, ganun ba? Mukang maaga pa naman eh. Dito ka muna at magmerienda, pasalamat ko narin sa pagtulong mo sa pamangkin ko. Kung okay lang saiyo."

"Nako po, hindi po kasi ako nag-paalam kay Mommy. Ang sabi kolang po kasi na bibili lang po ako saglit." Sabi nito at pilit ngiti.

"Ahh . . . Sige next time nalang ah. Salamat ult." Ngiting sabi ni Cenon.

YES I DO FATHER | MIKHAIAH Where stories live. Discover now