This chapter is translated in tagalog.
Mikhael's POV
Pauwi na kami ni Ayara galing Tagaytay dahil nag-hike kami sa Mt.Tamitam at alas-kwatro na ng hapon. Hindi ako umimik buong byahe at nanatiling tahimik habang nakatuon ang mga mata ko sa daan. Sa kabilang banda, mahimbing na natutulog si Ayara na nakasuot ng naka-headphones. Hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kaninang umaga kaya umiling ako para kalimutan iyon.
Flashback
Ala-syete na nang madaling araw nang magising ako bigla dahil sa may lamok na kumagat sa akin na ipinagtaka ko dahil sinara ko naman ang bug mesh ng tent ko kagabi at napansin ko itong nakabukas ganon na rin ang pinto ng tent ko kaya dali-dali akong lumabas. Nang makalabas ako ay iniunat ko ang aking mga braso at humikab nang mapansin ko na nakabukas ang tent ni Ayara ngunit wala siya ron, nilingon-lingon ko rin ang aking ulo at inilibot ang aking mga mata ngunit hindi ko ito natanaw kaya naisipan kong bumalik nalang muli sa loob ng aking tent para intayin siyang dumating.
Ipinikit ko ang mata ko sandali at bigla na lamang akong-nakatulog.May mainit na hininga na malapit sa aking leeg na dahilan ng pagkabukas ng aking mga mata at alam kong iisa lang ang nasa isip ko at si Ayara iyon, tinignan ko ito at hindi ako nagkamali. Nakasiksik siya sa leeg ko habang nakayakap at nakatanday ang mga paa sa akin.
Habang tinitignan ko siya ay bigla siyang nagsalita "Matutunaw ako niyan" sabi niya habang nakapikit lang ang mga mata. Nagulat na lamang ako dahil ang buong akala ko ay tulog ito ngunit nagpapanggap lamang pala.
"Sorry" maikli kong tugon habang nakatingin sakanya at unti-unti nitong ibinuklat ang kanyang mga mata.
"Where did you go?" Tanong ko sakanya at kumawala siya sa pagkakayakap niya sa akin.
"Naglakad-lakad lang, sarap ng hangin eh, presko" Tugon niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.
"Stop looking at me with those eyes" sabi ko sa aking isipan habang nakatitig din kay Ayara.
"Bakit mo ako tinititigan?" Tanong ni Ayara sa akin habang nakatitig din sa akin.
"Ang pangit mo kasi" pagsisinungaling ko na ikinatawa niya.
"Hindi mo ako matititigan nang ganyan kung pangit ako" Tugon ni Ayara at inilapit ang mukha sa akin.
"A-ayara, ayan ka na naman" sabi ko habang inaatras ang aking ulo.
"Bakit?" Tugon niya habang tinitignan ako na may mapaglarong ngiti.
"Kinikilig ka na ba sakin niyan?" Tanong ni Ayara habang tumatawa at iniatras ang kaniyang mukha sa akin.
May kabaliwan na pumasok sa utak ko at naisipan ko itong bawian para asarin pero iba ang kinalabasan.
Umupo ako at pumatong sa ibabaw niya kahit alam kong hindi ko kakayanin ang ganitong eksena ay ginawa ko pa rin para makabawi sa kaniya. Tinititig ko siya nang malalim at itinuon ang aking mata sa kaniyang labi.
"M-mikhael, anong ginagawa mo?" Tanong ni Ayara habang nauutal ngunit nginitian ko lamang ito at unti-unti kong inilapit ang aking mukha.
"T-tabi Mikhael, lalabas na ako" dagdag ni Ayara at iniwas ang tingin sa akin at tatayo na sana ngunit binalik ko ito sa kaniyang pagkahiga.
"Not so fast, Mrs. Ayara Lim" tugon ko at nagpipigil na tumawa dahil sa reaksyon niya na tila namumula na ang mukha.
Tinitigan ako pabalik ni Ayara at biglang hinatak ang damit ko na dahilan ng paglapit ng mukha ko sa kaniya. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya na dahilan ng pagkadampi ng labi namin sa isa't-isa; nanatiling magkadikit ang labi namin nang biglang ginalaw ni Ayara ang kaniyang labi at hindi ako nagdalawang isip na galawin ang aking labi. Hindi ko namamalayan ang aking ginagawa nang biglang naglabas na mahinang halinghing si Ayara at napansin ko iyon kaya dali-dali akong umalis sa pagkapatong sa kaniya at umupo malayo sa kaniya.
YOU ARE READING
Arrange Marriage
RomanceMikhael, a 26 year old rich and elegant forced to arrange marriage to Aya, a 26 year old fashion model and only daughter of Arcallana. They did not expect that they would be forced to marry someone just because of their family company, especially th...