Chapter 25

3.2K 95 2
                                    

Ayara's POV

Iniwanan ko si Mikhael sa kaniyang kinatatayuan at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Nang marating namin ang sasakyan ni Sophia ay papasok na sana ako nang makita kong magkausap si Ria at Mikhael sa hindi kalayuan. Hinatak ni Ria ang kamay ni Mikhael at nagtungo sa sasakyan niya na dahilan ng pagkakunot ng noo ko.

"Wag kang magselos Ayara, kaibigan natin si Ria alam niya ginagawa niya" biglang sabi ni Shana dahil nakita niya akong nakatingin sa kanila at iba ang expression ng mukha.

"What? I'm not jealous" tugon ko at pumasok sa loob ng kotse.

"Okay sige, sabi mo eh" tugon ni Shana at nginitian ako.

"Why are they together? Bakit hinatak ni Ria si Mikhael sa sasakyan niya? Saan sila pupunta?" Ang daming tanong sa isip ko pero winalang bahala ko nalang dahil totoo ang sinabi ni Shana, kaibigan namin si Ria at alam niya ang ginagawa niya.

*Time skip*

Hinatid nila ako sa tapat ng building kung nasaan ang condo ni Mikhael at nagpaalam na rin ako sa kanila. Habang nasa elevator ako ay biglang tumawag sa akin si Aki kaya sinagot ko ito.

"Hello, Aki? Napatawag ka?" Tanong ko habang nasa tenga ko ang telepono.

"Is it okay if I cancel our meet up tomorrow, Ayara? may lakad ako bukas eh I'm sorry" tugon nito sa kabilang linya.

"Ano ka ba, okay lang ano" tugon ko sakaniya.

"Oh sige mauna na ako ha, bye" dagdag ko at nagpaalam siya kaya binaba ko na ang tawag.

Pagkabukas ko ng pinto ng condo ni Mikhael ay napansin kong madilim ang paligid maliban sa entryway. Binuksan ko ang ilaw sa kusina at napansin ko na may hugasin doon kahit hindi ko naman iyon ginamit. Nagtungo ako sa kwarto ngunit walang tao roon kaya binuksan ko ang ilaw sa sala at nakita kong may nakahiga roon, hindi ako nagkakamali dahil iisang tao lang ang nasa isip ko.

Pagkalapit ko dito ay naka-jacket at nakataklob ito ng kumot "Malamig ba? Hindi naman ah" bulong ko sa sarili ko habang pinapakiramdaman kung malamig ba o mainit.

May tasa ay baso akong napansin sa coffee table at ang mas nakaagaw ng pansin ko ang yung gamot na may bawas. Agad-agad ko hinawakan ang noo ni Mikhael at napakainit nito na parang napaso ang palad ko.

"Mikhael" Gising ko sakaniya at inalog nang dahan-dahan ang balikat niya. Idinilat ni Mikhael ang mata niya nang dahan-dahan at tila matamlay ang titig nito sa akin.

"You're here na pala" tugon nito at ngumiti sa akin.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit bigla kang nagkasakit, dadalhin kita sa hospital" tugon ko at dahan-dahan na tinatayo si Mikhael.

"It's okay I'll be fine" tugon nito na mahina at matamlay ang boses.

"Anong okay, hindi wag kang matigas, dadalhin kita sa hospital sa ayaw at sa gusto mo" tugon ko at inalalayan si Mikhael na tumayo.

Nang makarating kami sa baba ay tinulungan ako ng guard na buhatin si Ayara papunta sa sasakyan ko. Hindi na ako tumawag ng ambulansya dahil matagal iyon dadating. Nang makarating kami sa hospital ay may iba nang nag-alalay sa kaniya kaya sumunod na lamang ako. Pinasok si Mikhael sa isang kwarto ngunit pinagbawalan akong pumasok kaya naupo na lamang ako at tinext ang mga kaibigan niya dahil hawak ko naman ang mga number nila. Ilang minuto lamang ang lumilipas ay dumating na ito isa-isa.

"Where's Mikhael? What happened to her?" Tanong ni Gian habang nakatingin sa akin.

"Nasa loob siya, kanina nung hinawakan ko siya umaapoy katawan niya kaya itinakbo ko na kaagad siya" tugon ko habang nag-aalala para Mikhael.

Arrange Marriage Where stories live. Discover now