Chapter 23

1.5K 58 1
                                    

This chapter is translated to taglish.

Ayara's POV

Sumakay ako ng taxi papunta sa restaurant na pagkikitaan namin ni Aki dahil ang kotse ko ay nasa Batangas at hindi ako sinundo ni Aki dahil hindi ko naman sinabi sakaniya ang location ng condo ni Mikhael.

"We kissed..?" Tanong ko sa sarili ko habang nakahawak sa aking labi at nakasakay sa taxi.

"Ano po yon, ma'am?" Tanong ng driver dahil siguro ay narinig niya akong biglang nagsalita.

"Ah wala po, pasensiya na" tugon ko at yumuko dahil sa hiya.

Malamang ay iniisip ni Mikhael na panaginip lamang ang nangyari kaninang umaga dahil pagkauwi namin ay dumeretso kaagad siya sa kwarto para matulog.

"Stupid Ayara, why did that happen?" sabi ko sa aking isip at umiling.

Totoo ang sinabi ko kay Mikhael na may dalaw ako kaya mainit ang ulo ko at dahil ang hirap niyang ginisingin kahit ilang beses ko nang inalog ang kaniyang mga balikat.

Nang makarating ako sa restaurant na sinabi sa akin ni Aki ay agad ako pumasok ako naghanap ng bakanteng table at naupo roon. Nag-intay ako nang ilang minuto nang nakita ko siya mula sa bintana na lumabas sa kaniyang sariling sasakyan at pumasok sa restaurant kaya umayos ako ng upo at naglagay ng ngiti sa aking mga labi. Nang makalapit siya sa akin ay tumayo ako para makipag kawayan sana sakaniya ngunit niyakap niya ako kaya wala na akong nagawa kundi yakapin ito pabalik.

"Kamusta ka Ayara?" Tanong ni Aki habang may ngiti ang mga labi.

"Ayos lang naman" tugon ko at ngumiti sa kaniya.

"Ikaw, kamusta ka?" Tanong ko sakaniya pabalik.

"Professional engineering na" pabirong sabi ni Aki sa akin dahil alam kong ayaw niyang mag-engineering.

"Hanggang ngayon pilosopo ka pa rin" Tugon ko sa kaniya na ikinatawa nito.

Umorder na kami ng makakain at nag-usap lamang hanggang sa dumating ang pagkain. Pagtapos naming kumain ay nagkusang loob na siyang ihatid ako ngunit sa ibang building ako nagpababa sa kaniya.

Nilakad ko nalang ang building kung nasaan ang condo ni Mikhael dahil walking distance lamang ang binabaan ko. Pagkadating ko sa condo ni Mikhael ay ginamit ko ang duplicate keycard ng condo niya at pumasok. Pagkabukas ko ng pinto ay napakadilim sa condo niya ngunit may ilaw ang hallway at may kuryente ang ibang condo. Pumasok ako at binuksan ang flashlight para may makita ako at tinanggal ko ang aking heels. Nagtungo ako sa sala ngunit walang tao roon, sigurado ako na wala si Mikhael at nandoon sa mga kaibigan niya. Pumasok ako sa kwarto ni Mikhael para magpalit ng damit, damit muna ni Mikhael ang gagamitin ko dahil hindi ko nalabhan ang akin kaya kumuha ako sa damitan niya–sa mismong bedroom ako nagbihis dahil wala namang tao. Pagkahubad ko ng aking dress ay itinanggal ko ang pagkatali ng aking buhok at inilugay ito. Susuotin ko palang sana ang damit nang biglang mag bukas ang mga ilaw at nanlaki ang aking mga mata nang mapansin na nakatitig sa akin si Mikhael na nakahiga sa higaan niya.

"Ahhh!!" Sigaw ko at agad na itinakip ang dress sa aking katawan.

Nakatitig lamang sa akin si Mikhael at tila nanghihina ang mga tingin nito sa akin. Tanging sando lamang niya ang nakikita ko dahil nakatakip ng comforter ang buong bahagi ng kaniyang katawan.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mikhael na nauutal at tila parang kinakabahan.

"Nagbibihis ako malay ko bang nandito ka, nagulat ako biglang nagbukas yung ilaw e" tugon ko sakaniya at tinitignan siya.

"Takpan mo mata mo, magbibihis ako" dagdag ko at agad naman niyang tinakpan ang kaniyang mga mata.

"Ang init-init nakakumot ka, tanggalin mo nga yan" sabi ko at hahatakin sana ang kumot ngunit pinigilan niya ako.

"Don't!" Tugon ni Mikhael at pinigilan ako kaya napakunot ang aking noo.

"Fine" maiksing tugon ko.

"Can you hand me the aircon remote?" Hiling niya at agad ko namang inabot sa kaniya. Bakit hindi pa siya ang kumuha gayon na mas malapit ito sa kaniya.

"You're such a fakenews, nasira lang solar panel ng condo ko, that's why condo ko lang ang walang electricity earlier" sabi ni Mikhael sa akin habang mahigpit na hawak ang kaniyang telepono.

"Whatever, kumain ka na?" Tanong ko sakaniya.

"No" maiksing tugon ni Mikhael sa akin.

"At bakit? Baka isipin ni Mr. Lim na ginugutom kita" tugon ko habang nakapamewang at nakataas ang kilay.

"How was your dinner with Aki?" Pag-iibang usapan ni Mikhael ngunit hindi nakatingin sa akin.

"It went very well, he's still nice and handsome" tugon ko na nakangiti at tinignan ako ni Mikhael nang masama.

"Hm okay" tugon ni Mikhael sa akin.

"Lumabas ka muna, magbibihis ako" dagdag niya at agad naman akong lumabas ng kwarto niya.

Mga ilang minuto pa lamang ay lumabas na si Mikhael ng kwarto na naka short at black sando at parang hindi naman nagbihis ng suot. Nagtungo ito sa kusina pero winalang bahala ko na lamang. Pagkabalik niya ay may dala siyang alcohol liquor at dalawang shot glass. Naupo ito sa katapat kong upuan at inilapag ang alak at baso sa coffee table at nagsalin sa baso ng alak.

"Lalasingin mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya habang inaabot niya sa akin ang baso na may alak.

"Depende kung hindi mo pipigilan sarili mo" tugon niya habang nagsasalin ng alak sa kaniyang baso.

"Hindi ka pa kumakain diba? Bakit ka mag a-alak?" Tanong ko sakaniya ngunit nagkibit balikat lamang ito sa akin.

"Mabubusog ako dito" tugon ni Mikhael sa akin at hinayaan ko na lamang.

Habang iniinom ko ang inabot sa akin ni Mikhael ay nagsalita siya,

"I feel like we kissed talaga Ayara" nabuga ko kaunti ang alak na ininom ko na kinagulat nito.

"What the-" biglang sabi ni Mikhael dahil natalsikan ko siya kaunti.

"Sorry, ikaw kasi bigla-bigla kang nagbibiro e" tugon ko at naiilang na tumawa.

"Nagbibiro? No I'm not joking, we kissed and ramdam ko pa rin yon" Tugon ni Mikhael at ininom ang alak habang nakatingin sa akin, napalunok nalang ako.

Tumayo si Mikhael at naglakad papalapit sa akin at ibinaba ang hawak nitong baso. Inilapit niya mukha sa akin dahilan para mapasandal ako sa inuupuan ko.

"Kung sa tingin mo nagbibiro ako, why don't we do it again?" Sabi ni Mikhael habang nakatingin sa labi ko.

Hinampas ko siya nang malakas sa braso at tinawanan ako nito sabay umayos ng tayo,

"Mikhael ano ba umayos ka, susuntukin kita diyan" tugon ko at itinulak siya papalayo.

"Iniinis lang kita" tugon ni Mikhael at inirapan ko ito.

Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang baso niya at nilagyan ulit ito, sana lang ay hindi ito malasing. Nag-uusap kami habang nainom, inuuntian ko lamang ang pag-iinom ko para kapag nalasing si Mikhael ay maalalayan ko ito.

_______________

Hi readers, 1k per every chapter lang ang magagawa ko para kahit papano ay sunod-sunod ang pag publish ko. If napapansin niyo napapadalas na ang pag publish ko ng tagalog/taglish kasi sinasanay ko sarili ko, mas nasanay kaso ako sa English, that's all:) - Author

Arrange Marriage Where stories live. Discover now