Chapter 61

2.5K 110 71
                                    


Ayara's POV

Pagkapasok namin sa loob ng mansion, we were greeted by our maids. I missed them, so much.

"Madam Ayara!" Sigaw ng isang yaya at nakangiti nang malawak.

"It's nice to see you back, ms. Ayara!" Sabay-sabay na bati ng mga yaya.

"Namiss ka po namin"
"Ang laki mo na iha.,"
"Nasaan ang asawa mo iha?"

Sunod-sunod na tanong nila sa akin and I couldn't help but let out a chuckle.

"Hinay lang po haha but anyway, meet my son, Kian Aire and my daughter,  Kynzie Avery" I introduced my twins to them, buhat-buhat sila ng driver dahil kagigising lang nila.

"Oh my God!!!! Ang cute!!" Hiyaw ng isang yaya at halatang gustong panggigilan ang mga anak ko.

"Kian..Avy, come" I said nang malambing ang tono, inilapag sila ng driver at lumakad si Kian at Avy palapit sa akin.

"Meet, yayas" I said, inuunti ko lang dahil kahit papano they're still adapting.

Lumapit sila sa akin habang nakaluhod ako.

"Yaya, please take care of them muna and pakibihisan sila, magbibihis lang po ako" Tugon ko at iniabot ang mga gamit namin sa isang yaya dahil iaakyat daw niya ang mga gamit namin.

"Nakahanda na po ang pagkain, Ms. Ayara" nakangiti tugon ng isang yaya. I forgot their names, andami nila eh.

"Okay, we'll eat after changing" I smiled bago umakyat para makapag bihis. As soon as I closed the door, I rested my back at the door and let out a heavy sigh.

Kayanin ko ba...

I.. I don't think I can.

It hurts, so damn much.

Mikhael's eyes that day were tired, sincere and afraid. I couldn't read her emotions, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya noong nakatitig siya sa'kin. Her mouth opened like she wanted to say something but no words came out from her mouth.

I wanted to hate her but I can't, my love for her always prevails. But I feel betrayed by her, akala ko maaayos na pero parang pinalala lang niya.

After changing my clothes, bumaba na ako para makakain na kami.

"Yaya, where's Kian and Avy?" I asked sa isang yaya na nagwawalis sa baba ng hagdan.

"Ay nasa kwarto po nila, binibihisan ni nanay Linda" she responded at tinigil ang pagwawalis para humarap sa akin. It's a sign of respect when you stop what you were doing just to have a proper conversation with the person you were talking to.

I smiled at her at nag-intay sa living room.

"Iha" nabigla ako dahil biglang may tumawag sa'kin habang nakatulala ako sa labas ng bintana.

"Nagulat po ako nay Ising" natatawa kong tugon.

"Pasensiya na iha., gusto lang kita makausap, hindi ko gusto ang biglain ka" paghingi ng tawad sa akin ni yaya.

Siya yung yaya na sinabing anghel daw ako at sinwerte ang nagugustuhan ko noon, siya rin ang nagsabi na dalhin ko ang mapapangasawa ko pagbalik ko rito.

"Iha, ang ganda at ang pogi ng anak mo ngunit nasaan ang asawa mo?" Her question made my smile fade and she noticed it.

"Pasensiya na iha sa tanong ko" paghingi ng tawad ni nanay Ising.

Arrange Marriage Where stories live. Discover now