Maraming matanda rito sa amin ang natutuwa tuwing lalabas sa kabundukan ang unang sikat ng araw sa buwan ng Abril. Simula na ng tag-init, ang panahon kung saan magandang magtanim, magpatayo ng bahay at magsaya kasama ang pamilya.
Napatulala na lang ako sa kislap ng liwanag na sumisilip sa ilalim ng mga puno. Ang maliit na siwang ng ilaw na iyon ay magaan na dumadampi sa aking palad. Nakakabuhay ang init ng araw. Animo'y may dala itong pag-asa, at saya na siyang nanunuot sa aking dugo.
Katulad ng marami na natutuwa sa pagdating ng tag-araw, sisimulan ko na ring magtanim . . . ng mga pangarap. Bumuo ng mga hakbang at maging masaya habang ginagawa lahat ng 'yon.
"Hasmin!"
Napatigil ako sa pagdamdam ng sikat ng araw sa aking kanang kamay dahil sa pagtawag ni Itay.
Araw ng sabado at wala kaming pasok kaya niyaya ako ni Itay na tumulong rito sa sakahan. Kung hindi niya pinangako na tataasan ng limang piso ang baon ko ay hindi ako sasama rito.
Gusto ko ang sikat ng araw pero hindi ko gustong masunog nito.
Nasa palayan na siya kasama ang mga kapwa trabahador sa hacienda ng pamilya de Villa. Panahon na ng pagsasaka at kinakailangamg matapos ito sa loob ng dalawang linggo para hindi masalanta ng El Nino. Malaking lugi rin iyon kung nagkataon. Wala na naman kaming bigas ba maiisasaing kapag malugi ang hacienda.
"Halika na anak! Nang hindi pa tumitirik ng husto ang araw!"
Nakabusangot ko namang dinampot ang dalang bayong saka sinuot ang salakot. Kahit anong gawin kung pagtayo rito ay hindi mababago ang katotohanan na kailangan kong magsaka. Lumusong na ako sa dagami at sumabay sa lakad nila Itay.
"Alam kong ayaw na ayaw mo ang pagsasaka pero ito ang trabaho na bumuhay sayo, anak." Pangaral ni Itay bago tinapik ang aking balikat." Kaya pagbutihan mo ang pag-aaral para makahanap ka ng trabaho na mataas ang suweldo at hindi mo na kailangang magbilad sa araw."
"Opo, Itay."
Ilang beses ko ng narinig ang pangaral na iyon kaya buong puso akong tumango. At kahit hindi ipaalala ni Itay ay nakatatak na sa puso ko na hindi ko hahayaan ang sarili na maging magsasaka lang habambuhay.
Sino bang tao ang may gusto ng trabaho na nakakapagod, mababa ang kita, at higit sa lahat nasusunog ang balat sa ilalim ng araw?
Kung meron namang ibang oppurtunidad, bakit pa ako magtitiis dito? Sabi nila bayani ang mga magsasaka na siyang nagpapakain sa buong bansa. Pero sino ang magpapakain sa aming magsasaka na nalulubog sa kahirapan?
Hindi ko kailanman ginustong maging bayani.
Kaya ngayong paparating na bakasyon ay maghahanap na ako ng part time job sa bayan. Kung walang opportunidad, ako mismo ang lalapit sa opportunidad.
"Hasmin! Bumili ka nga roon sa tindahan ni Aling Ines ng isang sachet ng sinigang mix!"
Natigil ang paggagansilyo ko nang marinig ang matinis na sigaw ni Inay mula sa kusina.
Bakit ba kasi kinakailangang maging day-off niya sa grocery store ang araw ng lunes? At bakit ba kasi holiday ang araw na ito ngayon? Don't get me wrong, gusto ko ang holiday dahil walang pasok 'yon pero kapag nagkataon sa lunes ay ayaw ko na. Kinakailangam ko kasing pakisamahan ang suplada kong nanay.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa panonood ng Eat Bulaga sa TV habang ang mga kamay ay walang tigil sa ginagawa.
"Hasmin!" Ang puso ko ay huminto sa pagtibok noong sumulpot si Inay sa sala. "Bingi ka ba?! Bumili ka ng sinigang mix sa tindahan! Ito ang pera oh!"
![](https://img.wattpad.com/cover/374768161-288-k268113.jpg)
YOU ARE READING
San Teodoro Series #1: Seeds Of Hope
Teen FictionMahirap ang buhay sa probinsya. Walang katapusang pagbibilad sa araw at pagbabanat ng buto sa sakahan para lang makakain. Nakakapagod, nakakasira ng balat at nakaka haggard. Kung hindi siya pinipilit ng kanyang ama na magsaka ay ni anino niya ay hin...