CHAPTER 11

7 1 0
                                    

Ilang beses akong napakurap-kurap sa hawak kong cellphone ng makita ang notification ko sa nag-iisang social media account na mayroon ako.

Alexandra Ignacio added Daxen Emerson Melendez to the group.

Starlight Amor Añonouvo
Welcome po sa gc Kuya!

Maricar Ylandria de Villa
🤍🤍🤍🥰

Miguel Lorenzo Apolinar
Thank God! May lalaki na rin dito.

Daxen Melendez
😊

Mabilis kong pinatay ang hawak na cellphone saka nakapikit na nagtalukbong ng kumot. Bakit kailangan nilang papasukin sa gc namin ang lalaking iyon? Although, I am not active in our group chat it doesn't makes my opinion inferior in this matter. They should consult me, right?

Ano bang problema kong isasali nila sa gc ang lalaki? Close naman sila eh.

Ohh shut up! Close lang sila that time kasi may ginagawa!

Umikot na ako sa kabilang puwesto at agad na niyakap ang natutulog kong kapatid. Maaga ang pasok bukas kaya maaga ring natulog ang mga kapatid ko.

Ang matulog ng maaga rin naman talaga ang plano ko pero kinailangan ko lang magbukas ng messenger para pasalamatan si Madam Fatima sa pagtanggap sa akin sa restaurant niya.

Although I formally bid my goodbye to her and to Ate Josie and Ate Dephalia. I want to express my gratitude for once. Alam nilang hindi ako masyadong mabait sa restaurant pero nagawa pa rin nila akong pakitunguhan ng maayos. They even helped me in my chores and took a good care of me.

Iyon ang una kong part time job kaya masayang-masaya ako. Sabi pa ni Madam Fatima ay tatawagan niya raw ako kapag kailangan niya ng tao sa susunod na bakasyon.

Sa pag-iisip sa nangyari ngayong bakasyon ay hindi nagtagal ay dinalaw ako ng antok.

Parang dumaan lang ang ilang minuto ng iminulat ko ang aking mata at umiingay na ang cellphone sa ilalim ng aking unan.

Dahil wala na rin naman akong part time job ngayon na siyang pumapagod sa katawan ko ay naibalik na ulit sa akin ang responsibilidad na maging Inay sa bahay.

Humihikab akong gumawa ng apoy sa pugon saka naghanda ng magsaing. Naghiwa rin ako ng tatlong talong saka ipinirito iyon kasunod ng mga itlog at tinapa.

Habang naghihintay sa mga nakasalang na pagkain sa kalan ay nagbukas ako ulit ng Facebook. Gusto ko lang naman makinig ng music habang nagluluto ng biglaang lumabas ang icon ng group chat namin.

I clicked it and my eyebrows raised when I read a good morning message from Daxen. He sent it to our gc an hour ago. Alas kwatro siya nagigising kapag umaga?

I shooked my head and diverted my attention to our food. Wala akong pakialam sa lalaking iyon! Wala!

Tahimik ako sa gilid ng aming classroom habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong babae na naglalagay ng liptint, polbo at nagsusuklay ng mga buhok sa upuan. Parang beauty parlor ang silid dahil sa kanila. Maingay rin na nagkukuwentuhan ang mga lalaki sa likod at lahat ng mga ginawa nila buong bakasyon ang pinag-uusapan.

May katulad ko rin namang naka silent mode, ayon yung  mga taong hindi kasama ang barkada sa kinuhang strand sa senior high o  yung mga transferee na walang kilala sa aming school.

Kung katabi ko siguro si Sandra, Star at Migo ay kanina pa ako naiinis rito sa upuan. They love to make fun on me dahil ang sabi pa ni Sandra ay mabilis raw kasi akong magalit.

She did not know that I found her jokes nonsense as always. Migo will agree on this.

Natigil ang pag-iisip ko ng mayroong dalawang rebisco vanilla flavored at isang bottled water ang lumanding sa arm chair ko.

San Teodoro Series #1: Seeds Of HopeWhere stories live. Discover now