CHAPTER 10

9 1 0
                                    

Normal na taong gumawa ng pagkakamali sayo? Normal na tao na dapat paghirapan ang papapatawad mo. Normal na taong deserve rin naman na patawarin.

At katulad ng mga normal na taong hindi sumusuko sa mga bagay na gusto nilang patunayan ay ganoon din ang ginawa ni Daxen.

Hindi nga niya ako kinukulit sa trabaho pero ramdam ko na ulit ang mga titig niya sa akin. Those eyes were back and his gaze are more intense. Katulad ng palagi kong ginagawa ay hindi ko iyon pinansin at hinayaan lang siya.

"Pwede ka nang umuwi, ako na ang bahala rito." He then pulled the mopped from my hand. Sinimulan na rin niyang linisin ang sahig.

Nagtataka man ay magalang ko siyang sinagot. "It is my job so I should do it, aren't I?"

"Yet, I want to make it up to you. Babawi ako, diba?"

"At sa ganitong paraan? Aagawin mo ang mga trabaho ko?"

He proudly nodded, na para bang iyon naman talaga ang plano niya. "I don't want you to get tired. Isa pa, ayaw kitang masaktan." Tumayo siya ng maayos at pinakatitigan ako ng mabuti. "Ang sugat na ako ang rason ay dapat ang nag-iisang sakit na mararanasan mo simula ngayon."

Marahas na umikot ang mga mata ko sa kanya. "Nahihilo ako sa mga banat mo."

He just smirked and continue his work. Lumabas na ako ng supply room at lumipat na lang sa ibang lugar na hindi niya makikita.

If he's trying to win my trust, I let him. Pero alam ko nang ayaw ko na siyang makasama pa. Ayaw ko ng malaman ang mga alala na kaya pa niyang buksan. Kaya wala rin namang punto ang lahat ng 'to. Pagkatapos ng part time job ko ay babalik na rin ang lahat sa dati.

I swept the parking area of our restaurant and segregated the garbage. Napabuntong hininga na lang si Daxen ng makita niya ako sa staff room na papaalis pa lang.

I just shushed him because I don't want him to complain.

Nang sumunod na araw ay nilibre kaming tatlo nila Aling Josie at Ate Dephalia ng kape ni Daxen. Hindi ko alam kung matindi siyang mag-research o sadyang tyamba lang ng ang ibinigay niyang biscuit ay ang paborito kong rebisco vanilla sandwich.

I just shrugged and thought that it's just a freaking coincidence.

Tinitigan ko lang ang napakadilim na mga mata ni Daxen na kanina pa nakadungaw sa akin. Umikot ang mga mata ko sa kanya kaya mabilis siyang tinukso ni Benjamin. Mas lalo pang lumaki ang ingay ng ibinigay ko sa mga katrabaho namin ang kapeng para sa akin.

Like what I've said, I don't want to associate myself with him.

Halos isang linggo niyang ginagawa ang mga bagay na iyon kaya nagtataka na sila Ate Josie dahil bawat umaga na lang ay may free breakfast na sa aming tatlo.

"Anong merom kay Emer at panay siya pakape?" Tanong ni Ate Dephalia sabay titig sa bagong set ng kape sa station namin.

Kinurot ni Ate Josie sa tagiliran ang babae.
"Ayaw mo non, halos isang linggo ng libre ang agahan natin."

Umismid naman ang isa. "Halos isang linggo na rin tayong pinagdidilatan ng mata ni Heather de la Cuesta. Nagseselos sa ibinibigay ni Emer."

Sinundan ko ang mga titig ni Ate at nakita ko roon na nakasandal sa pintuan si Heather. Kung nakakakuryente lang siguro ang titig ay nanginginig na kaming tatlo sa tindi ng mata niya.

I simply shook my head. I knew it, maybe she thinks that Daxen is courting me but it's her own problem anymore.

Sinabi ko na sa kanya noong nakaraan na walang namamagitan sa amin ni Daxen at trip niya lang talagang magpaulan ng kape at ibat-ibang tinapay tuwing umaga.

San Teodoro Series #1: Seeds Of HopeWhere stories live. Discover now