CHAPTER 15

3 1 0
                                    

Daxen Emerson Melendez sent you a friend request.

Binisita ko rin ang inaamag kong messenger at hindi nga ako nagkamali nang makitang may message rin siya sa akin.

Daxen Emerson Melendez wants to send you a message.

Binasa ko ang message niya pero hindi ko inaccept.

Daxen:

Hi Hasmin! Accept mo na ako, crush naman kita eh.🤍

Napangiwi ako sa chat niya. Bakit ang bulgar na niya ngayong magsalita? Inisip ba niya kong anong magiging reaksyon ko pag mabasa ko to?

May isa pa siyang message pagkalipas ng ten minutes.

Daxen:

Good Morning pala! Anong plano sa report natin? Gusto mo bang gawin natin 'yon sa bahay niyo sa weekend or every end na lang ng class para hindi time consuming sa part mo?

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paggansilyo habang bukas ang tv sa sala.

Don't get me wrong, I am happy that finally I had a member who has the initiative to communicate with me about our project. I am also delighted that he considered my schedules and give me options. Masaya ako roon pero si Daxen kasi ang partner ko. Kahit kaibigan na ang turing ko sa kanya at wala ng iba ay baka iba ang isipin niya. Isa pa, kung ipagpapatuloy ko ang pagmabutihan sa kanya ay baka sugurin na lang ako ni Heather sa gate pagkatapos ng klase.

Kahit wala namang basehan ang pinagsasabi niya ay ako na ang mag-aadjust. Hindi ko pa kayang magkaroon ng panibagong problema ngayon sa buhay.

Isa pa kaya ko naman gawin ang reporting namin na 'to ng mag-isa.

Umikot na lang ang mga mata ko ng maalala ang pagharap namin ni Heather sa labas ng aming classroom ng minsang hindi pumasok ang isa naming teacher.

"Hi." She greeted me with a hint of pain on her eyes, then it is followed by irritation.

"Heather."

"So? I heard the news." Nakangisi niyang wika. Nasa corridor kami ng senior high building at may kaunting estudyanteng tumatambay roon para tanawin ang dumadaang estudyante sa quadrangle.

Kumunot ang noo ko saka siya tinanong. "What news?"

Heather look at me as if I am too naive for this world.

Kaysa sa makipagtarayan siya sa akin ay agad siyang napabuntong hininga saka ipinaliwanag ang gusto niyang sabihin. Ganyan dapat ng hindi nasasayang ang oras naming dalawa.

"Umamin siya sayo."

Ang mabilis na pagkisap mata ni Heather para mapawi ang namumuong luha sa kanyang mata at ang kontroladong boses ay ang patunay na nasasaktan ito.

Nasasaktan siya sa katotohanan na mahal ako ni Daxen?

Heather Fondevilla is a stunning, courageous and funny girl but I know that she control her emotions as well. She won't easily show her own tears in front of other people.

"Kanino mo nalaman?"

Ngumisi ito saka agad na ipinagkrus ang mga kamay sa kanyang dibdib. "Sa palakwento mong kaibigan?"

"Sandra." Walang emosyon ang mukhang saad ko.

I knew it, the two of them are friends kaya hindi malabo na naikwento iyon ni Sandra. Wala naman akong isyu roon dahil hindi ko na kontrolado ang ugali ng kaibigan ko.

Nang makitang natigilan ako ay nakakainsulto siyang humalakhak.
"Wag kang mag-alala, kahit hindi niya sabihin alam ko na rin naman."

Umihip ang malamig na hangin ng amihan, kasabay non ay ang pagbalot nang pagtataka sa isip ko.

San Teodoro Series #1: Seeds Of HopeWhere stories live. Discover now