"Isang strawberry ice pop nga po, Ate!"
Utos ni Sandra sa tindera ng maliit na sari-sari store rito sa bayan. Parang bata rin itong tumalon-talon habang kinikilig na tumitingin sa presyo ng iba pang ice pop.
Pagkatapos non ay kinalkal niya ang kanyang bulsa para kumuha ng barya pero lumipas ang ilang segundo ng wala siyang mahanap.
Mabilis akong tumungo sa tindera at agad na kumuha ng sampung piso sa aking wallet. Saka agad na iniabot sa babaeng nakataas ang isang kilay.
"Ito 'yung bayad, Ate. Pabili na rin po ako ng isa, yung guava flavored po akin."
She laid her gaze at me then she examine my appearance from head to toe. Seryoso niyang tinanggap ang barya at agad na tumalikod para buksan ang maliit niyang freezer.
"Nililibre mo ako?"
Mas lumaki ang bilugang mata ni Sandra habang nakatingin sa akin. Muntik niya pang mabitawan ang mga dala niyang groceries dahil sa gulat. I simply nodded at her and that put a glimmer on her well rounded chestnut eyes.
Lumapit na ako sa tindera at agad na kinuha ang ice pop na binili namin saka walang sabi-sabing lumabas ng tindahan.
Hindi ko bet ang ambiance ng store!
Sinabayan naman ako ni Sandra sa paglalakad pagkatapos niyang pinutol sa gitna ang napakalamig na ice pop. Ayon din ang ginawa ko para mas madaling makain.
Pumunta ako ngayon sa bayan para sa interview ko sa Mariano's Restaurant. Isa sa dinarayong restaurant rito sa San Teodoro dahil sa napakasarap nilang crispy pata at lutong na lutong na letsong baboy. Ngayong bakasyon ay busy sila dahil sa mga turistang dumarayo kaya may hiring sila ng part time job para sa mga high school students.
Maayos ko namang nasagutan lahat ng mga tanong ni Madam Fatima sa akin. Tuwang-tuwa rin siya sa naipasa kong biodata dahil sa kumuha ako ng cookery sa subject naming TLE sa eskwelahan. Mas lalo akong natuwa noong sinabi niya sa akin na kuha na raw ako at bukas na bukas ay pwede na akong magsimula bilang dishwasher niya.
"May problema ba o may dapat ba tayong i-celebrate ngayong araw?"
Tanong ni Sandra na nagpahinto sa akin sa pagsakay ng tricycle sa terminal.
"Pinagsasabi mo?"
Ngumisi lang ang gaga at nauna nang umupo sa unahan ng tricycle. "Kilala kasi kita, nanlilibre ka lang kapag may selebrasyon o kapag nalulungkot ka."
Umismid ako sa sinabi niya pero parang hinaplos naman ng napakaraming kamay ang puso ko. She knew me that much? Ohh, I forgot, Sandra is a keen observer even though she acts foolishly sometimes.
Hindi ko siya sinagot at inayos ang mga plastic na dala niya. She went to the market to buy some groceries for their family. Nang makita namin ang isat-isa sa labasan ay nagpasya na lang kaming magsabay.
Akala ko ay hindi na niya ako kukulitin tungkol sa kung anong meron sa araw na ito pero hindi pa rin siya tumigil.
"Tumahimik ka nga! Nakakahiya sa ibang pasahero oh!" Untag ko.
"Sabihin mo na kasi? Naicrushback ka na ba? Nanalo ka sa lotto, no?"
Pinitik ko ang noo niya. "Paano ako mananalo sa lotto kung ayaw na ayaw ko ng sugal?"
Tinarayan ko na lang ulit siya. "Natanggap ako sa part time job sa Mariano's Restaurant." Pag-amin ko dahil hindi siya titigil hanggat walang makuhang sagot.
Pagkarinig na pagkarinig non ay impit siyang napatili. Parang tipaklong na nasagasaan ng sasakyan eh.
"Shit?! Talaga?!" Pinaka oa na aniya. "Congratulations mahal ko!"
YOU ARE READING
San Teodoro Series #1: Seeds Of Hope
Teen FictionMahirap ang buhay sa probinsya. Walang katapusang pagbibilad sa araw at pagbabanat ng buto sa sakahan para lang makakain. Nakakapagod, nakakasira ng balat at nakaka haggard. Kung hindi siya pinipilit ng kanyang ama na magsaka ay ni anino niya ay hin...