CHAPTER 9

4 1 0
                                    

It is okay.

It is okay to let people go so that you can't hurt them. It is okay to not insist what you have wanted if that's mean you'll save a life.

It is okay to let go those memories if those doesn't serve you good.

To let go with a purpose is painful yet at the end of the day, it is needed and for me that is courage.

I did not go to work after that night happened. Hindi ko kayang ayusin ang maga kong mga mata dahil sa buong gabing tahimik na pag-iyak.

Isa pa, hindi ko siya kayang makita. Hindi ako handa na baka muli akong sakupin ng mga alaala na 'yon kapag matanaw siya.

We all move on from the past kaya wala ng point para ipaliwanag iyon sa iba. All I need is a long rest, a basket of fresh native fruits and I will be okay.

Kaya katulad ng palagi kong ginagawa ay nagtungo ako sa kubo. Suot ang lumang puting bestida na namumugaran ng mga bulaklak at ang kulay puting ribbon sa aking buhok ay nagsimula na akong maglakad.

Ala sais palang ng umaga kaya nagdala na ako ng tinapay, caimito at saging sa bayong. Mayroon rin akong mahabang tela na pwede kong higaan habang naggagansilyo.

Nang marating ang kubo ay masaganang namumulaklak ang ibat-ibang bulaklak na itinanim namin sa paligid nito.

I small smile crept in my lips when I saw Star watering the plants. She looks lovely on her pink hoodie and white pajamas.

Inilagay ko muna sa unang paanan ng hagdan ang dalang bayong saka nilapitan si Star.

"Good Morning. Dito ka natulog?" My fingers touched the finest purple margarita and I picked it up to put in my ear.

Star smiled before she nodded. "Mas bagay sayo ang calachuchi."

She even looked up to praised the innocence and delicate beauty of the flower.

Tumango lang ako saka kinuha ang sprinkler sa kamay niya. "May problema ba sa mansyon?"

Lupa nila Star ang kinatatayuan ng kubo pero kila Maricar siya tumutuloy dahil doon na siya lumaki. Magmula noong namatay ang kanyang Lola Cecilia ay kinupkop na siya ng mga de Villa.

At katulad naming apat ay ang kubo rin na ito ang pansamantalang pahingahan niya kapag napapagod sa mansyon. Ang nag-iisang kapahingahan namin sa tuwing napakaraming responsibilidad ang nakaatang sa aming balikat at sa panaka-nakang pagbagyo sa aming buhay.

Kaya alam ko kung bakit siya nag-iisa rito. May nais siyang takasan o ibaon, tulad ko.

Star tried to cleared her throat to change the topic but I simply shook my head. I want her to talk about it, to release those burden. "Ako nga din eh. Nakakapagod maghanap ng pera." Simula ko. "Katamad na."

"Palagi naman." She lovely smiled and get down to pick some grass and vines near her margaritas. "Wala namang problema, it's just that I simply want to listen to music." Maya-maya ay pag-amin niya. Umikot ang mata niya sa paligid. "And this place is a concert."

Ngumiti ako sa kanya saka nagpatuloy sa ginagawa. Hindi ko na siya mapipilit kung ayaw niyang dugtungan ang kwento.

Kumuha ako ng tubig sa nagtataasang drum na nakaimbak sa gilid ng kubo. Kapag kumpleto kami rito ay ang tubig mula sa ilog ang kinukuhanan namin ngunit ngayon ayaw kong mapagod.

I was busy trimming the leaves of my dwarf yet beautiful santan when Star spoke.

"You know what, I was planning to plant a tree, Hasmin."

Bumaling ang nakataas kong kilay sa kanya.
"Napapaligiran tayo ng mga puno, Starlight. Kaunti na nga lang ang mga peanut grass na hinihigaan natin dahil sa mabilis nilang pagdami at paglago."

San Teodoro Series #1: Seeds Of HopeWhere stories live. Discover now