CHAPTER 16

4 1 0
                                    

"Aray!" Usal ni Daxen ng suntukin ko ang balikat niya.

"Nakakainis ka! Nagsinungaling ka pa talaga tungkol sa report natin para lang dito?!" Tinuro ko ang mga handa sa mesa na para bang huling birthday ko na'to.

Napangisi rin siya saka tinitigan ang mga pagkain. Puto na may keso, puto kutsinta, at biko ang pinagkasyang ilagay sa isang malaking bilao. May isang tupperware rin ng spaghetti, tinapay na ensaymada at higit sa lahat ay may isang kaldero ng bilo-bilo. Ang daming matatamis na pagkain silang hinanda para sa akin.

Ang saya-saya na sana pero bakit kailangan niya pa akong artehan tungkol sa project namin? Nakakainis siya! Ayon pa talaga ang ginawang palusot para hindi ako makahalata sa surprise nila.

"Ang drama-drama mo pa kanina sa text!" Nanggigil ko siyang sinuntok ulit pero ngumiti lang siya

"Ayan diba ang bagong meaning ng "Thank you?" Pikit matang wika niga sabay abot sa akin ng isang plato na punong-puno ng pagkain.

"Kain na, mahal ko." Nakangising asong saad niya saka kinuha ang kamay ko.

"Urghhh! May nagsabi na ba sayong nakakairita ka?" Pagtataray ko dahil kutis kamatis na naman ako ngayon dahil sa inis sa lalaking 'to.

"Wala naman, ikaw pa lang but it's fine dahil gusto naman kita."

Hindi ko alam kung bakit unti-unting ngumingiti ang labi ko sa mga hirit niya.

Napatalon na lang ako sa gulat ng mabigat na ibinaba ni Sandra ang isang jar ng sagot gulaman sa mesa.

"Aray! Respeto sa mga single guys! Ang kalat!"

Ngumisi lang si Daxen saka agad na nagtungo sa sala bago ginulo ang buhok ko.

"Bwisit!" Usal ko.

Kinurot naman ng siraulo kong kaibigan ang tagiliran ko. "Pakipot pa siya oh?!"

"Shut up, Sandra." Inilapag ko muna sa mesa ang pinggan na napupuno ng pagkain dahil wala pa ako sa mood kumain.

Katulad ng inaasahan ay hindi manlang ito tumigil. "Masyado ka namang bato, Hasmin. Magpasalamat ka naman sa tao, siya ang nagplano ng lahat ng 'to?" Sabi niya na para bang utang na loob ko ang ginawa ni Daxen at kailan ko siyang bayaran.

I raised my eyebrow in that statement.
"Paano niya nalaman ang birthday ko? Sinabi mo no?"

"Hala siya oh." Nakakaloko niya akong pinektusan. "Hindi ikaw ang main character sa buhay ko. Wag masyadong asumera."

Pero dahil seryoso akong nakatingin sa kanya ay napilitan siyang umayos.
"Pumunta 'yan last time sa classroom namin at sinabi na magplano raw kami ng surprise party para sa birthday mo. Wala naman akong pakialam kong kaninong engkanto niya nakuha ang petsa ng birthday mo. Basta ang alam ko lang ay seryoso 'yan sayo."

"Sana all talaga?" Sulpot ni Star sa usapan namin. "Prayer reveal naman, Hasmin!"

"Tss." Pinandilatan ko ito. "Hindi madadaan sa dasal 'yang love life mo."

"Grabe umiinit yung bunganga ah."

"Ang anghang diba?"

Umiling lang ako saka hindi pinansin ang dalawa. Nagkunwari akong nag-aayos ng pagkain sa mesa kahit wala namang dapat ayusin roon. I just need to divert my attention to something because I might find myself in a lot of trouble, kung patuloy kong iisipin na inalam ni Daxen ang birthday ko. Na nagawa niyanh maghanda ng ganito ka bongga at asikasuhin kami ay baka... baka hindi ko mapigilan ang puso na naghahanap lang rin naman ng totoong pagmamahal.

I shake off that thought and grabbed the food. I ate it silently.

Dahil mahaba pa ang gabi at mamayang alas dose pa pa raw nila ibibigay ang mga regalo nila ay nakaisip ng iconic at pinakabagong laro si Sandra.

San Teodoro Series #1: Seeds Of HopeWhere stories live. Discover now