CHAPTER 14

4 1 0
                                    

"Minahal kita, Hasmin. Hanggang ngayong kaharap kita at habang inaamin ko sayo ang lahat, mahal pa rin kita." Huminga siya ng malalim at buong pagmamahal na tumitig sa akin. "At kahit sa pagtakbo mo sa lugar na ito... mamahalin pa rin kita."

Ang rumaragasang luha ni Daxen ang nagbibigay bigat sa damdamin ko. Na para bang sa bawat pagtulo non ay bagyo rin kung bumagsak sa akin. Sa anong dahilan ay hindi ko alam.

Tinuyo niya ang kanyang luha saka mariin ang boses na tumitig sa akin.  "At wag mong hingin sa akin na wag kang mahalin dahil iyon ang nag-iisang bagay na kaya kong ipagdamot sayo."

Ang namumuong bigat sa puso ko ay unti-unting umakyat sa aking mata at pagkalipas ng ilang segundo ay pumatak na naman ang malamig na luha roon. Isang pag-iyak para sa kanya dahil alam ko ang pusong mayroon ako ay hindi katulad ng nararamdaman niya.

I fixed my gaze at him while his trying to fixed himself.

Marahas akong umiling habang bumabagsak ang mga luha. "Pero hindi ko masusuklian ang pagmam---"

Humakbang siya saka marahan na hinawakan ang pisngi ko. I looked at his charcoal eyes and I found my soul imprinted on it. "You don't need to give me anything. Hasmin."

"Hayaan mo lang akong mahalin ka ng tahimik... hayaan mo akong mahalin ka kahit sa malayo."

Umiling ako. He don't deserve that. Mas maraming babae ang kayang-kayang suklian ang pagmamahal niya. Hindi niya kailangang magmahal ng tahimik. . . at sa malayo.

"D-Daxen." I protested. "You----

He dismissively shook his head. "Gabi na. Kailangan mo ng umuwi."

Wala na akong nagawa ng umakyat na siya sa kanyang motorsiklo at agad na kinuha ang extrang helmet saka isinuot sa akin.

Ang malamig na simoy ng hangin sa papalubog na araw doon sa patag na palayan ay nagbibigay ng bigat sa aking puso.

Nang marating ang aming bakuran ay dahan-dahan akong bumaba saka iniabot sa kanya ang helmet.

Daxen is important to me but not in the way that he demanded. He is important because he is my friend and I don't want to reject that just because he expresses his love.

After all, I believe that he should not love me. Hindi ako nararapat sa pagmamahal niya.

"Will you promise me na hindi mo na bubugbugin si Islao?" Maamo ang mukhang tanong ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin saka tumiim bagang.

"Kaya ko na siya. Kaya ko na 'to." I assured him.

Walang emosyon siyang nagsalita.
"Hindi ko maipapangako sa'yo 'yon, Hasmin pero naniniwala akong kaya mo 'to. At kapag hindi na, nasa paligid lang ako."

"Salamat." Saad ko habang marahan na nakangiti. Napatango naman siya saka agad ng pinaandar ang motorsiklo. Naghahanda ng umalis.

Pipigain na niya sana ang manibela ng hawakan ko ang braso niya. I looked at him with an intense yet shy eyes.

Hinarang rin niya ang napakaseryoso niyang mata kaya mabilis akong umiwas. Now that I know he loves me, his gaze has meaning.

"H-Hahayaan kita sa gusto mo, Daxen." Gusto kong sipain ang sarili ng marinig ang pagkautal. " Hahayaan kitang mahalin ako.... but I won't promise you anything."

Hinawakan niya ang panga ko saka marahan na hinaplos iyon. His fingers were heavy yet it touches my skin like I am a fragile glass. "Salamat... my hope."


. . . . . . . . . . .. . .








"Ate?! Bilisan mo at malalate na tayo!" Nakabusangot na sigaw ni Samantha sa akin habang nag-aayos ako sa harapan ng luma naming salamin. Suot ang puti naming blouse na mayroong itim na ribbon at itim rin na palda ay tinapos ko na ang aking postura.

San Teodoro Series #1: Seeds Of HopeWhere stories live. Discover now