I hate seeing your face, 'wag ka ng magpapakita ulit sa akin.
Urgh! Bumaligtad ulit ako sa kama namin ng nakakabata kong kapatid na si Samantha ng maalaala ang sinabi ng hinayupak, lasinggero at hambog na Daxen na 'yon!
Kung ayaw niya akong makita e mas lalong gustong-gusto ko siyang patayin! Isa talagang pagkakamali na hinangaan ko siya dati pero ngayon ay parang gusto ko na siyang ipalapa sa elepante.
Kung napapangitan siya sa akin, bakit ako ang mag-aadjust? Edi dapat siya na ang magpakamatay para hindi na niya ako makita!
"Urghh! Tang-ina niya!" Itinaklob ko na sa aking ulo ang nag-iisa kong unan dahil sa sobrang inis.
"Magpatulog ka naman 'te..." Naiinis na wika ni Samantha sa antok na boses.
Kahit gigil na gigil na akong mag-tumbling at gumulong-gulong sa kama namin ay pinigilan ko ang aking sarili dahil baka walang awa akong itulak ng kapatid ko sa lupa. Ayaw kong matulog roon no.
Nang dahil sa galit sa lalaking iyon ay alas dose na ng hatinggabi ako dinalaw ng antok. Pagkatapos ay nagising ang diwa ko noong alas singko y medya ng umaga.
Pupungas-pungas pa akong humawak sa aking mata saka agad na dumiretso sa kusina para ipaghanda ng almusal si Inay. I cooked rice, fried some veggies and fish that was our leftover last night.
Katulad ng lumalagablab na pagsayaw ng apoy sa kalan ay ganun rin ang inis at galit ko sa lalaking iyon. Tang-ina niya!
Last time, I checked men at my age were praising my beauty and in line to be my boyfriend. Tapos sasabihan niya lang akong hindi niya gusto ang mukha ko at ako pa talaga ang iiwas? Nagdemand ang gago!
Nang dahil sa sinabi niya ay matagal kong tinitigan ang aking mukha sa salamin pagkatapos kong maligo.
I checked my face and it is still enticing as always. My straight black like ink hair were shining splendidly. It compliments my natural dark arched eyebrows and long eyelashes. Those small chocolate eyes were enticing as if it was made to lure every man that gazes on me. Small straight nose and red glossy lips are proportionately perfect to my heart shaped face.
I love to style my hair in my thin bangs seating above my eye. Those strand of hair covered one of my mole in the right side of my eyebrows. Na ilang beses gustong kunin ng mga kaibigan ko dahil iyon raw ang nagpapaakit ng mukha ko.
Mga bolero talaga!
I shook my head and disposed the thought of that alcoholic guy. It's s not me, it's him. Maybe his eyes were distorted kaya inis na inis siya sa akin. Hindi niya makita ng malinaw ang kagandahan ko.
"Hasmin, 'nak?" Malambot ang boses na tawag sa akin ni Inay habang papasok ito sa sala.
Narito kaming magkakapatid sa sala kasama si Itay. Araw ng pahinga niya ngayon kaya may oras kami para makasama siya. Kanina ay nagtanim kami ng gulay sa likod ng aming bakuran at nangako siyang sasamahan kami sa panonood ng tv. Kakatapos lang ng show kong Eat Bulaga, kaya nilipat na ni Itay sa pelikula ni Ferdinando Poe. Katulad pa rin ng dati ay walang tigil sa paggansilyo ang kamay ko.
"Po?"
Yumakap ito sa tabi ko pagkatapos umupo. "Hasmin 'nak. May extrang pera ka ba riyan? Pahiram naman at babayaran ko."
Parang may bombang sumabog sa ulo ko ng marinig ang sinabi ni Inay. Siya itong may trabaho tas sa akin hihingi? Weird.
"Bakit saan mo gagamitin, Jaminda?" Malumanay ang boses na tanong ni Itay habang nakatitig ang mga mata sa tv.
"Sa opisina niya." Nakataas ang kilay na salita ni Jimmy. "Sa opisina kung saan may hawak siyang baraha."
"Tumigil ka nga riyan!"
YOU ARE READING
San Teodoro Series #1: Seeds Of Hope
Teen FictionMahirap ang buhay sa probinsya. Walang katapusang pagbibilad sa araw at pagbabanat ng buto sa sakahan para lang makakain. Nakakapagod, nakakasira ng balat at nakaka haggard. Kung hindi siya pinipilit ng kanyang ama na magsaka ay ni anino niya ay hin...