"Oral communication refers to the process of conveying information, ideas, or messages through spoken words, tone, and nonverbal cues. We also learn from the past reporters that communication is a two way process. Merong messenger and receiver." Buong-buo ang boses ni Daxen at mataas ang kumpyansa sa sarili habang ipinapaliwang sa buong klase ang report namin.
Sa unahan muna ako umupo dahil baka malaglag ang mga materials at kailangan ng taga-ayos. Mula rito sa upuan ay ramdam ko ang kagustuhan niyang ipaliwanag sa amin ng maigi ang report.
"Ayon ang mga natutuhan natin sa mga nakaraang reporter." Kinuha niya ang mga titig ko saka maligalig na ngumiti. "Kaya naman let's proceed to the next topic. The beautiful visual aids are prepared by my partner, Jasmine Dale Policarpio. And I will be the one presenting it."
Tumango naman si Ma'am na nasa gilid ng blackboard nakaupo at nagsulat sa grading sheet niya.
"Types of Oral Communication. The two types of oral communication are verbal and non verbal. However, our report focuses on verbal communication."
"Verbal communication involves using speech to share information with others. There are four types of verbal communication. First, the interpersonal, it is a one-to-one communication, it takes place when individuals exchange information, such as ideas or opinions, in words. Here, two or more people take turns sending and receiving information. The exchange of information can happen in face-to-face meetings, on the phone or via online platforms. Example niyan ay kapag nakikiusap ka sa kaibigan mo, dalawa lang kayong nag-uusap at nagkakaintindihan."
"Second the intrapersonal communication is communication that occurs internally. Example naman dito ay kapag nagseself-talk ka sa harap ng salamin o kapag nag-iisip ka lang sa kung mahal ka ba ng crush mo o hindi."
Agad na naghiyawan ang mga kaklase ko sa narinig mula kay Daxen. Nagtuksuhan pa ang mga iba sa mga crush nilang kahit kailan ay di sila pinapansin.
Umikot na lang ang mata ko sa kanya dahil maraming pwede i-example ay ayon pa talaga.
"Third, is the small group communication.
Small group communication may happen when more than two people are present. Example naman nito ay yung mga board meetings, weekly team meetings, and press conferences."He flips the long cartolina and proceed to the last topic. "And last but not the least is the public communication. This method of communication usually takes place when one person talks to many people, In most cases, the information goes in one direction. There is usually a person who addresses or conveys information to many recipients. Examples are public speeches during election campaigns, news casters at kahit itong pagrereport ko rito sa unahan. Ang information kasi ay galing sa isang tao, sa akin at it is directed to all of you."
He closed his hand and make a confident look to conclude his report. "Above all, this form of communications are important factor in our daily lives dahil kung may maayos na communication sa bawat tao ay mabilis tayong magkakaintindihan, walang gulo, at matiwasay ang sistema pati na rin ang ating pamumuhay."
Sinenyasan niya akong tumayo at pumunta sa harap ng klase. Ginawa ko naman iyon at mabilis na tumabi sa kanya. Hinawakan niya ang likuran ko saka marahan iyong tinulak. Gulat pa ako sa ginawa niya pero sinunod ko siya noong yumuko siya pagkatapos sabihin ang mga katagang ito. "This is our report and thank you for listening!"
Pumalakpak lahat ng mga kaklase namin at maging si Ma'am. Nagsulat rin siya ng grade saka sinabihan ang susunod na grupong magreport na.
"Congratulations Mr. Melendez and Ms. Policarpio! It is a job well done!" Puri ni Ma'am Gregorio sa amin pagkatapos ng presentation. Kasalukuyan na rin naming inaayos ang mga ginamit na visual aids. While half of our classmates are gone, tanging ang cleaners na lang ngayon ang natira.
YOU ARE READING
San Teodoro Series #1: Seeds Of Hope
Teen FictionMahirap ang buhay sa probinsya. Walang katapusang pagbibilad sa araw at pagbabanat ng buto sa sakahan para lang makakain. Nakakapagod, nakakasira ng balat at nakaka haggard. Kung hindi siya pinipilit ng kanyang ama na magsaka ay ni anino niya ay hin...