𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓼𝓮𝓿𝓮𝓷

2 1 0
                                    

"MADALANG ka lang makipagkita sa mga lalaki. Kaya paano ka nagka-fiancee?"

Naguguluhang tanong ni Marcelo sa kanya.

"Basta nangyari na lang. Tsaka wala ako sa mood na magkwento." Sabi niya saka nagpatuloy na sa ginagawa.

Narinig niya ang pagbuntonghinga ni Marcelo. Maya-maya ay humakbang ito papalapit sa kanya. Pinatong sa harang ng ibabaw ng lamesa ang isang kamay, habang ang isang kamay ay ginamit nito upang hawakan ang chin niya. Kaya napaangat siya ng tingin rito.

"Mickey." Sabi niya. "At least sabihin mo sakin ng mas maaga. Nagkakagulo na tuloy ang media dahil sa nangyari. Paano ko 'to aayusin?"

Tumuwid sa pagkakatayo si Marcelo saka humarap sa kanya.

"May tiwala akong maayos mo 'to, Marcelo."

Umiling si Marcelo."I can't believe this." Nasapo nito ang noo.

"Akala ko tayo ang ikakasal." May disappoinment sa boses ni Marcelo.

"Tayo?" Parang napapaisip na ulit niya.

"Masyado kang abala sa ibang bagay. At ako naman ay abala sayo. Ikaw lang ang pag-asa ko, Mickey. " Seryosong sabi ni Marcelo na sinundan ng mahinang tawa.

Sa kabilang banda, nagpupumilit na pumasok si Yuri sa opisina ng boss niya.

"Hindi ka pwedeng basta na lang pumasok!" Sigaw ng secretary sa kanya.

"Subukan mo 'kong pigilan!"

Galit siyang pumasok sa opisina. Nakakuyom ang mga kamao at naniningkit ang mga mata.

"Pwede mo bang ipaliwanag-"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang mapansin niya ang lalaki sa tabi nito. Pareho itong nakatingin sa direksyon niya. Nagpapalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa.

"Naistorbo ko ba kayo?" Tanong niya sabay suyod ng tingin sa boss niya.

Tuwid itong nakaupo sa parang pangreynang upuan. Naka-unbutton na ang suot nitong blazer, kaya lumitaw na ang suot nitong sando o tube. May mga nagtatayuan na ring baby hair. Mukhang dakila kung tignan si Mickey. Mukha siyang hindi naaalikabukan.

Katulad ng lalaki sa harap nito na nakahawak pa sa baba ng babae. Nakasuot ito ng mamahaling damit. Mahaba ang mga binti nito at mga kamay. Subalit mas malapad sa kanya ang balikat nito.

Naramdaman niya ang pagbaon ng matalim na bagay sa puso niya.

"Wala kang naistorbo." Sagot ng lalaki na umayos sa pagkakatayo at humarap sa kanya.

"Masaya akong makilala ka. Matagal ka ring inilihim sakin ni Mickey." Dagdag pa nito.

"M-masaya din akong makilala ka...."

"Ako si Marcelo Egnacio. " Pakilala ng lalaki sa kanya. "Tagapahayag ni Mickey."

"Ah..."

"Humihingi lang ako sa kanya ng impormasyon. Pero masyado siyang madaldal." Tumaas ang kilay ni Marcelo sa huling sinabi. Pagkatapos ay hinawakan ang upuan ni Mickey na parang pagmamay-ari niya ang babae.

Napansin niya ang panginginig ng mga nakakuyom niyang kamo. Hindi niya mapigilan ang sariling titigan ang kamay nitong nakahawak sa upuan.

"Baka nakatulong ka." Patuloy ni Marcelo.

"Tulong saan?"

Napapaisip ang lalaki na tumingin sa kanya. "Fiancee ka ba talaga ni Mickey?" Tanong nito na parang may duda sa kanya.

Isa lang unang pumasok sa utak niya. Alam niyang matalino ito.

"Wala kang sagot?" Sabi nito nang hindi siya agad nakasagot. Humarap ito kay Mickey. "Bakit hindi sing confident mo ang fiancee mo?"

"Kinakabahan lang siya." Sagot ni Mickey. "Tigilan mo na siya."

"Alright. Pero ano ang sasabihin natin sa media? Gusto nilang malaman ang relasyon ninyong dalawa.

"Bakit ba napakapakielamiro ng mga tao sa buhay ng may buhay?" Naiinis na sambit ni Mickey.

"Alam mo kung paano sila kumilos." Patuloy pa ni Marcelo.

"Pwede bang hayaan na lang nating mapagod sila?"

"Hindi 'yan mangyayari, Mickey. Lalo na sayo."

Inirapan ni Mickey si Marcelo.

"Hindi ko alam na ganito pala kalala ng media. Ako... "

Hinarap siya ni Marcelo.

"Fiancee ka ni Mickey Arcenal. Kaya anong ini-expect mo?"

"Ako..."

"Kasalanan mo 'to. Kung bakit kasi gusto mo pang pumunta sa club na 'yun." Naiinis na sumbat ni Mickey sa kanya.

"Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Sana sinabihan mo man lang ako." Depensa niya.

"So, kasalanan ko pa ngayon?"

Bago pa matuloy sa away ang sagutan nila ay inawat na sila ni Marcelo.

"H'wag na kayong mag-away. Sasabihin ko na lang na hindi naman kayo seryoso sa isa't isa. Kapag kasi sinabi natin sa kanila ang totoo, lalo lang na magkakagulo. At sa nakikita ko sayo Yuri, hindi ka pa handa aa bagay na 'to. Masyadong maraming kailangang gawin kapag fiance ka ni Mickey." Hinarap ni Marcelo si Mickey at nagpaalam na itong aalis na.

"Tatawagan kita mamaya." Sabi pa nito sa lumabas ng opisina ni Mickey.

Naiwan silang dalawa ng boss niya.

"Hindi mo ako kailangang sisihin sa harap niya." Masama ang loob niya kay Mickey.

"Gusto mo bang pagalitan kita ngayon?" Hindi siya umimik. "Kailangan nating ayusin 'to."

"Paano ko malalamang may nakabuntot pala sa 'ting chismoso?"

"Binanggit iyon sa contract. Kaya nga pinapakilos ka ng tama dahil maraming mata ang nakaabang sa akin."

"Sa tingin mo ba binasa ko ang kontratang iyon na parang libro sa sobrang kapal?"

Nagulat si Mickey sa inamin niya. "Sabi mo binasa mo lahat!"

Nagsinungaling siya kaya napabuga na lamang siya ng hangin.

"Alam mo bang pwede kitang i-take advantage dahil sa kontratang 'yun, Yuri? Kaya mag-iingat ka." Banta nito sa kanya.

"Hindi tayo magkatulad. "

"Of course not!

"Wala akong utak nang sa kagaya mo. Na kayang intindihin ang lahat ng terminolohiyang nakapaloob dun!"

Tumayo mula sa upuan si Mickey at lumapit sa kanya.

"Tama ka. Wala ka ng utak na katulad ko."

"A-ano? "

Tumingkayad nang bahagya si Mickey. Kumapit ito sa magkabilang balikat niya.

"Sa susunod, humingi ka sakin ng tulong. Naiintidihan mo?" Halos pabulong na sabi nito sa kanya.

"Sigurado kang tutulungan mo ako?" Tuya niya kay Mickey.

Nakayuko siya sa babae habang nakatitig sa mga mata nito na may ilang distansiya na lang ang pagitan ng kanilang mga labi.

"Hindi mo ako kilala, Yuri. Kaya huwag ka agad magbitaw ng salita." Bumitiw sa pagkakalapit si Mickey sa kanya. "Makakaalis ka na."

"Hindi mo rin ako kilala, Miss Arcenal." Pahabol niyang sabi nang talikuran siya nito.

Nag-uunahan sa pagpintig ang pulso niya. Sinubukan siyang harapin muli ni Mickey na may gulat sa mga mata. Pero hindi na niya hinayaan pa itong magsalita. Tumalima na siya pabalik ng cubicle.

𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Where stories live. Discover now