𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓼𝓲𝔁

5 1 0
                                    

"MISS ARCENAL!"

Sambit ng bouncer nang makilala si Mickey na lumapit.

"Ihahanda na agad namin ang VIP room na para sayo at sa kasama mo."

"Salamat."

"Paano mo siya nakilala?" Tanong niya nang makalapit siya kay Mickey. Pero hindi siya nito sinagot. Sa halip ay iniwan siya sa entrance at nagpatiunang pumasok kasunod ang bouncer.

"S-sandali lang!" Hinabol niya ito at naabutan niya sa tabi ng mga nagsasayaw. "Teka nga. Bakit tayo pinapasuk nang ganoon kabilis?!"

"Akala mo talaga maghihintay ako sa labas? Kawawa naman ang skin ko sa mga lamok no,"

"E, bakit nga tayo pinapasuk agad?"

Ah, hindi nga pala sila pareho ng level. Si Miss Mickey Arcenal kaya 'to. Hindi lang siya basta boss niya, o kaya naman ay soon to be his (fake) fiancee. Siya ang CEO ng Crux Enterprises, isang malaking kompanya sa bansa nila. Ang kompanyang kumikita ng bilyung-bilyung salapi taon-taon.

Hindi lang ito kilala bilang isang CEO. Kilala din ito bilang matalino at maempluwensiyang businesswoman sa larangan ng industriya. Ang pinakabatang negosyante!

"Mickey!" Sigaw ni Eden na nasa kalagitnaan ng mga nagsasayaw. "Anong ginagawa mo dito?"

"Magbabantay ng bata." Sagot ni Mickey kay Eden nang makalapit ito sa kanilang kinatatayuan.

"Anong sinasabi mo?" Kunot noong tanong niya sa babae. Kahit rinig na rinig niya ang sinabi nito.

"Iyan na ba ang bayaw ko?" Baling sa kanya ni Eden.

"Huwag mo 'kong tawaging bayaw."

Tumawa lamang si Eden na halatang natutuwa sa reaksiyon niya.

"Maiwan ko na muna kayo."

"At saan ka naman pupunta?"

" Wala akong magagawa kung lagi akong nasa tabi mo."

Pagkasabi niya ay agad na siyang naglakad at humalo sa mga nagsasayaw.

"Anong ibig niyang sabihin?" Tanong ni Mickey kay Eden na nakatayo sa tabi niya.

"Gusto niyang ipaalam sa mga babae na single siya." Sagot ni Eden. " Oh, pano? Magsasaya muna ako. Hindi din kasi ako makakakita ng pogi kapag magkatabi tayo."

Pagkasabi ay iniwan na rin ni Eden si Mickey at humalo sa mga nagsasayaw.

"Woah...!" Sigaw niya. "Namiss ko 'to! Ey...ey...ey! Party people...!"

Parang ibong nakawala sa hawla kung magsaya si Yuri. Siya iyung tipo ng tao na gustong magliwaliw dahil sa sobrang dami ng problema. Sa dami nga nito ay nakalimutan na niyang magsaya. Kagaya ng ginagawa niya ngayon. At bukas ay panibagong problema na naman ang kanyang haharapin. Kaya kailangan niyang ubusin ang oras ngayon para magsaya.

Nahinto siya sa pagsasayaw ng may lumapit sa kanyang babae.

"Hi," medyo nahihiya na bati ng babae sa kanya.

"Yes?"

"Ang guwapo mo naman." Puri ng babaeng blond ang buhok.

"Thanks."

"Anong pangalan mo?"

"Yuri." Sagot niya sa babae.

"Pwede mo ba akong halikan, Yuri?" Bulong ng babae na halatang inaakit siya.

Subalit bago pa siya makasagot ay tumingkayad ang babae. Pinikit ang mga mata saka ngumuso na parang pato.

"W-wait a minute." Bahagya niyang tinulak ang babae kaya napadilat ito ng mga mata. "Do that on you boyfriend." Sabi niya saka ito iniwan.

Bumalik siya sa kung saan niya iniwan si Mickey na nakaupo na isang stool. Wala man lang itong inorder na maiinom. Literal na nakaupo lang ito habang nanonood.

"Tapos ka na?" Bungad nito sa kanya.

"Ihahatid na kita." Sabi niya kaya hindi na nagtanong pa ang babae.

Tumayo na ito at magkasabay silang pumunta ng parking lot. Pero sa gulat niya, sa driver's seat sumakay si Mickey. Nagtataka man ay hindi na siya nagtanong pa. Sumakay na lang siya ng tahimik. Habang nagmaneho naman ng tahimik si Mickey.

"Hating gabi na pala." Usal ni Mickey nang ihinto ang kotse sa tabi ng kalsada. " Fiancee na kita simula ngayon Mr Yuri Reyes."

***

KINABUKASAN ay nagising si Yuri na may pangamba. Ngayon na kasi ang simula ng role playing nila ni Mickey.

Tumayo siya saka dinampot sa kama ang phone. At guess what!

Anong nangyayari sa group chat namin?!

Nagmamadali na lumabas ng apartment si Yuri para pumasok sa trabaho.

"Yuri!" Tumatakbong salubong sa kanya ni Rain pagpasok niya sa entrance.

"Yuri!" Pasigaw na tawag naman sa kanya ni Rustom.

"B-bakit?" Naguguluhan niyang tanong sa dalawa.

"Magpaliwanag ka!" Demand ni Rustom sa kanya.

"Paliwanag saan?"

May pinindot na kung ano si Rain sa phone at pinakita iyon sa kanya.

NAGBABAGANG BALITA!
Ang bilyunaryong si Miss Mickey Arcenal ay naispatan sa isang club na may kasamang lalaki sa kauna-unahang pagkakataon!

Ito ang highlights na nabasa niya sa article na pinakita sa kanya ni Rain.

"T-tuloy na ako." Paalam niya saka nagmamadaling tumakbo papunta sa kung saan.

Samantala, abala naman si Mickey sa harap ng kanyang computer nang may kumatok sa kanyang opisina.

"Come in." Pahintulot niya sa kung sino at agaran naman pumasok ang isang lalaki.

Nag-angat siya ng tingin sa pumasok, "Marcelo."

"Pwede ba tayong mag-usap?" Direktang sabi nito sa kanya.

"Oo naman."

"Anong ibig sabihin nito, Mickey?!" Tila nag-anyong cobra si Marcelo. Nagbago ang tono ng pananalita nito, boses na malayo sa unang tono na ginamit nito kanina.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Marcelo sa phone at pinakita iyon sa kanya.

"Ah." Sambit niya.

"Ah...?" Ulit nito sa reaksiyon niya. "Alam mo bang walang hinto sa pag-ring ang phone ko? Gusto nilang malaman kung ano ang nangyayari!"

"Pasensya ka na."

Napabuga ng hangin si Marcelo saka kinalma ang sarili.

"Sino siya?"

"Yuri Reyes." Sagot niya habang nakatitig sa phone.

"Wala akong pakialam sa pangalan niya." Makahulugan na sabi ni Marcelo.

"He's my fiancee."

"Ano? H'wag ka ngang magbiro." Naiiritang sabi nito.

Hininto niya ang pag-i-scroll sa phone saka nag-angat ng tingin kay Marcelo.

"Mukha ba akong clown?"

"Ako ang tagapagsalita mo sa pahayagan. Bakit hindi ko man lang nalaman na may FIANCEE ka na?"

"Biglaan lang din." Kibit balikat na sagot niya. "Kaya hindi ko agad nasabi sayo."

"Hindi mo pa siya napakilala sa'kin."

"Hindi ako makahanap ng tiyempo."paliwanag niya.

"Seryoso ka ba talagang siya ang fiancee mo? " Parang hindi parin nagsi-sink in sa utak ni Marcelo ang mga natuklasan niya kay Mickey.

"Oo nga." Sagot niya kay Marcelo.

"Paano 'to nangyari?!"

𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Where stories live. Discover now