𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓽𝓱𝓲𝓻𝓽𝓮𝓮𝓷

2 1 0
                                    

"HINDI mo 'ko pwedeng ipatawag kung kailan mo gusto!" Padabog na panimula niya.

"Sa iba hindi pwede. Pero sa'kin pwede." Sagot nito nang hindi siya tinitignan."Boss mo parin ako.

Pinagmasdan niya si ang boss niya. Mula sa maayos nitong pagkakakulot, sa plantsado nitong damit at sa tuwid nito kung umupo. Iyan lang ay sapat na para sampalin siya ng katotohanan.

Ang katotohanang nakita niya itong nakabra at bike shorts na basang-basa ng pawis.

Pero may kakaiba sa kanya ngayon. Napansin niyang may nagbago sa boss niya.

"Nagdududa na ang mga co-workers ko."

"Paanong nagdududa?" Hindi parin ito tumitingin sa kanya.

Ang sama talaga ng ugali. Period.

"Ang ibig kong sabihin ay ang weird sa pakiramdam."

" Masanay ka na."

Tumaas ang kilay niya."Masanay? Palibhasa madali lang 'to para sayo!" Pagpapatuloy niya sa pakikipagtalo.

"Wala namang madali sa kahit na anong sitwasyon. Makakalbo ka na lang sa kaka-overthink wala ding mangyayari."

Napabuntong-hininga siya.

"Sasama ka sakin sa business trip."

Nagulat siya sa binalita nito. "Ano?!" Bulalas niya.

"Bakit?" Binaba nito ang phone saka siya tinignan. Bagay na sana ay hindi nito ginawa. "Ayaw mong gawin ang trabaho mo?"

Nakalimutan na niya na napakalamig pala kung tumitig ng boss niya.

Napakamot na lamang siya sa ulo. "Pero bakit ako? Hindi ako qualified na maging assistant mo."

"But this is my decision."

"Pero-"

"Mr. Reyes!" Maawtoridad na putol nito. "Seryoso ka bang tinatanong mo sa'kin kung bakit ikaw ang gusto kong makasama? Besides it is a blessing in disguise. Makakabuti ito sayo para magkaroon ka ng ibang experience. Kaya dapat maging masaya ka." Patuloy nito.

Subalit hindi makuha nito na ayaw lang naman niyang pinapaboran siya.

"Wala akong pakialam sa iniisip mo, o sa iisipin ng iba. Basta maghanda ka na para sa pag-alis natin." Pagkasabi ay bumalik na agad ito sa ginagawa.

Naiinis siyang lumabas ng opisina ng boss niya.

***

"Anong ibig mong sabihing isa na lang ang vacant room?"

"Hindi po 'yan ang ibig kong sabihin Miss Arcenal. I-isa lang po kasi talaga ang naka-book na kwarto para sa inyo." Paliwanag ng receptionist ng hotel.

"Sinasabi mo bang kasalanan ko?"

"H-hindi po! K-kasalanan namin." Nauutal na sagot ng receptionist.

"Kung ganun, bigyan mo kami ng dalawang kwarto."

"Ang problema po kasi...may gaganapin na malaking kasalan sa hotel ngayong linggo."

"So?"

"Kaya puno po ang lahat ng rooms." Kinakabahan na sabi ng receptionist.

"Kaya hindi ko kami mabibigyan ng dalawang kwarto, ganun ba?"

Biglang nag-panic ang babaeng receptionist at panay ang hingi nito ng tawad kay Mickey.

"Babayaran po namin ang nagasto niyo. At sisiguraduhing kompleto ang mga kailangan niyo."

"H'wag na." Tanggi nito na lalong ikinaputla ng babae.

Hinarap nito si Yuri na naaawa para sa babaeng receptionist.

"Share lang tayo sa kwarto." Sabi nito.

"Ha...?" 

"Narinig mo ako. O, pano? Aalis na ako. May private meeting pa ako. Siguraduhin mong isesend mo ang mga documents mamaya."

Tumango siya. "Makakaasa ka."

Iniwan na siya nito sa reception area at nagtungo na rin siya sa kanilang kwarto.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad na niyang ginawa ang iniuutos sa kanya ng boss niya. Pagkatapos ay saka lang niya na-realized na makakasama niya sa iisang kwarto ang boss niya.

Makakatabi sa iisang kama. But he respect his boss after all. Kaya kailangan niyang maghanap ng ibang pwedeng paghigaan.

Sinuyod niya ang buong kwarto. Subalit wala siyang nakita na pwedeng higaan. Unless, hihiga siya sa sahig.

Nasapo na lamang niya ang kanyang ulo.

Lumipas na ilang oras at dama na niya ang pagkainip. Kaya naghanap siya ng pwedeng pagkalibangan.

Lumabas siya ng kwarto saka naglibot sa hotel. Mukhang mamahalin ang hotel na tinutuluyan nila. Salamat na lang talaga kay Mickey at nararanasan niya ang lahat ng 'to.

"Yuri?"

Napatalon siya sa gulat nang biglang may tumawag sa pangalan niya mula sa kanyang likuran.

Nang lingunin niya ito, nakita niyang naglalakad papalapit sa kanya si attorney Yazmin.

"Yazmin!" aniya. "Anong ginagawa mo rito?"

"Kailangan kong i-check 'yung mga kontrata na ino-offer kay Miss Arcenal. Pinapasugurado niyang makatarungan ang mga nakapaloob dito." Pagkukwento nito."E, ikaw anong ginagawa mo? Naliligaw ka ba?"

Tumawa siya saglit. "Hindi. Naa-amazed lang ako sa ganda nitong hotel."

"Gusto mo bang ilibot kita sa buong hotel?" Presenta nito. "Tapos na ako sa mga gawain ko."

Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Naku, maraming salamat!"

Unang-una nilang napuntahan ay ang napakalaking pool area.

"Pwede bang mag-swimming diyan?" Tanong niya Yazmin na pilit tinatago ang excitement.

"Oo naman. Walang pipigil Sayo." Nakangiting sagot naman nito.

Agad na nag-shower si Yuri at nagbihis ng pang-swimming. Ang hindi niya alam ay palihim siyang pinagtatawanan ni Yazmin.

"Woah, grabe!" Bulalas niya nang makaahon mula sa paglangoy sa pool.

"Ang galing mo namang lumangoy." Puri ni Yazmin sa kanya.

"Salamat." Pagkasabi ay muli siyang sumisid.

Inabot na ng gabi si Yuri sa swimming pool. Sa pag-aalala niyang nasa kwarto na si Mickey at makitang wala siya, baka sermonan na naman siya nito.

Hinatid pa siya ni Yazmin sa kwarto nila bago siya nito iniwan.

Pagpasok niya sa kwarto ay madilim parin ang loob, gaya nang iwan niya ito.

Lumuwag ang kanyang pakiramdam matapos mag-swimming. Nangingiti pa siya habang inaalala ang naging bonding nila ni Yazmin.

Binuksan niya ang ilaw at napatalon siya sa sobrang gulat nang may mahagip ang kanyang mga mata na nakatayo sa kanyang likuran.

"M-M-M-M-Mickey!" Nauutal na sambit niya. "Nandito ka na pala." Subalit hindi siya nito sinagot. Pero magkarugtong na ang kilay nito.

"May problema ba? My mali ba  dun sa mga documents na ginawa ko?"

Pero hindi parin ito sumasagot sa kanya habang nakatingin sa kintatayuan niya nang walang emosyon.

Mukha siyang doppelganger. Doppelganger?!

"T-"

"Bakit ka nasa pool kanina?"

"Ah...n-nakita mo pala ako?"

"Oo nakita ko kayo ni Yazmin na magkasama."

"Naisip ko kasing mag-swimming after work, for refreshing." Paliwanag niya.

"Mas refreshing ba kapag kasama si Yazmin?"

"Nakasalubong ko lang siya sa lobby. Pagkatapos, nilibot niya ako sa hotel."

𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Where stories live. Discover now