𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓷𝓲𝓷𝓮𝓽𝓮𝓮𝓷

2 0 0
                                    

"SANA gawin mo parin ang trabaho bilang empleyado ng Crux Enterprises, Mr. Reyes."

Binigyang diin ni Mickey ang pagsambit ng pangalan niya. Hindi na siya tinawag nito sa unang pangalan. Bumalik na siya sa dating tinatawag nito sa kanya-Mr. Reyes.

Magkahalong emosyon ang nangibabaw sa puso ni Yuri. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nang mga oras na iyon.

Tulala siya nang lumabas ng opisina. Pagdating niya sa cubicle niya ay sinalubong siya ng humihingal na si Rustom.

"Yuri!" Humahangos na bungad nito. "Ano ang nangyari?!"

Gulat at nagtataka na tanong nito.

"Ha?"

"Bakit sinabi sa balita na hindi naman kayo nagsama?!"

"Ano-"

"Sumama ka sa'kin!" Hinila siya ni Rustom papalapit sa malaking flat screen tv na nakadikit sa pader.

Binabalita ng babaeng newscaster na ang kumakalat na usap-usapan tungkol kay Miss Arcenal at sa 'di umano'y kasintahan nito ay isang kasinungalingan lamang.

Idinagdag pa nito na hindi na hindi raw matutuloy ang kasalan ng bilyunaryong si Mickey Arcenal at si Yuri Reyes-ayun sa team ni Mickey.

Ayun sa newscaster ay nakakaawa raw si Yuri dahil hindi raw niya maisusuot kay Mickey ang singsing.

Gayun paman, mapalad parin daw sila. Ang mga sumunod na mga sinabi nito ay hindi na niya naintindihan.

Maya-maya ay humarap sa kanya si Rustom.

"Bakit ganyan ang mga sinasabi ng newscaster?! Hindi ko maintindihan! Ikaw ang fiancee niya hindi ba?"

Hindi niya sinagot si Rustom. Maging siya ay nalilito at gulong-gulo ang kanyang isipan. Ang tanging nagawa na lamang niya ay tumakbo papunta ng CR.

Nagkulong siya sa dulong cubicle at pabagsak na naupo sa toilet. Pilita niyang kinakalma ang nagpa-panic na sarili.

Sinasabi niya sa sarili na magiging maayos din ang lahat.

Mas lalo tuloy siyang kinabahan nang biglang mag-ring ang phone niya. Wala sa sarili na sinagot niya ang tawag.

"Hello?"

Napabuga siya ng hangin nang makilala ang tumatawag.

"Yazmin." Kunwari ay masaya na sabi niya.

"Napanood ko sa balita... kamusta ka?"

"Ayos lang ako. H'wag kang mag-alala."

Napasinghap siya nang biglang umagos ang kanyang mga luha.

"Nasa opisina ka ba?"

"Oo, bakit?"

"Papunta na ako. Maghanda ka na."

"Bakit?"

"Diyan na tayo mag-usap."

Binabaan na siya ng tawag ni Yazmin kaya napabuntong-hininga na lamang siya.

***

"Sumakay ka na." Sabi ni Yazmin nang makita siyang nasa tabi ng kotse.

"Hindi ko maintindihan. Bakit mo 'ko sinusundo?" Naguguluhan niyang tanong.

"Gusto mo bang manatili sa office ngayon? Sa tingin mo ba makakapagtrabaho ka ng maayos sa kalagayan mo?"

Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Kaya sinubukan niyang sabihin na ayos lang talaga siya. Subalit naging mapilit si Yazmin.

"Hindi mo kailangang magpanggap sa harap ko, Yuri. Sumakay ka na. We will be having a road trip. Mas mainam pa ito kesa manatili sa office hindi ba?" Nakangiti na sabi ni Yazmin.

Sang-ayon naman siya sa ideya nito. Kaya laking pasasalamat niya na pinuntahan siya ni Yazmin. Subalit ang hindi nila alam ay may nakatanaw pala sa kanila mula taas ng building.

Sumakay siya sa kotse nito at sa bahay siya ni Yazmin dinala. Maayos at malinis ang bahay nito na may dalawang kulay lamang. White and brown na aakalain mo sa unang tingin ay parang mag kawayan ang pader subalit hindi pala. It was an art.

"Totoo ang sinasabi ko." Ani Yuri. "Ayos lang ako. Nabigla lang talaga ako."

"Nakakabigla nga." Sang-ayon ni Yazmin. "Hindi ko rin alam na ganun pala ang set-up niyo. I mean hindi pala totoo."

Nagulat siya sa sinabi nito. Ang buong akala niya ay may alam ito tungkol sa kanila ni Mickey.

"W-wait. Hindi mo alam?"

Tumango si Yazmin. "Wala namang nabanggit sa'kin si Mickey. Maybe she was already expecting that this is going to happen." Napapaisip na sabi nito."Anyway, nag-away ba kayo?"

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumulag sa mga mata niya. Napapikit siya ng mariin, at nang magmulat siya, ang nakaraan nila ni Mickey ang nakita niya. Nakita niya ang sarili habang nakikipagtalo kay Mickey.

"At least hindi ako naglalasing at nagdadrama. Parang hindi ka lalaki!"

"Ako nagdadrama?!"

"Hindi ba niya napagaan ang loob mo? Hindi ba maganda sa pakiramdam?"

"Anong sinasabi mo?"

"Ang simple lang ng usapan natin, Yuri. Hindi mo man lang magawa ng tama!"

"Simple? Hindi ito kanin na kapag napaso ay pwede mo na lang iluwa, Mickey. Nasa fake engagement tayo! Wala sa kontrata na kailangan mo akong halikan para lang tuksuhin."

"Pero nasa kontrata na bawal na lang makipaghalubilo sa ibang babae!"

" For God's sake! Sana hindi ko na lang tinanggap ang alok mo!"

Then he came to reality.

Napapaisip siya kung bakit ganoon na lang ang galit ni Mickey sa kanya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay. "Hindi ko alam."

"On ther side, hindi ba mainam din na nangyari 'to? Malaya ka na, natanggap mo pa ang pera. Makakapagsimula ka na ulit. Hindi mo na siya fiancee, which is in the very first place, you never like. Umaayon ang pagkakataon sayo."

But those words never reach him. Hindi niya maintindihan kaya napabuga na lamang siya ng hangin.

"Tama ka. Umaayon na rin sa akin ang pagkakataon."

Nakangiti niyang sabi subalit hindi nakaligtas kay Yazmin ang mapanglaw niyang mga mata.

Tinawag nito ang pansin niya dahil parang wala siya sa sarili. Bahagya pa siyang nagulat nang muli nitong tawagan siya sa pangalan.

"Kakalipat mo lang?"

Puna niya sa mga kahon na nakapatong sa kapwa karton.

"Aalis na ako."

Mabilis siyang napalingon sa kinauupuan ni Yazmin na may pagkabigla.

"Nagawa ko na rin sa wakas ang gusto kong gawin. Naitayo ko na rin ang pangarap kong law firm."

"Masaya ako para sayo, Yazmin. Deserve mong maabot ang mga pangarap mo. Pero bakit kailangan mo pang umalis ng bahay mo?" Usisa niya.

"Nasa ibang syudad kasi matatagpuan ang kompanya. Mapapalayo ako kung dito parin ako maninirahan."

"Pero bakit? I mean...bakit sa ibang syudad pa?"

"Maganda kasi ang location at nakatanggap ako ng offer mula sa isang investor. Mas nagustuhan ko din doon kesa dito. Kaya kailangan kong magsimula ulit."

𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Where stories live. Discover now