𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓯𝓲𝓿𝓮

6 1 0
                                    

MISTER REYES. Iyan agad ang unang bungad ng secretary ni Miss Arcenal nang ito ay makalapit sa cubicle niya.

"Bakit?" Kinakabahan niyang tanong rito.

"Gusto kang makausap ni Miss Arcenal."

Pagkasabi nito ay halos magwala na ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog nito. Narinig iyon ng mga katrabaho niya kaya lalo siyang kinabahan. May iilang nagbubulong-bulungan subalit hindi na niya alam kung ano ang mga pinagsasasabi ng mga ito. Tumayo na lang siya at tahimik na pumunta ng opisina ni Mickey.

Kumatok siya ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob. Pumasok siya pero wala man lang siyang narinig mula sa boss niya. Abala ito sa harap ng computer at parang wala man lang pakiramdam. Dahil nasa harap na siya nito pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Ma'am?"

"Mr. Reyes..." Sambit nito nang mag-angat ito ng tingin sa kanya. Kasunod ng pagkailang. Para kasi itong may pagnanasa kung suyurin siya ng tingin.

Pero hindi niya rin alam kung tama ba ang pagbasa niya sa mga titig nito. May parte kasi ng kanyang isipan na nagsasabing nasa ikalaliman ng tubig dagat ang emosyon ng babae. Mahirap sisirin.

Ano ba ang meron sa babaeng ito at nagagawa siya nitong panginigin sa takot?

Ano ba ang meron sa babaeng ito bakit parang nanghihina siya at nawawala sa sarili kapag nasa harap niya ito?

"May dinner tayo mamayang gabi. May susundo sayo mamayang alas otso kaya maghanda ka ng maaga." Biglang sabi nito na ikinabigla niya.

"Anong meron?"

"Wala. Gusto ko lang."

Napakademanding nito at hindi man lang siyang binibigyan ng dahilan para magsalita.

"Okay." Matipid niyang sagot.

Pagkatapos ay binalik na nito ang atensiyon sa harap ng computer. Nagpasya na rin siyang lumabas ng opisina ng boss niya.

***

" 'Yan na siguro ang sundo ko." Sambit niya nang marinig ang doorbell. Agad siyang lumabas at ni-locked ang pinto ng kanyang apartment.

Parang gusto na lang niyang umuwi nang makapasok sa luxurious restaurant dahil sa suot niya. Stripe polo shirt at formal shorts lang naman kasi ang suot niya.

Samantalang ang mga tao sa loob ng restaurant ay nakapormal attire. Malayong-malayo sa suot niya.

At sa wakas! Nakita na rin niya ang kinauupuan ni Mickey. Nang makita niya nga ito ay lalo lamang siyang sinampal ng kahihiyan. Pero in fairness, nakakapanibagong hindi pang-opisina ang suot nito.

Sing lamig ng ice cube ang mga titig na pinupukol sa kanya ni Mickey. Subalit bakas din ang curiosity sa mga mata nito.

"Miss Arcenal." Panimulang bati niya nang makaupo siya sa katapat nitong upuan.

"Mister Reyes. Let me get to the point." Seryosong sabi nito saka inabot sa kanya ang isang papel. "Binasa mo ba ang lahat ng nakasulat dito?"

"Oo." Pero hindi talaga. Masyadong mahaba at parang essay ang nakasulat. Plus 'yung language na ginamit ay hindi ko masyado maintindihan. Kaya hanggang first sentence lang ang binasa ko.

"Mabuti naman. May reklamo ka ba?"

"H-hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa natin."

"Bakit naman?"

"Dahil ikaw ang boss ko! " Kibit balikat niyang sagot.

"Tama ka. Ako ang boss mo. At sinisigurado kong wala kang dapat ikabahala."

"Pero-"

"Yuri." Parang tumigil sa pagpintig ang puso niya nang sambitin nito ang pangalan niya. Para bang matagal na silang close or something?

"Simpleng kontrata lang 'to. You'll just have to act as my fiancee. Kaya mo bang gawin 'yun?"

Natahimik siya. Kung tanungin kasi siya nito ay parang maglalaro lang sila ng patentiro. Na parang napakadali lang nitong gawin para sa boss niya?Over all, she's a woman.

Paano nito naaatim na lokohin ang sarili nitong mommy? Ang mga taong nasa paligid nito, at gawin ito sa kanya? They just met...

Pero kailangan niya ng pera. Sobra-sobra na iyon para lubayan siya ng landlady niya. Para makapagbagong-buhay. Mabubura lahat ng mga problema niya sa buhay kapag tinanggap niya ang pera.

I just have to act as her fiancee.

"Hindi ko alam." Nalilito niyang sagot sa babae. "Pag-isipan ko pa."

"Ngayon ko na kailangan ang sagot."

"May kailangan ka sakin. Kaya pwede bang maging mabait ka sakin Miss Arcenal?"

"Inaasahan mo bang magmamakaawa ako sayo?"

"Binibigyan mo lang ako ng dahilan."

" Yuri."

Isang mapanganib na boses ang narinig ni Yuri mula kay Mickey. Dumilim ang paningin nitong nakatitig sa kanya.

Sapat na siguro ang ginawa niya para subukang mainis ang boss niya.

"Oo na. Pumapayag na ako." Sabi niya habang nakatungo at hilot-hilot ang noo.

"Mabuti naman. Pumirma ka na sa kasunduan." Napabuga na lang hangin si Yuri saka nagsulat sa papel.

"Anong ginagawa mo?" Nagtataka nitong tanong sa kanya.

"Bukas pa ang simula ng kontrata natin at hindi ngayon."

"Pareho lang 'yun."

Binaba ni Yuri ang papel sa lamesa at tumingin kay Mickey.

"Iyung isa mong kondisyun. Pwede bang gawin mong exempted'yun?"

"Alin dun?"

"Iyung kailangan kong kumilos ayun sa tama kapag nasa public places ako. "

Naningkit ang mga mata nito.

"At ano naman ang gusto mong gawin?" Kumunot ang noo ni Mickey.

"Hindi na 'yun mahalaga. Tsaka hindi mo pa ako fiancee."

She rolled up her eyes.

"Sabihin mo na sakin."

Subalit hindi na niya sinagot pa ang babae. Sa halip ay tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papalayo.

Narinig niya pang tinawag nito ang pangalan niya. Pero hindi na niya ito nilingon pa.

"Normal lang namang sumagot kapag tinatawag hindi ba?"

Natigilan siya nang marinig mula sa kanyang likuran ang babae.

"Hindi ngayon." Sagot niya nang harapin niya ito.

Subalit tinignan lang siya nito.

Hanggang sa nakita na lang niya ang sarili na nagmamaneho gamit ang kotse ni Mickey.

"Hindi pwedeng basta mo na lang ako pinag-drive." Reklamo niya.

"Whatever."

Napabuga na lang ng hangin si Yuri.

"Alam kong boss kita. Pero-"

"Pero...?"

Nakataas ang kilay na ulit nito. Kaya napalunok siya ng laway.

Sh*t.

"Not surprising." Sambit ni Mickey nang pumasok sila sa isang club.

"Bakit?" Kunot noong tanong niya habang pilit na pinapahaba ang leeg. Para kasing hindi na umaabante ang mga tao sa haba ng pila.

"T-teka san ka pupunta...?"

𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Where stories live. Discover now