TULUYAN nang kumawala ang lahat ng kanyang emosyon na kay tagal na niyang itinatago.
Sinampal tuloy siya ng katotohanang hindi pa siya nakakamove-on kay Mickey. Although they don't have really, real attachments. Pero bakit para sa kanya ay parang totoo ang lahat ng nangyari in just a few weeks?
Sa paglipas ng panahon na pilit niyang binabaon sa limut ang kanilang nakaraan ay hindi niya namamalayang nahulog na pala siya kay Mickey.
Masyado kasi siyang nahirapan na ikumpara ang totoo sa kasinungalingan. At ngayon tapos na sila, pwede ng maghanap ng totoong mapapangasawa si Mickey.
Makakalimutan na siya nito. Makakalimutan na nito na minsang naging parte siya ng buhay nito.
Napasinghap siya nang mag-ring ang phone niya. Namamaos na sinagot niya ang tawag.
"Hello...?"
"Yuri?" Bungad ni Roy sa kabilang linya. " Umiiyak ka ba?"
At wala nang ibang nagawa si Yuri kundi ang magkwento. Lahat ng nararamdaman niya ay sinabi niya kay Roy.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya matapos maglabas ng saloobin sa matalik niyang kaibigan. Nahihiya man siya subalit wala na siyang mapagpipilian. Para kasing sasabog na siya anumang oras.
"Teka, may gusto ka ba sa kanya?"
"Oo bay," Matipid niyang sagot.
Habang napamura naman sa kabilang linya ang kaibigan niyang si Roy.
"Salamat sa pakikinig ng mga rant ko. Magpapahinga na ako."
"O-okay sige."
Binaba niya na ang tawag saka pumasok ng kanyang apartment.
***
KINABUKASAN ay nagising si Yuri sa kanyang alarm clock. Humihikab pa siyang bumangon para maghanda sa trabaho.
Gusto sana niyang umabsent dahil sariwa parin kasi sa kanya ang mga nangyari. Ang pagkausap sa kanya ni Mickey. Sa gitna ng maulan na gabi.
After a long time of ignoring her and now he just talked to her last night makes him feel unsettled.
Masyado siyang nakampante sa kanyang nararamdaman para kay Mickey noon.
***
Maaga siyang nakarating sa building. Hindi pa kasi nakapila ang mga employee sa harap ng elevator. Naku, lalo na kapag late na silang nakakarating? Gamit na gamit talaga ang emergency stairs papunta sa kani-kanilang nga department.
Bumukas ang elevator at pumasok naman siya. Magsasara na iyon nang biglang may pumigil sa pinto ng elevator.
Nagulat siya nang makita si Miss Arcenal na pumasok ng elevator habang nakangiti na nakatingin sa kanya.
"Mr Reyes."
Binati niya rin ito pero agad din siyang umiwas ng tingin. Hindi na kasi niya kaya pang itago ang nararamdaman.
Nagpanggap siyang normal lang ang lahat. Nagpanggap siya na hindi affected sa presence ng boss niya.
Napabuga siya ng hangin. Naramdaman niya ang mga kamay nitong pumulupot sa kanyang likod. Nang harapin niya ito ay agad na kumawala ang boss niya sa pagkakayakap.
"P-pasensiya ka na. Nabanguhan lang ako sa bagong pabango mo." Umiwas ng tingin si Mickey saka medyo dumistansiya sa kanya.
"N-napansin mong bago na ang pabango ko?" Tumikhim siya. Pilit na tinatago ang pilyo niyang mga ngiti. Kahit papaano kasi ay naging familiar ito sa kanyang pabango na ginagamit.
"A-ano bang pabango mo? A-ang b-bango kasi. Amoy apple. Bagay sayo."
Kahit na medyo may kalayuan na sa kanya si Mickey ay damang-dama parin niya ang mainit nitong presensiya.
Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy mula sa mga mata nito papunta sa mga mata. Hindi niya alam kung nakukuryente ba siya dahil sa kilig?
Pumantig ang kanyang dalawang tenga at naramdaman niya pag-init ng kanyang magkabilang pisngi.
Pakiramdam niya tumigil sa pag-akyat ang elevator. And they were stock inside the small room the moment they stare to each other.
Bumalik lang siya sa kanyang sarili nang huminto ang elevator saka bumukas ito. Nang tignan niya ang buttons ay napagtanto niyang hindi pa nila floor iyon.
"Mickey." Bungad ng pumasok na si Marcelo. "Mr Reyes." Baling naman nito sa kanya.
Pagkatapos ay nagpalipat-lipat ito sa kanila ng tingin. Na para bang gusto siya nitong paalisin sa tabi ni Mickey. Subalit nanindigan siya na manatili sa tabi ng boss niya.
Marcelo has no choice but to stand at her left side.
"May nakalimutan pala akong sabihin." Panimula ni Marcelo kay Mickey. But Mickey never give him even a little attention. She's just standing beside Yuri while staring at him.
"May dinner pala kami ng daddy mo sa Saturday."
"Then?"
"Anong gusto mong suutin ko? Iyong casual or more simple than that?"
Tanong nito habang nakayuko sa phone nito. Hinarap naman ito ni Mickey para sagutin.
"Bahala ka."
Napapamura na lamang siya sa kanyang isipan. Para na siyang nasa out of nowhere ng mga oras na iyon. Parang napakabagal ng pag-akyat ng elevator habang nagtatawanan ang dalawa niyang kasama.
Halatang nilalandi ni Marcelo si Mickey nang hindi namamalayan ni Mickey. Hindi nga nga ba? Naiinis siya kay Marcelo, to the point na gusto niya itong i-side eye. But he choose to act professional.
Kaya nang bumukas ang pinto ay agad na siyang lumabas na parang walang nangyari.
Pagdating niya sa cubicle ay kinuha na agad niya ang mga documents na kailangan niya para sa meeting nila. Pagkatapos ay dumako na siya siya conference room.
***
"Nagustuhan ni Mrs Irving ang trabaho natin. Kaya nasisigurado kong mananatili siya sa pagsuporta sa atin."
"Eh, si Yara?" Usisa ni Mickey.
"Ginagawa parin namin ang kaso niya. Kaya kailangan ko ng karagdagang katulong sana."
"Pumili ka lang ng gusto mong katulong," ani Mickey.
"Gusto ko sanang makasama sa team si Yuri." Medyo nahihiya pang sabi ng babae. "Mas mapapadali ang pagtatrabaho ko kung siya ang kasama ko."
"Iba na lang ang piliin mo." Suhestyon ni Mickey.
"Ha? Bakit naman?" Nagtataka na usisa ng babae.
"Kinokontra mo ba ang desisyon ko?"
"Hindi naman sa ganun!" Depensa nito. "Sabi mo kasi pumili ako-"
"Kahit sino basta h'wag lang siya. Maliwanag ba?"
"Hindi po ma'am." Singit niya. "Wala namang mali sa sinabi ni Ellis." Pagtatanggol niya sa babaeng katrabaho niya.
Bagay na halatang hindi nagustuhan ng boss nila.
"Next time I'll explain further. Salamat sa iyong opinion Mr Reyes. Everyone, dismissed."
Nagsitayuan na ang mga empleyado kaya tumayo na rin siya.
"Maiwan ka, Mr Reyes." Bilin nito sa kanya.
"O-okay."
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞
RomanceSi Yuri ang napili ni Mickey na pakasalan. Wala ng ibang mapagpipilian si Yuri since pinapalayas na rin siya ng bago niyang landlady. Si Marcelo ay nagpupuyos sa galit dahil sa desisyon ni Mickey, at sa pagkakaalam nitong employee pala nito ang lal...