"AY, P*TANG*NA!" Mahinang bulalas niya nang mabigla siya sa bumungad sa kanya.
Nasa kusina na kasi si Mickey. Naghahanda ng pagkain at nakabihis na gayong alas singko pa lang naman ng umaga.
Siguro kaya bilyunaryo ito kasi ganito ito kaaga gumising.
"Yuri." Nilingon siya ni Mickey na may ngiti sa labi. Saka humigop ng kape.
"Ma'am."
"Mickey na lang ang itawag mo sakin kapag nasa condo lang tayo. Tsaka fiancee mo 'ko. "
"S-sige." Pagsang-ayun niya kay Mickey. "Mickey..." Mag pag-aalangan sa boses niya.
Sa palagay niya ay pareho sila ng nararamdaman ni Mickey. Kalat na kalat kasi opisina na hindi masyadong nakikihalubilo si Mickey. Lalo na sa may mahabang estado sa buhay. At ngayon sinasabi nitong tawagin siya sa first name ng employee niya? Ang weird lang.
Naglakad na siya papalapit kay Mickey na suot ay boxer briefs at sando lang ang suot. Magtitimpla na rin sana siya ng kape nang tanungin siya ni Mickey.
"Hindi ka naghapunan kagabi?"
"Ah..." Lingon niya rito.
"Hindi kasi kita nakitang kumain kagabi." Paliwanag nito.
"Hindi kasi ako nakaramdam ng gutom kagabi. " Sagot niya naman.
"MICKEY!" Sigaw nang kung sino. Magkasabay tuloy silang napatingin sa pinagmulan ng malakas na boses.
"Ilang beses ko bang sinabi sayo na mag-doorbell ka bago ka pumasok!" Nakapamewang na sabi ni Mickey sa ama.
"Alam ko ang passcode mo. Kaya bakit ko pa 'yun gagawin?" Inirapan lamang ito ni Mickey.
"Good morning, Mr Arcenal." Nakangiting bati ni Yuri sa ama ni Mickey.
"Junnie ang pangalan mo hindi ba?"
"Yuri po."
"Ah." Sagot nito saka siya tinitigan. Halatang hindi siya gusto nito para sa anak. Hindi niya rin ito masisisi.
Hindi naman kasi niya kilala. Para rito ay isa lamang siyang pangkaraniwang tao na biglang naging fiancee ng anak nito.
"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong Mr Arcenal.
Napabuntong-hininga si Mickey saka nasapo ang noo."Sinabihan na kita. Busy akong tao-"
"Hindi kita kinakausap, Mickey."
Napaatras siya nang mapagtanto niyang siya ang tinutukoy nito.
"A-ako po?"
"Oo, iho. Gusto kong tulungan ka sa pamimili para sa isusuot mo sa kasal."
Nabulunan siya sa kanyang sariling laway. Kaya nag-aalala tuloy siyang tinanong ni Mr Arcenal kung ayos lang ito.
"Opo."
"We just engaged, dad. Masyado namang maaga na mamili ng susuutin para sa kasal." Hindi pagsang-ayun ni Mickey sa ama.
"Bakit kailan ka pa ba mamimili? Sa araw ng kasal niyo na?" Bumaling ito sa kanya." Anong masasabi mo, iho?"
"Ah..." Nilingon niya si Mickey. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung hihingi ba siya ng tulong o hihingi ng approval mula rito.
Subalit ni hindi man siya nito tinignan. Para bang sinasabi niya na bahala ka. Malaki ka na.
Kaya muli na lamang niyang binalik ang atensiyon kay Mr Arcenal.
"Hindi ko alam-"
"Mahusay, iho. Sinisigurado ko sayong magiging masaya ang pamimili mo." Putol nito sa sasabihin niya. Kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang magpaalam dito upang magbihis.
"Ano kamo? Kwarto mo?" Tila nagdududang tanong ni Mr Arcenal.
"Ah..."
"Kwarto namin." Pagtatakip ni Mickey sa kanya.
"O-oo, kwarto namin ang sinabi ko. "
Sinundan siya ng tingin ni Mr Arcenal hanggang sa makapasok siya ng kwarto.
***
GROOM'S APPAREL.
Naiilang na nakaupo lang si Yuri habang pinagmamasdan si Mr Arcenal na namimili ng damit.
Hindi sigurado kung bakit umabot sila sa ganito. Nilapitan siya ni Mr Arcenal.
"May napili ka na ba?"
"W-wala pa po." Sagot niya.
"Kung ganun, subukan mo 'to! Alam kong bagay ito sayo." Sabay abot sa kanya ng hawak nitong attire.
Kinuha niya ito mula kay Mr Arcenal. Saka nagtungo sa fitting room.
Pagpasok niya agad siyang napatawag sa lahat ng santo na kilala niya.
Ang weird sa pakiramdam na kasama niya ang daddy ng boss niya. Habang tinutulungan siyang mamili ng damit. Nakokonsensiya tuloy siya para sa daddy ni Mickey.
Gusto lang naman ni Mr Arcenal na tumigil na sa pagtatrabaho ang anak niya lalo pa at babae ito. Gusto lang naman niyang mag-asawa ang anak. Marahil ito ang naiisip nitong paraan para tumigil na sa pagtatrabaho ang anak niya.
At ngayon ay kasama siya nito-ang fake fiancee-habang namimili ng damit para sa fake na kasal.
Napabuntong-hininga na lamang siya saka nagpalit ng damit. At halos walang paglagyan ang saya niya nang bumagay sa kanya ang napili ni Mr Arcenal na damit para sa kanya.
Lalo siyang gumwapo kahit wala pang ligo. Mas guwapo pa siya higit sa kanyang inaasahan.
Napabuntong-hininga siya ng ilang beses bago nagpasyang lumabas ng fitting room.
Bumungad sa kanya ang nagtatawanang sina Mr Arcenal at ang spokesperson ni Mickey na si Marcelo.
"Andyan ka na pala iho." Baling sa kanya ni Mr Arcenal. "Sinasabi ko na nga bang bagay sayo 'yan e!" Masayang sabi nito.
"Masaya akong makita ka ulit, Yuri." Bati sa kanya ni Marcelo.
"Ikinagagalak ko ring makita ka ulit." Isang kasinungalingang ganti niya.
Mukhang gusto rin silang tulungan ni Marcelo Egnacio na mamili.
"Napadaan lang ako. Nakita ko kasi si Reviro at gusto ko lang sana siyang batiin." Paliwanag sa kanya ni Marcelo. "Oh, pano? Mauna na ako. Pasensiya na sa abala."
Hinawakan ni Mr Arcenal si Marcelo sa kamay. "Naku, hindi ka nakakaabala iho. Alam mo namang lagi kang welcome samin."
"Tama si Mr Arcenal. Hindi ka nakakaabala, Marcelo. " Pagsang-ayun niya sa ginoo.
"Ang bait mo naman." Bulalas ni Marcelo. "So, namimili na pala kayo?"
"Oo." Sagot niya.
"Naniniwala ka bang nakahanap na ng lalaking mapapangasawa si Mickey?!" Bahagyang nagulat siya sa naging tono ni Mr Arcenal.
"Maging ako ay nagulat din." Sang-ayon naman ni Marcelo.
"At nakahanap siya ng singguwapo ni Yuri."
"Sinabi mo pa." Nilingon ni Mr Arcenal si Yuri.
"Naku, salamat po." Naiilang na sagot niya.
"Gayun paman, masaya akong makita ka ulit, Reviro."
"Ganun din ako, Marcelo."
"Have fun!" Paalam pa ni Marcelo bago sila tinalikuran.
"Mukhang close kayo ni Marcelo, sir." ani Yuri nang makalabas ng apparel si Marcelo.
"Matagal ng magkakilala si Mickey at Marcelo. Mahusay siyang empleyado. Matalino, maaasahan, at mapagkakatiwalaan."
"Nakikita ko nga."
"Gusto kitang makilala pa." Paglioat sa kanya ng usapan.
"Po?"
"Paano kung mag-dinner tayo? Para makapagkwentuhan?"
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞
RomansSi Yuri ang napili ni Mickey na pakasalan. Wala ng ibang mapagpipilian si Yuri since pinapalayas na rin siya ng bago niyang landlady. Si Marcelo ay nagpupuyos sa galit dahil sa desisyon ni Mickey, at sa pagkakaalam nitong employee pala nito ang lal...