𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓯𝓲𝓯𝓽𝓮𝓮𝓷

4 1 0
                                    

NAGPANGGAP na lamang siyang walang nakita.

"Maganda na talaga si Mickey kahit nasa sinapupunan pa ng mama niya." Baling nito kah Mickey.

"Pwede bang pag-usapan na lang natin ang tungkol sa kontrata?" Pag-iba nito sa usapan.

Wala talagang pakialam si Mickey. Gusto laging direct to the point kapag nakikipag-usap.

"Hindi ka parin nagbabago." Puna ni Magenta kay Mickey.

Maya-maya ay sinimulan na nilang pag-usapan ang nabanggit nitong kontrata.

Kahit isa sa mga pinag-usapan ng mga ito ay wala siyang naunawaan. Para bang may mga sarili silang lingguwahe. Hindi man lang siya napansin ng mga ito. Sobrang nakaka-out-of-place!

"Then that's settled." Tanging naiintidihan niya. At mukha v tapos na ang diskusyon nila.

"Wala ka talagang awa, Mickey." Nasapo ni Magenta ang noo na parang kumikikirot. "Lagi mo talagang nakukuha ang gusto mo."

"Alam mong makikinabang ka rin sa deal na ito."

"Kahit na-"

"Patas akong ka-business partner, Magenta."

"Manananso." Pang-aasar nito kay Mickey na hindi naman nito pinatulan."Tapos na usapan tungkol sa contract. Ngayon, sabihin niyo samin kung ano nga ba ang meron sa inyo ni Yuri?" Nasasabik na tanong nito habang palipat-lipat sa kanya at kay Mickey ang tingin.

"Anong ibig mong sabihin?" Naniningkit na tanong din ni Mickey.

"Mukha ba akong hindi nanonood ng balita? Of course, nakita ko sa tv. Kaya hindi mo lang siya basta employee."

Nanatitiling tahimik lang si Yuri. Total napagod na rin siyang magpaliwanag. And besides, she introduced him as one of her employees. Hahayaan niya itong magpaliwanag.

"Kung ano man ang meron samin. Wala ka ng pakialam dun, Magenta." Masungit na sagot nito.

"Oh, c'mon. Matagal na kitang kilala...spill the tea." But Mickey never answered. Kaya siya ang tinanong nito.

"A-ako?"

Napapaisip na tinignan siya ni Magenta. "Is she treating you right?"

"S-si M-Mickey?" Naiilang na sagot niya. "A-ang ibig kong sabihin Miss Arcenal." Mabilis na pagbawi niya.

Nginitian siya ni Magenta. Saka naghihintay ng kanyang sagot.

"Mabuti naman siya sa'kin." Sagot niya na nagpahanga kay Magenta. At higit sa lahat, kay Mickey. Sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan. "Simula pa lang ay hindi na ako masyadong nag-e-expect." Dagdag pa niya na hindi inaasahan ni Mickey.

"Excuse me?" Galit siyang hinarap ni Mickey.

"Sinasabi ko na nga ba." Nakangisi na sambit ni Magenta. Maya-maya ay biglang humalakhak.

Natutop ni Mickey ang kanyang labi. Saka umirap kay Magenta.

"Maayos ang pakikitungo ko sa kanya. Anong tingin mo sakin?"

"Ang tingin ko sayo ay isang taong walang puso at walang ibang iniisip kundi ang kompanya lang."

"Magenta." Mahina ang boses na pinuna ni Marcelo si Magenta. "May mabuting puso si Mickey. Naniniwala akong kahit sino ang makasama niya ay pinakikisamahan niya ng maayos." Proud na wika ni Marcelo.

"Then let's try." Hamon nito kay Marcelo. Saka bumaling kay Yuri at Mickey. "Kailan kayo nagkakilala?"

"Nung July - in August!" Magkaiba at magkasabay na sagot nilang dalawa.

Nagulat siya sa kanilang naging sagot.

"Nung August 'yun, Yuri." Irap nito sa kanya. "Nakalimutan mo na?"

"Pasensiya na. Magkasunod lang naman sila."

Isang malakas na tawa ang pumutol sa pagtatalo nila. Salamat kay Magenta.

"Niyaya mo na ba ng date si Mickey?" Patuloy na usisa ni Magenta kay Yuri.

"Siya ang yumaya sakin." Pilyong sagot niya na ikinagulat naman ni Mickey.

"Niyaya kita?!" Nanlalaki ang mga matang sambit ni Mickey.

"Masyado siyang naging pangahas na ikinagulat ko talaga." Halos pabulong at nagpipigil sa tawa na sabi niya.

Nakita niya ang pagkuyom nito ng mga kamao habang matalim siyang tinitigan.

"Tama siya. A-ako ang nagyaya." Parang gusto na lamang ni Mickey na kainin ng lupa dahil sa hiya.

"Well done, Mickey! Hindi ako makapaniwalang siya ang magfi-first move." Umiiling na wika nito. "But anyway, sinabi na ba sayo ni Mickey ang favorite movie niya?"

"Iyong John Wick? Hindi niya lang sinabi. Kundi pinanood pa naming dalawa." Nakangiti na kwento niya.

"J-John w-" nauutal sa gulat na ulit ni Mickey.

"John Wick...?" Biglang sumama ang timpla ng mukha ni Magenta.

"Akala ko ang favorite movie niya ay ang Empress Ki?" May pagdududa na sabi ni Magenta.

"Ah...pinanood din namin 'yan!" Mabilis na sabi niya.

"May kumakalat na balita na engaged na kayo. Totoo ba?" Usisa nito.

"K-kami- "

"Sinabi ko na." Putol ni Mickey sa kanya. "Wala ka ng pake kung ano ang meron samin."

Nanikip ang dibdib niya. Napayuko na lamang siya sa kanyang pinggan habang pilit na kinakalma ang hindi niya makapakaling mga kamay.

Bakit ba siya masyadong affected sa sagot ni Mickey?

Mas makakabuti sa kanya kung hindi manggagaling sa babae ang sagot.

Nagpapanggap lang naman talaga kasi sila.

Pero bakit fiancee siya nito sa harap ng daddy ni Mickey, at isang empleyado lang naman kapag sa harap ng mga kaibigan nito?

Bakit parang hiyang-hiya itong sabihin directly to her friends that he's her future husband?

Masisisi niya ba ito?

Isa lang naman siyang di hamak na empleyado. Wala pang napapatunayan. At higit sa lahat, hindi mayaman.

Hindi siya marahil ang perpektong asawa na hinahanap nito.

Napaangat siya ng tingin sa direksyon ni Marcelo na tumatawa habang nakikipagkwentuhan sa mga ito.

"Kailangang pagbutihin ni Yuri para pakasalan siya ni Mickey. Isa itong napakahirap na desisyon." Ani Yazmin na sinang-ayunan naman ni Magenta ng isang tawa.

Tumingin sa direksyon niya si Yazmin. Saka siya nginitian nito. Ginantihan niya din ito ng isang matamis na ngiti.

Ang hindi niya alam ay nakatingin sa kanilang dalawa si Mickey.

"Paano ba 'yan. Kailangan ko ng umalis." Paalam ni Magenta saka maingat na tumayo. "Masaya akong makilala ka, Yuri."

"Masaya din akong makilala ka, ma'am."

Pagkatapos ay kay Mickey naman ito tumingin. "Napakahirap talagang makipagnegosasyon sayo, Mickey." Pagkasabi ay agad na sila nitong iniwan.

"Kailang kitang makausap, Mickey." Sabi ni Marcelo nang makalayo na si Magenta. "Pwede bang iwan niyo muna kami?"

Tumango sina Yuri at Yazmin saka sila nagsitayo at iniwan ang dalawa.

Dumiretso na ng silid si Yuri. Pagkatapos ay naghubad ng mga suot, saka pumasok ng shower room.

𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Where stories live. Discover now