NAGKATOTOO ang lahat ng kinatatakutan niya at agad namang pumayag ito desisyon ni Marcelo.
Kahapon lang nasa apartment niya ito pagkatapos siyang tulungang mapaalis ang reporter sa tapat ng apartment building nila.
Tapos kaninang umaga lang ay pinadala sa kanya ang mamahalin nitong coffee maker.
Pagkatapos ay napagtanto niyang farewell gift na niya pala iyon kasi matatanggal na siya sa kompanya.
Pagkatapos nitong makahanap ng ipapalit sa kanya? No. Hindi siya dapat nagbibigay ng conclusion agad. Kailangan niyang mula sa bibig nito mismo manggaling ang sagot.
Hinanap niya sa contacts niyang number ni Mickey. Pero nang tawagan niya ito ay hindi siya sinasagot. Then he realized that she's actually on a business trip at nasa meeting pa siguro.
Napabuga na lamang siya ng hangin sa kawalan saka nagpasyang lumabas ng restroom.
Papunta na siya ng department nila nang salubungin siya ng secretary ni Mickey.
"Pwede mo bang sabihin sa'kin kung kailan mo lilinisin ang lamesa mo, Mr Reyes? May bago na kasing employee na papalit sayo."
"Ang bilis naman!" Hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Sabi sakin ni Mr Egnacio dapat wala ka na daw bukas."
"Hayst!" Tanging naibulalas na lang niya.
Hindi na siya tumuloy pa sa lamesa niya. Lumabas siya ng building to meet someone nearby.
"Salamat at pumunta ka. Alam kong napakahaba ng binyahe mo para makapunta rito. Pasensiya ka na kung naabala ko pa ang meeting mo." Malungkot na panimula niya.
"Ayos lang, ano ka ba. Patapos na rin naman ang meeting." Nakangiting sabi ni Yazmin."So, anong problema?"
Yumuko siya saka nagsalita. "Pinaalis na kasi ako sa trabaho." Nagulat si Yazmin sa inamin niya.
"ANO?!"
"Sinabihan nila akong dapat ay wala na ako bukas."
Nag-cross ang kilay ni Yazmin dahil sa galit."Sinong nagsabi sayo? Si Mickey?"
Umiling siya. "Si Marcelo." Matipid niyang sagot. "Pumayag lang si Mickey sa desisyon ni Marcelo."
"I can't believe this! Biglaan naman yata."
"Alam mo naman ang nakaraan namin ni Mickey. Kaya sabi niya mas mabuti daw itong gawin."
"Pero hindi ibig sabihin nun ay kailangan ka na niyang paalisin. Pwede ka namang ilipat ni Mickey sa ibang department. Ang laki ng kompanya niya." Patuloy ni Yazmin na hindi na nasagot pa ni Yuri.
"Pasensya ka na, Yuri. Hindi sana nangyari ito." Dinamayan siya ni Yazmin ng mga oras na iyon.
"Hindi ko na alam ang gagawin ngayon. Meron naman akong sapat na pera para magsimula ulit. Pero... gustong-gusto ko na ang trabaho ko."
Sa paglipas ng araw na nagtrabaho siya sa Crux Enterprises, napagtanto niyang ito na ang trabahong hinahanap niya. Kahit pa noong hindi sila nagkakakilala ng boss niya. Kaya mahirap para sa kanya na bitawan ang trabahong napamahal na sa kanya.
"Paano kung sakin ka na lang magtrabaho? Naalala mo ba 'yung sinabi kong magtatayo ako ng sariling kompanya? Hiring parin ako ngayon."
Nagulat siya sa sinabi ni Yazmin at the same time ay nagdadalawang isip.
"Pwede ba 'yun? Hindi naman ako abogado."
Bahagyang natawa si Yazmin. "Hindi lang naman abogado ang kailangan ko, Yuri. Tsaka 'yung mga trahabo na ginagawa mo sa kompanya ni Mickey, ginagawa din sa kompanya ko."
"Pero diba lumipat ka ng tirahan dahil malayo dito ang lokasyon ng kompanya mo?"
Pinaloob ni Yazmin ang labi at marahang pinisil iyon."In other words, kailangan mong lumipat ng matitirhan. Mas makakabuti din sayo para mas makapagsimula ka ng mabilis na malayo sa mga taong nanakit sayo."
Hindi agad nakapagdesisyon si Yuri na inaasahan na rin ni Yazmin.
"Hindi mo naman kailangan ibigay sakin agad ang sagot mo. Kung gusto mo talagang magtrabaho sa'kin pumunta ka bukas ng airport. Alas nuwebe ng umaga." Pagkasabi niyo ay agad na itong nagpaalam na aalis na. Hinatid niya ito ng tingin hanggang sa makalayo na ito.
Pumara siya ng taxi para umuwi na. Nang humahangos na tumawag sa pangalan niya.
"Yuri!" Sigaw ni Rustom sa 'di kalayuan.
"Rustom, anong ginagawa mo rito?" Tanong niya nang makalapit ito sa kanya.
"Narinig ko sa mga katrabaho natin na pinaalis ka na daw sa trabaho?"
"Oo e,"
"Ang siraulong 'yun. Nagseselos lang 'yun sayo kasi close kayo ni boss."
Nagkibit balikat na lamang siya.
"Eh, nakausap mo na ba si Miss Arcenal? Baka kasi gumagawa lang ng kwento 'yung kumag na 'yun e."
"Hindi na kailangan. Sapat na saking malaman na pumayag siya sa desisyon ni Sir Egnacio. At tinanggap ko na ang kapalaran ko."
"Pero hindi parin tama ang ginawa niya." Mariing wika nito.
" Hindi talaga makatarungan ang buhay. Besides, he's out boss's future husband." Mapait na sabi niya.
"Kahit pa! Hindi natin siya boss!"
Mahigpit na kumapit sa braso ni Rustom si Yuri. "Ayos lang talaga ako. Kailangan kong tanggapin at mag-move forward."
Malungkot na tinitigan siya ni Rustom. "Yuri."
"Bumalik ka na sa trabaho. Baka ikaw naman mawalan ng trabaho ngayon e."
"Sigurado ka bang ayos ka lang?"
Tumango siya saka pinasakay sa pinara niyang taxi. Dumungaw pa ito sa bintana bago umandar ang taxi.
Dinukot niya sa bulsa ang nagri-ring niyang phone. Laking gulat niya nang mabasa ang pangalan ng boss niya sa screen.
Hindi niya inaakalang tatawagan siya nito after too many attempts he tried. At ngayong tumatawag na nga ito ay nagdadalawang isip na tuloy siya kung sasagutin niya ba ito?
Natatakot siya na baka tumawag ito para sabihin sa kanya ang kinakatakutan niya. Ang katotohanang tinatanggal na siya nito sa trabaho.
Sinubukan niyang kinalma ang sarili. Pero lalo lang siyang nanlamig. Lalo na ng malaman niyang ikakasal na ang babaeng mahal niya sa ibang lalaki.
Siguro tama si Yazmin na magpakalayo-layo na lang siya at magsimula ulit. Bakit nga ba niya ipagpipilitan ang sarili sa mundong puro sakit lang naman ang dinulot sa kanya? Kaya mas makakabuti kung aalis na lang siya.
***
KINABUKASAN ay hinanda na niya ang kanyang mga gamit. Nilalabas niya na ang mga ito sa kwarto niya nang may mag-doorbell.
"I miss you." Agarang bungad ni Eden sa kanya nang pagbuksan niya ito ng pinto.
"Eden..."
Pinapasok niya si Eden na halatang pagod at pinaupo sa sofa.
"Simula nang umalis ka, lalong lumala ang ugali ni Mickey. Nakakapagod ang ugali niya." Panimula nito saka lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"Bumalik ka na please..."
YOU ARE READING
𝐁𝐈𝐑2: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞
RomansaSi Yuri ang napili ni Mickey na pakasalan. Wala ng ibang mapagpipilian si Yuri since pinapalayas na rin siya ng bago niyang landlady. Si Marcelo ay nagpupuyos sa galit dahil sa desisyon ni Mickey, at sa pagkakaalam nitong employee pala nito ang lal...